Broken 18 - Bring the Pain

Magsimula sa umpisa
                                    

"Did that turn you on?" tanong niya na sinagot ko na lang ng tango, "very good. Be sensitive to every move I make."

Hindi ko alam kung ako lang ba o sadyang nagbago talaga ang pakikitungo ni Mago sa akin mula noong una naming pagtatalik. Nagiging possessive, protective at higit sa lahat clingy siya sa akin. Hindi naman sa ayaw ko pero umasa ako na sana palatandaan na ito na unti-unti na niya akong natutunang mahalin. Kung tama man ang naisip ko, mas lalo akong lalaban.

'Hindi kita susukuan, Mago,' saad ko sa isip ko, 'Konting-konti na lang, maibabalik ko rin ang tiwala mo sa pag-ibig. I will embrace every pain kung ang kapalit nito ay ang ibigin mo ako ng wagas.'

Napigil ako sa paghinga nang hawakan niya ang aking kamay saka mahinahong hinila. Sumunod lang ako sa kanya. Alam kong dadalhin na naman niya ako sa isang sulok upang makamit niyang muli ang sukdolan ng langit pero wala na akong pakialam. Gamitan niya ako kung kelan niya gusto dahil balang araw masasanay siyang ako lagi ang kasama niya kaya hahanap-hanapin din niya ang bawat haplos ng aking kamay.

Hindi nga ako nagkamali. Narating namin ang storage room at tulad ng mga nagdaang araw, sabay naming pinagdiwang ang pag-iisang katawan namin. Sana sa susunod, ang pag-iisang dibdib na namin ang aming ipagdiwang.

'Mahalin mo lang ako, Mago,' bulong ko sa isip ko, 'iyong-iyo ako.'

*Mago's POV*

Tulala akong nakatitig sa kesame habang pilit pinapangalanan itong nararamdaman ko para sa babaeng mahimbing natutulog sa tabi ko. Gusto kong alamin kung sapat na ba itong nararamdaman ko upang kalimutan ang lahat na pasakit na idinulot sa akin ng aking ina at ng kanyang ama.

Nawala lahat sa akin dahil sa kanila kaya kukunin ko rin ang pinakamahalaga sa kanila. Nilingon ko siya, 'I am sorry, Arlene,' bulong ko sa isip ko, 'ikaw lang tanging kabayaran sa lahat na ginawa nila sa akin, sa amin ng aking ama.'

Naramdaman ko ang pamumuo ng mga luha ko nang maalala ko ang huling pag-uusap namin ng kanyang ama.

"Anong kailangan mo?" tanong niya bago pa man ako makaupo.

"I am here to make amendments," saad ko.

"Amendments?" napataas ang kilay niya, "are you treating my daughter like she is one of your businesses?"

"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, Mr. Mejorada. Alam nating pareho na si Arlene ang higit sa lahat na nasasaktan," saad ko.

"What do you have in mind, young man?" prente siyang napahilig sa sandalan ng upuan.

"I will treat Arlene the way she should be treated, pagbigyan mo lang na magkaroon ng closure ang mga magulang ko," saad ko.

"No!" agad niyang sagot.

"Kakausapin lang naman ng ina ko ang asawa niya kapalit ng kaligayahan ng anak mo," pamimilit ko.

"Kung mahal mo ang anak ko," saad niya, "hindi mo kailangang gumawa ng kasunduan upang iparamdam sa kanya na mahal mo siya."

"Maaari ngang tama ka," napakuyom ako, "pero kailangan naming magsimula ng panibagong buhay upang mamuhay ng tahimik."

"Hindi kita matatanggap bilang manugang," mariin niyang saad na nagbilog ng aking mga mata.

"Ako ang mahal ni Arlene," tiim bagang kong sabi, "wala ka nang magagawa doon."

"Mapapagod din ang anak ko," saad niya kaya huminga ako ng malalim. Tumayo ako at kahit labag sa kalooban ko, lumuhod ako sa harap niya, "Sir," nakayuko kong saad, "nagmamakaawa ako bilang isang anak na ang tanging hiling lang ay magkaayos ang mga magulang. Hindi ko na papangarapin pang magkabalikan sila, ang gusto ko lang ay magkausap sila. May sakit ang aking ama at pwede siyang mamatay anumang oras. Gusto ko lang na mapayapang mamatay ang aking ama."

"I do not care about you or your father. Wala kaming utang sa inyo," matigas niyang saad, "makipaghiwalay ka sa aking anak. Hindi ikaw ang para sa kanya."

Napakuyom ako nang tumayo siya at iniwan ako. Wala siyang puso dahil pati kaligayahan ng sarili niyang anak ay ipinagkakait pa rin niya. Ilang araw kung pinag-isipan kung ano ang magiging susunod kong hakbang. I made my mind and decided to bring home my wife pero isang bagay ang nangyari kung kaya nagbago ang isip ko.

My father took his own life, for the nth time because of my own mother. Bumisita kasi ang aking ina ngunit isinama niya ang ama ni Arlene para ipamukha sa ama ko na kailanman ay hindi niya minahal ang aking ama. Pero hindi doon nagtapos ang galit ko sa kanila. Hindi nagawang bumisita ang aking ina sa libing ng aking ama. Kahit silip lang sa kabaong ng dati niyang asawa ay hindi nagawa. Ni hindi man lang ako kinumusta. Kahit para na lang sa akin, wala siyang ginawa. She forgot her own son.

Pinaramdam nila sa akin na hindi ako karapat dapat mahalin. Pinaramdam nila sa akin na wala akong halaga. Ngayon, ipaparamdam ko sa kanilang prinsesa na hindi siya karapat dapat. Ipaparamdam ko sa kanya na wala siyang halaga.

Bumangon ako. 'Hindi tama ang nararamdaman kong ito. Naawa lang ako at hindi ito pagmamahal,' kumbinsi ko sa sarili ko pero nagdalawang isip ako nang lingonin ko siya, 'kaya ko pa bang sumugal?'

__________________

NOT EDITED

NOT REVIEWED

MAY CONTAIN ERRORS --- but I am open to constructive criticisms.

AnjSmykynyzeASPRV

Xĸ�u�"





The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon