Kabanata 1

15 5 1
                                    

Kabanata 1
Me

Pinagmasdan ko ang repleksyon ko sa salamin.


Napabuntong hininga na lang ako hays. Ba't ba kasi ang itim itim ko?hays.



"Snow anak! Bilisan mo na dyan at pihadong gutom na ang iyong ama at ang mga kapatid mo" sabi ni nanay. Maghahatid kami ng pagkain sa may bukid kung saan nagsasaka sina Tatay at ang tatlo ko pang kuya. Pagbakasyon ay sumasama ako sa kanina kaya naging ganto ang balat ko dahil sa init ng araw.



Snow White ang pinangalan sakin ni Nanay at Tatay dahil maputi raw ako nung sanggol pa ako hindi ko lang alam anyare ngayon. Pinuyod ko ang buhok ko pataas.



"Opo inay andyan na" lumabas na ako at kinuha kay Nanay ang basket kung nasan ang pagkain nina tatay at ng mga kuya ko. "Sige Nay alis na po ako"



Pagpunta ko roon ay tinawag ko na agad si tatay ay ang mga kapatid ko. "Tay! mga kuya ko!" andito na po ang pananghalian. Tawag ko sa kanila.



Nang makita nila ako ay iniwan muna nila ang ginagawa nila roon. "Aba bunso mukhang masarap ang tanghalian natin ngayon ah?" sabi ng kuya Ariel ko. "Syempre naman kami ni Nanay ang nagluto eh" Nagtawanan naman sila.



"Oo nga pala Snow saan ka mag aaral ng kolehiyo? Nakapag isip ka na ba?" tanong ng tatay ko.


"Opo tay sa Maynila ko ho sana gusto mag aral eh" 


"Naku Snow, ayaw mo na ba rito sa atin?" tanong ni kuya Tide "Hindi naman sa ganon kuya pero may nagsabi kasi sakin na pag sa Manila ka nakapagtapos ay mas mabilis ka makakuha ng magandang trabaho"



"Ganoon ba? Sya gusto ko pag doon ka nag aral ay bumisita ka parin" Sabi ni Tatay. "Syempre naman tay mamimiss ko po kayo" nakangiting tugon ko. "Pero bunso saan sa paaralan naman sa Manila ikaw mag aaral?"



"Nakapili na po ako eh katunayan nga po ay nag exam ako noong nakaraang linggo sa bayan. Nagkaroon kasi sila ng pa exam sa mga probinsya para sa mapipili nilang limang scholar at doon magaaral sa Manila hinihintay ko na lang po yung resulta" May sasabihin pa sana si Kuya Tide ng biglang dumating ang sumisigaw kong bestfriend na si Glaiza.



"Oh Glaiz bat ang saya mo ata ngayon?" tanong ko sa kanya. "Bessy! Nakapasa tayo sa exam! oh my gee!" tuwang tuwang sabi nya saakin. Hindi ko narin na pigilan ang saya ko at nayakap ko sya. "Hindi ako makapaniwala grabe" Tumingin ako sa langit at nagpasalamat kay God.


"At eto pa bessy dahil ikaw ang may pinakamataas na nakuhang score sa exam ililipat sa East to East University!" sabi pa nito. "Hindi nga?Grabe" Medyo naiiyak na ako konti na maabot ko na pangarap ko at nasa unang step palang ako.



East to East University here I come


Black is BeautyWhere stories live. Discover now