Chapter 1

4.5K 142 38
                                    

Hi, guys! After.. 5 years? Almost 5 years? Hehe. Don't expect too much. I can't promise to be the same-1*-year-old-me kasi maraming nangyari. Projects, thesis, graduation, board exam, people who come and go, charot. At eto, andito lang ako kasi wala pa akong ginagawa sa buhay. Same reason. 5 years ago. Bored lang kaya nagsulat kaya no pressure tayo ha. I won't expect din from you, guys. Kung di niyo trip oks lang. People change, diba? Hahaha. Malaking epekto siguro siya sa magiging pagbato sa story pero same flow ng story as it was 5 years ago. Buti nalang may draft ako ng outline nito dati. Hehe. Pero baka maikli nalang ito. Tapos LAME. Hahaha sorry! :) Weird ko lang ginawa ko talagang real time. Pero di 'yun sadya hehe. Gusto ko lang talaga tapusin, for myself. Charot hahahaha try ko lang ayun thank you!!!! Nabasa ko rin mga private messages niyo di lang ako makareply pero sweet niyo. May hate messages din pero oks lang I understand. Hahaha anyway, salamat guys! ((Nakakaloka itong wattpad I feel so old ang dami na niyang features!))

***

Chapter 1


"Girl, ano na? Nasan ka na? Two weeks na ang nakalipas pero hindi ka pa rin nagpapakita sa amin simula nung bumalik ka from Australia, ha? Sobrang busy lang, Engr.Aguilan? Engineers din naman kami, ha? Pero may time naman kami sa family, loved ones---"

"Oo na. Eto na nga. Dami mong sinasabi dyan pupunta naman ako. Isasara ko lang itong coffee shop. Masyado kang excited, ha? Dapat nga chill ka lang kasi, imagine, ikakasal ka na. Matatali ka na habambuhay so bakit ka masyadong excited? Dapat nga hinihiling mo na sana, bumagal muna ang oras. Kasi after ng bridal shower mo na 'to, Iya, there's no turning back! Creepy 'nun, diba?"

"Haynako, ewan ko sayo! 'Yung tono mo para namang di ka pa nainlove. Alam mo, darating ka rin dito. Bitter mo ha! Saka ano naman kung there's no turning back, diba? Si Vince my love naman ang makakasama ko! O siya. Mag-aayos muna ko dito. Bilisan mo dyan ha! Bye friend. Love you!"


Grabe. Two weeks na akong nandito sa Pinas pero hindi pa rin nagsi-sink in sakin na nandito na talaga ako. Puro work work work at walang katapusang work. Kaya hindi ko na rin agad nagawang makipagkita kila Iya, Rae at Ashley dahil sobrang busy. Sumabay pa itong coffee shop na ipinatayo namin ni Kuya Justin. Ewan ko ba dun kay kuya. Iniwan naman sakin halos lahat ng responsibilities dito sa shop. Sila pa rin ni Rae hanggang ngayon. Tagal na nila. Lalo naman itong si Iya at Vince. Magpapakasal na nga sila, eh. Sobrang bilis talaga nung dalawang 'yun.


"Ma'am, flowers daw po."

"Pakibaba nalang sa table. Thank you."


Flowers na naman. At in fairness ha? 'Yung paborito kong flower. Daisy. Simula nung umuwi ako dito sa Pinas, araw-araw may nagpapadala sa akin ng flowers. Di ko naman alam kung sino. Kaya tuloy di ko malaman kung para saan yung flowers. Death wish ba, ganun? Pero actually, kahit nung nasa Australia ako, may nagpapadala rin sakin. Everyday. Walang mintis. Iisang tao lang kaya 'yun? Minsan gusto kong alamin kung sino kasi syempre, nakaka-curious din pero madalas, hindi ko na pinagaaksayahan ng panahon. Kung gusto niyang magpakilala, magpapakilala siya, diba? Alangan namang mag-effort pa akong alamin kung sino siya. Aba, sineswerte.

Isinara ko na 'yung coffee shop. Nag-aalburoto na kasi 'yung mga kaibigan ko. Nagtext pa itong si Rae na limang taon na raw ang nakalipas, pa-importante pa rin ako. Hahaha. Bwisit talaga itong mga kaibigan ko pero syempre, namiss ko na rin sila! Kaya nagmadali na rin akong pumunta sa condo ni Ashley dahil dun daw gaganapin ang bridal shower.


"Nakakaloka after 99999 years andito na siya!" Rae

"Ano girl ikaw ba yung ikakasal? Ako, diba? E bakit ikaw yung pa-importante!" Iya

Miss the J.E.R.K.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon