"Yeeey! Sige, pasok lang ako sa loob, bibitawan ko yung bag ko." Pagpapaalam ko.

Tumango naman sila. Pumasok na ako tsaka ko binitawan yung bag ko.

"You watch me bleed until i can't breathe" pagkanta ko habang kumukuha sa pagkain nila mich.

"Anong title niyan?" Sabi ni mich.

"Ang alin?" Sabi ko naman.

"Yang kinakanta mo." Sagot niya.

"Stitches by shawn mendes" sagot ko naman.

"Ahh. Buti nasa mundo ka na ngayon ja?" Sabi ni mae sabay tawa.

"Haha! Heh, medyo napuyat lang siguro ako kahapon" pagpapalusot ko naman.

"Hay, malalaman din namin yan!" Sabi naman ni Mich.

"Tandaan, walang sikretong di nabubunyag!" Sabay nilang sabi.

"Haha, okay! Goodluck!" Pang-aasar ko naman.

"Perooo... Kamusta naman lovelife mo ngayerns?" Sabi naman ni Mich.

Biglang pumasok sa isip ko si Mr.nakasuot ng blue na polo sa profile niya. Aish! Bat siya naiisip ko!

"Hmm—still waiting." Sagot ko.

"Hay, ako rin." Sabi naman ni Mich.

Si mae, di na namin tinatanong kasi ni- walang crush yan eh. Jusko! 😂

"Basta in a relationship tayong tatlo!" Sabi ko.

"Ha? Kanino?" Sabay nilang sabi.

"Kay God!" Sabi ko.

"Oo naman! Sa panahon ngayon, si God nalang di nang-iiwan." Sabi ni mae.

Oo nga naman. 💘🙏

"Recess na!" Sabi nung president namin.

Nag-ngitian kami sabay tumayo with matching pagpag sa mga jogging pants namin dahil baka nadumihan. Haha!

Pumila na kami sa canteen. Hay, napakatagal na namang maghihintay.

Di bale, sanay na akong maghintay. Tapos kapag turn ko na, sasabihin nila na wala na o ubos na at nakuha na ng iba. Sus! Sanay na ako.

Nung turn na namin, bumili kami ng C3. Haha, 3 pcs kasi kaya C3. Joke yan, kaya tumawa kayo.

Nagstay muna kami sa canteen ng ilang oras, tapos habang nag-uusap kami biglang may sumigaw ng:

"RJ MURIT!"

O to M to G. Name ko sa twitter yun ah. Inikot ko yung paningin ko at nakita ko yung sumigaw dun. Si Kuya John pala. May kasama siyang isang lalaki, si kuya chester tapos may kasama silang isa pa kaso di ko makita kasi natatakpan siya ni kuya John.

Na-curious ako kung bat sinigaw ni kuya john yun kaya binigyan ko siya ng "Bat-alam-mo-yun-kuya?" look.

"Name pa sa twitter ehem, anong meron." Sabi niya.

Naguguluhan sila mae at mich dahil wala naman silang twitter.

"Halaaa, wala!" Pagtanggi ko naman.

"Eto si RJ oh." Sabi ni kuya John.

Tinitignan ko yung kasama nilang isa, kaso di ko siya makita, buhok lang niya nakikita ko.

"Ah siya ba yun." Sabi ko kahit na di ko pa talaga nakikita yung mukha niya.

"Hi RJ!" Sabi ko.

"Hi daw!" Sabi naman ni kuya john.

Nakikita ko na tumatawa siya pero di ko talaga makita yung buong mukha niya.

Umalis na kami.

Omg!!!!!!!!!!!!!! Unang paghaharap namin ni  Mr.nakasuot ng blue na polo sa profile niya. Lord myghaddd!!! Di ko expect yun. Ang bilis ng tibok ng puso ko nung nakita ko yung smile niya at yung buhok niya, ang astig.

Nakangiti pa rin ako hanggang sa nakapasok kami sa classroom.

"So, sino yung RJ?" Biglang tanong ni Mich.

Nagulat ako. Oo nga pala, di nila alam yung about dun. Eto na siguro yung tamang panahon? 😂

"Uhm, nagcongratulations siya sakin nung nanalo ako and naging close kami." Pagpapaliwanag ko.

"Eh? Ano yung name mo sa twitter na sinasabi ni kuya john?" Sabi naman ni mae.

"Wala lang. Trip ko lang na ilagay siya sa name ko kasi naging close na nga kami." Sabi ko naman.

"May gusto ka dun no?" Diretsong tanong ni Mich.

"Hindi no!" Pagtanggi ko.

"Talaga lang ha." Sabi naman ni mae.

"Oo, di naman talaga!" Sabi ko.

Nanahimik na silang dalawa. Grabe, medyo nasilayan ko na siya ngayong araw na 'to.

Nakita ko na yung kalahati ng mukha mo Mr.nakasuot ng blue na polo sa profile niya!

Sabi na nga ba't bwenas yung P.E uniform ko eh! 😍

Haaaay! Sana maulit yung nangyari kanina, Mr.nakasuot ng blue na polo sa profile niya.

Pag-uwi ko sa bahay, nag online agad ako.

Pero nagulat ako nung may message na siya.

RJ MANANSALA
"Mas maganda ka pala
Kapag sa personal. :)"

JASMINE CRUZ
"Sus, bolero ka talaga.
nagulat nga ako eh,sana
sa susunod makausap kita."

RJ MANANSALA
"Oo nga, pero ang
ganda mo talaga."

JASMINE CRUZ
"Salamat nalang sa bola!
Haha, see you sa monday!
Walang snob ha!  Goodnight,j!"

RJ MANANSALA
"Goodnight din. Sweetdreams."

Napangiti ako sa message niya, hay! Ang saya saya saya ko!

Sa wakas, nagkita na tayo! Mr.nakasuot ng blue na polo sa profile niya.

😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊
Chapter 3 ❤️
Sa canteen pa talaga yung unang pagkikita nila! Hmm, ano na kayang mangyayari niyan?

5 votes= chapter 4 💘
Godbless!

-PrincessOfGalaxy. ❤️

M.U (GUYS ANG JEJE NITO WAG NIYO NA BASAHIN GRADE 8 PALANG AKO DITO HAHAHAA)Where stories live. Discover now