Muntik na akong mabilaukan sa nginunguya kong pagkain. Gano'n katanda ang tingin ng Koreanong ito sa akin?

"Auntie?"

"어." [Yes]. Binawi ng Koreano ang tingin sa akin at muli ay nagpatuloy sa pagkain. Bale-wala ritong naka-offend ito. Bale-walang hindi ko rin naintindihan ang isinagot nito.

Lihim na napaismid ako. Napasimangot. Bigla akong nawalan ng gana sa kinakain ko. Napabuntong-hininga na lamang ako. Kunsabagay, hindi lang naman ito ang kauna-unahang tao na nagsabi na mukha akong matanda sa edad ko. Hindi raw kasi ako marunong manamit ayon sa edad ko. Wala raw akong fashion sense. Daig ko pa raw ang librarian kung manamit.

Self-consciously, napahawak tuloy ako sa makapal na frame ng eyeglasses ko na lalong nagpapadagdag ng taon sa edad ko. Maganda naman daw ako sabi ng lola ko at ng iba ko pang mga kaibigan, lamang hindi lang daw talaga uso ang style ko.

Naputol ang tinatakbo ng isip ko nang mag-ring ang cellphone nito. Sinagot nito iyon. "여보세요?" 

Maikli lamang ang naging usapan ng kausap nito sa cell phone na siguradong Koreano rin. Nang matapos ang usapan ay inabot nito ang table napkin at ipinahid sa bibig. Pagkatapos ay dinukot nito sa bulsa ang wallet at naglabas ng one thousand bill at inilapag sa tapat ko. Mukhang importante ang tawag at kinailangan agad nitong umalis. Ni hindi pa nito napapangalahati ang pagkain.

"나간다." [I'll go now.] Nagmamadaling tumayo si Sir. "Don't be late tomorrow," pahabol pa nito na ibinaba ang dulo ng baseball cap upang lalong maitago ang mukha at saka tuluyang lumabas ng restaurant.

Hinabol ko ito ng tingin sa glass window hanggang sa labas kung saan naghihintay ang company driver na si Kuya Rodel. Lumaylay ang mga balikat ko at napasandal sa upuan.

Siguro ay kailangan ko nang masanay na parte iyon ng trabaho ko; iiwan na lang kapag hindi na kailangan.


PASADO alas-onse na ng gabi ay tutok na tutok pa rin ako sa monitor ng laptop ko. Nag-research ako ng tungkol sa feeling sikat at antipatikong Sir ko. Hindi ko inakalang halos malulunod ako sa napakaraming websites at articles na lumabas tungkol rito.

Sobrang popular pala talaga ang Koreano na 'yon sa South Korea. I had no idea. Napag-alaman ko rin na hindi lang ito basta pop Idol kundi artista rin na lumalabas sa ilang mga Korean drama series. Hindi lang basta singer kundi actor din. Talentado ang damuho. At minsan na rin pala itong nakabisita sa Pilipinas para sa isang malaking fan meeting. At hindi nga biro bilang ng mga fans nito na dumalo para makita lamang ito. 

Pinanlambutan ako nang mapag-alaman ko na sikat na sikat din ito sa Japan, China, Thailand, at sa ibang parte pa ng Asia. Popular din ito sa Europe at maging sa US of A!

Edi wow.

"Kaya lalong lumalabo 'yang mga mata mo, Joy."

Napalingon ako kay Lola Minerva na naglapag ng baso ng mainit na gatas sa ibabaw ng desk ko. "Sandali na lang ito, 'La. Saka hindi pa naman ako inaantok."

"Inumin mo 'tong gatas nang makatulog ka na." Pinisil ako ni lola sa pisngi.

"Thank you, 'La," malambing na sabi ko at inihilig ko ang ulo sa kanya. Na-miss ko si lola. Bihira na lang kasi silang bumisita ng kapatid ko sa akin dito sa Maynila. Tulad ngayon, ilang araw lang ito at ang kapatid kong si Love. Bukas ay babalik na uli sa probinsiya.

Ulila na kaming magkapatid. Eleven years old lamang ako at five years old naman si Love nang mamatay sa car accident sina mama't papa. Simula noon ang biyuda kong lola, ang lola ko sa mother side, ang kumupkop sa aming magkapatid at tumayong magulang sa amin.

The K-Pop Star and IWhere stories live. Discover now