Patawarin sana

599 7 5
                                    

Patawarin Sana

by: jEllepen

Ang hirap mong kalimutan

Ngunit ito'y kinaya ko

Para hindi masaktan 

Ang puso kong ito.

Inaalala ko ang ating nakaraan,

Puno ng saya at lambingan.

Pag-ibig nating nadama

Hindi mahadlangan ng iba.

Ngunit ano ang gagawin

Kung hadlang ang tadhana sa atin.

Hindi tayo magkasundo

At pag-ibig nati'y nabigo.

Ang sakit na ng puso ko

Pero di mo pa rin napansin ito.

Bakit ka ba ganyan?

At puso ko'y hindi maintindihan.

Gusto kong humanap ng iba

Ngunit hindi ko kaya

Pilit akong binabalik ng puso ko sa'yo

Ngunit pinigilan ko ito.

Patawad, kinalimutan na kita

Ang pagsasama nati'y tapos na

Wala mang pag-ibig ngayon

Ngunit sa tamang oras darating iyon.

~~~

Ginawa ko for a friend dati, hahhah... Moving on stage lng xa,.. hahhah,..

Dedicated kay baby Sittie kuh,.. hhahah ^___^ Love yah baby,.. Mwah!! 

Patama kay Puso (Poems Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon