"Stop running away, Erine." Sabi ng binata saka siya nito hinawakan sa magkabilang kamay. "Minsan, kailangang mapatawad mo muna ang sarili mo, para mas madali saiyo ang magpatawad ng taong minsan nanakit saiyo. Erine, it doesn't matter who hurt you, or broke you down, what matters is who made you smile again -and I am in favor of your happiness, especially Yahnie's."

"Thank you so much for being a very good bestfriend to me, Rhyco. And I'm so sorry for breaking your heart -again." Sabi ni Erine saka niya hinaplos ang mukha ng binata.

"To be rejected by someone doesn't mean I should also reject myself or that I should think of myself as a lesser person. It doesn't mean that nobody will ever love me anymore." Nakangiting wika ni Rhyco kahit pa ito'y luhaan. "Kapag natagpuan ko na ang babaeng magpapatibok muli ng puso ko, saiyo ko siya agad na ipapakilala para masabi ko naman saiyo na, Erine thanks for breaking my heart -if you didn't do it, I wouldn't find her."

"Aasahan ko 'yan, Rhyco." Wika ng dalagang pilit na rin lang ang pagngiti. "Ano na ang plano mo?"

"Aalis na ako sa bahay mo. Pero, pangako saiyo, I'll keep in touch. Para saiyo at para kay Yahnie. Ingatan mo siya, alagaan mo. At sana, makuha mong gawin kung ano talaga ang tama. I want you to be happy. Dahil alam kong 'yon lang ang pwedeng ibigay ni Kenzo na di ko kayang tapatan." Sabi ni Rhyco saka niya muling niyakap ang dalaga. Kissing her forehead. "Let's go?" magkahawak-kamay ang dalawang naglakad tungo sa kotse ng dalaga.

And from afar, Kenzo saw them together. He could see how loving as a man is Rhyco and how lucky as a woman is Erine. Masakit man para sa kanya ang makita 'yon, panatag na rin ang loob niya ngayon.

"Nasa akin na siya noon, pero hinayaan ko naman siyang makawala. Kung naging maalaga lang sana ako sa kanya. Kung tinrato ko sana siya nang maayos, baka ngayon kami pa rin." Sabi niya. "Isa ito sa sign na hinihingi ko sa Inyo Lord na kung dapat akong pumasok sa seminaryo, dapat makita kong masaya si Erine sa kanya. Thank you, Lord." Wika ni Kenzo na titig na titig sa maliwanag na kalangitan.

It's midnight when Rhyco decided to leave the house. Hindi na siya nagpahatid kay Erine palabas ng pinto, dahil mas lalo lang siyang masasaktan. Nang tuluyan na siyang makalabas, saka naman siya biglang napahagulgol. Napakasakit din pala ang umasa. Masakit ang maging isang kaibigan lang. Pero, gano'n talaga ang buhay.


A broken heart is one of those experiences that all of us as humans can share, yet only us experience alone. As humans, we're wired to experience incredible love and affection. But for every action, there's an equal and opposite reaction, and when it comes to the ecstasy of true love, that reaction is a gut-wrenching pain, a deep void of sadness, utter lethargy, and feelings of seemingly eternal loneliness.


Few days later. Naglalakad sina Yahnie at Erine sa Golden Gate Bridge kasama ni Yaya Mila. Masayang-masaya si Yahnie, mukhang ini-enjoy ang moment kasama ni Erine. Naging workaholic kasi ang dalaga, lately. Kailangan na muna niyang mag-isip. Habang patuloy na naghihintay na sana -sana, muling dumating sa AuthorHouse si Kenzo. Ngunit, wala na. Hindi na ito muling nag-abala na puntahan pa siya do'n. Ang totoo ay pinuntahan niya pa ito sa ospital kung saan niya ito dinala noong nakaraang mga araw. Ngunit, wala na ito ro'n. Baka sumuko na rin o baka tuluyan nang umalis matapos marinig sa kanyang napatawad na niya ito. Biglang nag-ring ang cellphone ng dalaga.

"Yes, Monica?" sabi ni Erine nang mapag-sino ang tumawag.

"Ma'am, you are urgently needed here for the sudden board meeting." Sabi ni Monica.

"What?"

"That's what Mr. Smith said. He's calling for an emergency meeting. Right now, Ma'am." Sabi nito.

"MY BOSSY ASSOCIATE"Where stories live. Discover now