Unrequited Love *shoorees

578 16 5
                                    

Nakilala ko siya sa isang chatroom , isang website kung san pwede mo ma express  kung sino ka , kung san madami kang pwede makilala at maging kaibigan.

Ilang buwan na rin ako nagchachat sa chatroom na yun , madami na rin ako naging kaibigan , nakilala , at may  Hahahahaha narin naging crush .

Ako nga pala si Rees , ang babaeng baliw sa kwentong ito , sa maniwala kayo sa hindi ako bida dito dahil ako nagkwekwento .

Isang gabi , nasa magulong pag-iisip ako as usual ,may biglang pumasok sa chatroom ,Shoo ang name niya , at dahil nga natural na sakin ang feeling close sa lahat ng mga panahong yun , kinausap ko naman yung bagong pasok .

Ganun ako sa halos lahat , di ako snob , di ako namimili ng kausap , at kung trip kitang kulitin , kukulitin kita , talo ko pa yung ilang taon mo ng kilala kung makapangulit .

Natulog lang siya nun na naka cam , nagpapabantay lang pala siyang  matulog . After niya magpaalam na matulog kami na ulit nung isa pang chatter na kaibigan ko rin ang nag-usap .

Nung mga sumunod na araw , bibihira na lang din pumasok sa chatroom si Shoo , yung mga talaga kaibigan ko at madalas ko ng nakakausap ang madalas na nandun at nakatambay sa chatroom .  Di ko na matandaan kung kelan kami nagkapalitan ng viber pero minsan nagkakausap kami dun .

Nasa ibang bansa siya , 7 hours pa nga ata ang time difference sa pilipinas .  Nung isang beses pumasok siya sa chatroom , that time nagcecelebrate ako ng birthday ko , binati niya ko with matching pang-aasar , alam ko nagkakatext kami minsan sa viber pero kahit nagkakaasaran na di pa naman masyadong close .

Ganun parin katulad nung buwan na una ko siyang nakausap sa chatroom , walang pinagkaiba yung buwan ng birthday ko , bibihira lang din siya pumasok sa chatroom madalas eh di pa nagtatype , kumbaga sa kotse naka park lang siya , steady lang .   Nagkausap narin kami sa skype , pero bilang lang ,

Isa sa mga unang pag-uusap namin sa skype ang convo na to .

[10/12/2012 6:49:40 AM] rees: goodnight sweet dreams

[10/12/2012 6:50:00 AM] rees: ay bago ang lahat

[10/12/2012 6:50:04 AM] rees: parinig ng boses mo

[10/12/2012 6:50:45 AM] shoo: wag na baka ma inlab ka pa

Pero bago matapos ang buwan ng birthday ko , nagkausap kami ulit , nagdecide na matulog ng sabay na naka cam , wala lang trip lang namin .   Simula nung nagkausap kami ulit sa skype nagtuloy tuloy na yung pag-uusap namin dalawa .

Usap about sa lovelife ang usapan namin nung mga panahon na yun , about sa recent ex ko , tinatanong niya anong nangyari , and about sa past love ko .

Then mga kung sino sino na lang pinag-uusapan namin , mga kakilala sa chatroom at tunay na names , height namin , pangalan , habang nagsasounds siya. Di kami literal na nag-uusap kasi kahit naka audio siya ayaw niya magsalita , trip niya daw magtype . Ganyan siya ka bright , hahaha.

Isa din to sa mga convo namin :

[11/1/2012 11:00:34 AM] shoo: rees aalis ka?

[11/1/2012 11:02:03 AM] rees: di po

[11/1/2012 11:02:05 AM] rees: bakit ?

[11/1/2012 11:02:05 AM] shoo: good

[11/1/2012 11:02:07 AM] rees: why ?

[11/1/2012 11:02:09 AM] shoo: make bantay me

[11/1/2012 11:02:10 AM] shoo:  :(

[11/1/2012 11:02:12 AM] rees: hahaha

Love OnLine (One Shot)Where stories live. Discover now