Chapter Sixteen: Isa pang Pagkakataon

Începe de la început
                                    

     "Sino raw iyon Agatha?"

     "Lorenz daw po ang pangalan niya, kasalukuyan po siyang naghihintay sa inyo sa library," maikling tugon ng kasambahay. 

     Nanlamig bigla ang buong katawan ni Ginny, hindi malaman kung papaanong natunton siya ni Lorenz dito. "Nasaan si Jordan?"

     "Nasa farm po."

     "Sige tawagan mo siya at ako naman ay papanaog sa baba, magbibihis lang ako." Mabilis na naghilamos at nagbihis si Ginny at agad na pumanaog sa may library. Bago pa siya pumasok sa may pintuan ay nakita niyang nakatalikod si Lorenz, nakaharap ito sa may bintana. Malayo ang hitsura nito kumpara sa huli nilang pagkikita. Sa ngayon ay mukha na itong matikas, na tila ba pinaghandaan ang pagkikitang ito. 

     Agad itong humarap sa kinatatayuan niya nang maramdaman nito na may tao sa likod niya. Bahagya itong ngumiti, hanggang sa magsalita si Ginny. "Lorenz, anong ginagawa mo dito?"

     "Ginny, I'm here to ask you to come with me."

     "Nababaliw ka na ba?"

     "I'm damn serious, Ginny and this time I won't take no for an answer."

     "Or else what Lorenz? Ano ang gagawin mo?" Pilit na pinipigil ni Ginny ang sarili na magmukhang natatakot sa gagawin nito. 

     "Alam kong alam ng kabahayang ito na si Jordan ang ama ng dinadala mo. Ngayon, kung sasama ka sa akin ay mananatiling sikreto ang nalalaman ko."

     "So, ayan ba ang panlaban mo sa akin ngayon? Ibla-black mail mo ako para lang sumama sa'yo? Desperado ka na ngang talaga Lorenz."

     "Ginny, all I ask is one day na patunayan ko sa iyo na ako ang nararapat para sa'yo at sa baby natin."

     "Lorenz, we already had our chance." maikli niyang tugon. 

     "Isang araw lang Ginny and then you can decide whether I can be in your life or not. Alam kong matagal ka nang nakapagdesisyon, pero all I ask is one day to prove my love for you."

     "Dapat mong malaman na hindi na ako ang Ginny na nakilala mo noon. I was naive, mabilis mauto ng mga mabulaklak mong salita. Dapat mo rin malaman na kahit ano pa ang gawin mo ay hindi magbabago ang isip ko-"

     "I know you're going to say that, kaya nga I am willing to do anything basta sumama ka lang sa akin. I will shout to the world na ako ang ama ng baby na dinadala mo kung hindi ka sasama sa akin."

     "Nakikita mo ba ang kalagayan ko Lorenz? Hirap na akong maglakad dahil isang buwan na lang at lalabas na si baby."

     "Walang problema, hindi naman tayo maglalakad. May sasakyan na naghihintay sa labas-"

     "Hindi mo siya dadalhin sa kahit saan man." putol ni Jordan na humihingal dahil sa takbong ginawa niya mula sa tarangkahan ng mansion. "At papaano ka nakapasok dito huh?"

     "Jordan, pare, hindi ako nandito para makipag-away sa'yo. Alam nating lahat kung sino talaga ang ama ng dinadala ni Ginny, at isang araw lang naman ang hinihingi ko and I will leave the two of you alone." Aambang susuntukin na sana ni Jordan si Lorenz ngunit hinawakan na siya nang mahigpit ni Ginny. 

     "Hindi na kailangang umabot sa gulo ang lahat ng ito, Jordan. Sasama ako kay Lorenz sa huling pagkakataon para lang tumahimik na siya." sabi ni Ginny. 

     "Hindi ako papayag sweet heart. Who knows what this bastard will do to you kapag nasolo ka na niya?"

     "Alam kong hindi niya ako magagawang saktan ng pisikal Jordan. Huwag kang mag-alala at agad akong tatawag sa iyo kapag may nangyari."

     "Ayokong magsisi sa huli Ginny-"

     "Isang araw lang ang hinihingi niya at pagkatapos nito ay habambuhay na siyang aalis sa mga buhay natin Jordan. Sige na, payagan mo na ako."


     Hindi makapaniwala si Martha at Agatha sa mga narinig mula sa katabing kwarto ng library. Nagkatinginan ang dalawa, magkahalong pangamba at panghihinayang sa mga narinig. Tila ba nagkaroon ng kompirmasyon ang mga haka haka sa loob ng hacienda, totoo ngang hindi anak ni Jordan ang dinadala ni Ginny. "Ano pong gagawin natin Ate Martha? Ipagtatapat niyo po ba kay Ma'am Felicidad at Sir Carlito?"

     "Agatha, sa pagkakataong tulad nito ay hindi tayo dapat nakikialam, labas na tayo sa kani-kanilang sikreto. Hayaan na lamang natin na sila ang gumawa ng kanya kanya nilang hakbang. Malalaki na sila at alam na nila ang kanilang ginagawa," tugon ng ginang. "Sana lamang ay hindi masaktan si Jordan sa bandang huli, ngayon ko lang nakitang nabuhayan ng loob ang batang iyan. Kung si Ginny lamang ang makakapagpasaya sa kanya, wala na tayo doon sa kung sino talaga ang ama ng batang kanyang dinadala."


Notes from the author: 

Nalalapit na po ang pagtatapos ng nobelang ito, maraming salamat po sa mga sumubaybay ng kuwento nina Ginny, Jordan at Lorenz. Kung nagustuhan niyo po ang kuwento ay huwag kalimutang i-click ang vote o di naman kaya ay mag-iwan ng inyong komento. Masaya po akong nababasa ang inyong mga feedback sa istorya nila. Huwag niyo rin pong kalimutan na i-follow ako sa account na ito, marami pa po akong istoryang naghihintay ng mga mambabasa. Muli, maraming salamat po! :) 



Sakit ng KahaponUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum