"Anyway, kaklase ka ba ni Rancho? Uhm. Alamo ba kasi eto yung kauna unahang pagkakataon na nagdadala yan si Rancho ng babae dto sa bahay? Kung hindi ka niya kaklase, siguro girlfriend ka niya? Pero ang alam ko kasi NGSB yun ee. Siguro nililigawan. Tama. Nililigawan ka." Nakita kong tumatawa siya ng palihim. Pero yung tawa niya sobrang hinhin.

"Hrmm. Hindi ako girlfriend ng dagang yun. Never like ever. Tsaka we are rivals. Hindi niya ako nililigawan. Hinding hindi. Nagkataon lang na siya ang naging dahilan ng ginawa sakin ng isang babae. Tsaka ako, girlfriend. Nakakadiri. Ergh." Hindi ko alam kung maiinis ako dahil sa diring diri siya sa pinsan ko pero tuwang tuwa ako kasi bukod sa pagiging rivalry nila, nagagawa pa nilang ipagtanggol ang isa't isa. Awwe. How sweet! 😍

"Your both sweet and loving rivalries. Everything has a chance to change. Malay natin maging friends kayo or maging kayo sa huli. Pero ang mabuti pa ee, maligo ka na muna. Dun sa kwarto ko sa taas may banyo dun tsaka papahiramin kita ng damit and andies. Don't worry may mga panty at bra akong hindi ko pa naman nagagamit, ibibigay ko na lang sayo."

"Thank you." Inalalayan ko na siya papunta ng kwarto ko. Masakit pala yung paa niya mas sugat nga siya sa siko at mga gasgas sa legs. Nagpatulong ako kay Kuya Nestor para maiakyat namin siya.

Habang nasa banyo nga si Elsie,  ako naman nakahiga lang sa kama ko at nagiisip. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko kay Rancho. Iba yung mata niya ee. Ibang iba. Yung mata niya, ganun yung mga matang takot mawala ang taong minamahal niya.

Nagulat na lang ako ng biglang bumukas pinto. Napatayo tuloy ako. Si Rancho lang naman pala.

"What do you need?" I asked.

"Nasan na si Elsie? Di ba sabi ko sayo, punasan mo yung mukha niya?" Hindi ko kaya. Pinipigilan ko guys yung tawa ko kasi umuusok na naman yung malaking ilong ng pinsan ko. 💡 I have a very bright idea.
"Sabi niya kailangan na daw niyang umalis. Pinigilan ko. Totoong pinigilan ko pero ayaw talaga magpapigil. Sinabi ko nga ding hintayin ka na lang bago siya umalis pero ayaw talaga niya. Pero alamo, ang bilis niya nga akong iwan e, sobrang bilis niyang tumakbo. Hindi ko nga lubos maisip na talaga bang masakit yung paa niya or joke lang ang lahat." Syempre dapat seryoso yung mukha ko para maniwala talaga tong pinsan ko no? Mahirap sakin ang magsinungaling especially hindi ko naman ginagawa yun. 😂

"Urgh! Kahit kailan wala ka talagang silbi!"
"Uh. T-teka, saan ka naman pupunta?"

"Sa tingin mo, saan pa ako pupunta huuh? Ulol syemper sa bahay niya o sa mga posibleng lugar na pupuntahan nun. Alamo naman kasing may dinaramdam yun. Pano kung maaksidente yun, ako pa ang may kasalanan." Bigla niyang kinuha yung phone niya nagppindot sa phone nito. Mukhang tinatawagan niya si Elsie. "Ano bang pusa ka! Sagutin mo na!"

Tapos bigla siyang napahinto dahil narinig siyang tumutunog.  

*// I won't give up on us, even if the sky is rough  im givin all my love, i'm still looking up.//*

Hala. Yung bag ni Elsie. Dinala niya pa pala --- ako nga pala ang bumitbit nito dito sa kwarto. Argh. Sira na yung plano ko.

"Ano to, iniwan niya lang ng basta basta yung bag niya? Kailangan ko na talaga siyang hanapin."

"So? you are planning to follow her? Just like Romeo Juliet in the song of Taylor Swift , Love Story."

"You know? Just shut up! You're not helping okay?"

Every Moment is StolenWhere stories live. Discover now