Chapter 5 | I Love My Crazy Life |

239 3 0
                                    

"Edi maganda kung may nakakita pa! Hahahaha. kadirdir ka talaga. kung hindi ko pa sinabi hindi mo pa malalaman. Tss." tawa parin sya ng tawa hanggang sa dumating na yung teacher namin kaya umayos na kami ng upo.

"Okay, good morning class!" bungad samin ng adviser namin si ms. catacutan. sa last name pag binanggit akala mo nakakatakot o masungit sya pero mabait yan! may pagka strict lang kung minsan.

"Good morning Ms. Catacutan." Bati naming mga studyante

"Ok, take your sits." at ayun tuloy tuloy na sa pag di discuss si ma'am. pero wala paring pumapasok sa utak ko.

(....)

uwian na, nandito ako ngayon sa waiting shed namin. Iniintay si bes, kasi nga diba nasanay kaming laging magkasabay sa uwian? "Antagal naman nun, sabi nya may kukunin lang sya sa locker" bigla namang dumating si bes at pumunta na sa kinauupuan ko

"Bes! sensya natagalan may tumawag kasi saken, emergency lang. uhm bes! sensya baka hindi muna kita maihahatid ngayon emergency talaga eh bawi nalang ako bukas susunduin kita ng umaga? sorii talaga bes ha! cge una nako, ingat ka bes." tumakbo na papuntang parking lot si bes. mukhang emergency talaga, madaling madali si bes eh. ays makauwi na nga.

naglakad nako papuntang sakayan ng Jeep papuntang Village namin. nadadaan kasi neto un. ung gate kasi ng village namin ay malapit sa high way. "Eto ang ayoko eh, ang mag commute. bukod sa mag isa ka lang malayo pa yung lalakarin mo. tssss."

Habang naglalakad ako nakasalubong ko si Danica pati ung alipores nya.

"Look who's here?" habang naka ngiti na pang asar na hindi ko malaman tong bruhang to.

"Tamang tama pala ang paglalakad naten dito eh" tas bigla silang humarang sa dadaanan ko

"Anu ba, umalis nga kayo dyan! harang kayo sa daan eh." lalakad na ulit sana ako ng bigla nila kong kinorner, at hinila.

"San nyo ba ko dadalhin? Bitiwan nyo nga ako! Anu ba." pagpupumiglas ko sakanila, pero sadyang malalakas sila, 4 ba naman sila tapos mag isa lang ako eh wala pa namang nagdadaanang tao dito.

"Wag ka ngang maingay dyan Ugly nerd. wala karin namang ligtas samin eh!" bigla nila akong tinulak dun sa may damuhan, kaya napahiga ako.

"alam nyo na ang gagawin nyo dyan!" sabi ni danica sa mga alipores nya at naglapitan ang mga ito sakin at bigla nalang nila akong pinagsisipa sa braso, hita, sa katawan at sa iba pa, hindi ako makalaban kasi hinang hina ang katawan ko hindi na ko makagalaw pa naunahan nako ng kaba at galit.

"subukan mong magsumbong. kayang kaya kitang patalsikin sa school na to, alam muna man siguro na kami lang ni Mathew ang alas ng lolo ni lindsey db? kami lang ang nagpapasikat sa pangalan ng school nato kaya wag na wag mung susubukang magsumbong kahit kanino dahil madali lang para saking gawin yon. wag mo kong subukan Sam! Hahahaha Kawawa ka naman. Dapat lang yan sa ASSUMERANG katulad mo." umalis na sila ng mga alipores nya at naiwan lang akong naka higa sa damuhan dun. puro pasa ako sa braso at hita ko T__T akala ko magiging madali lang saken to pero nagkamali ako. iba to sa inaakala kong mangyayare.

tumayo nako para makauwi na pero bigla nalang ulit akong bumagsak, tinitigan ko ang mga pasang nsa hita at braso ko at ayun tuluyan na lang naging blurd ang paningin ko at nagsipatakan ang luhang galing sa mata ko dahil sa sobrang awa ko sa sarili T___T

"Bakit nyo ba ginagawa saken to! anu bang kasalanan ko sainyo at hilig nyo kong pahirapan?" hindi ko na napigilan ang bibig ko kaya kung anu ano nalang ang lumalabas dito. nagulat naman ako ng may nag abot sakin ng panyo.

"Miss oh!" inaabot nya yung panyo habang naka tungo ako "bakit puro pasa ka? anung nangyare? gusto mo bang dalhin kita sa ospital?" tumingala ako para makita kung sino ang nagsasalita sa harap ko. pag tingin ko isang lalaki ang nasa harap ko, hindi ko sya masyadong maaninagan kasi nandidilim at umiikot na yung paningin ko, at bigla na lang nag black out lahat.

NERDY turns to PRINCESS?حيث تعيش القصص. اكتشف الآن