Spectacular: Seven

Start from the beginning
                                    

Nag frown lang ako. Sanay na ako sa mga pang aasar niya sa akin. Napapansin ko parin ang daliri niyang nagtatap sa mesa.

"Anong pinapakingan mo?" tanong ko.

"Gusto mong marinig?" Nakangising offer niya.

"Ah, hindi na." Nacurious lang ako.

Kinuha ko ang ilang mga papers na nasa taas ng drawer. Ito yong mga ideas na nabrain storm namin para sa susunod na issue. Puro parin mga ideas. May isang buwan pa kami halos para mag come out ng final decision bago ang proposal sa adviser ng grupo na si Sir Ryan.

Dalawang beses ko palang nakikita si Sir Ryan. Matangkad siya, may salamin, at mukhang nasa early thirties though he's already forty three. Isa siyang Psychology Instructor.

Unang beses ko siyang nakita noong pumunta siya sa office dala ang five years old niyang anak na si Eunice. Isang napa cute at mahiyain na bata. Sir Ryan basically treats the group as his children.

Nakikinig, kahit si Gavin at Lawrence, sa kanya. But sadly, hindi siya madalas sa Arcadian dahil sa totoo lang binigay lang ang responsibility sa kanya dahil wala ng ibang available.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko sa sofa. Akmang lilingon ako nang maramdaman kong nilagay ni Gavin ang isa sa mga headset sa tenga ko. Narinig ko agad ang medyo malakas pero soothing na music mula doon.

You're finding things that you didn't know.
I look at you with such distain.
The walls are breathing, my hearts unweaving.
Maybe it's best you leave me alone.
The weight is lifted on this evening.
I give the final blow.

I don't know why but loud music calms me more than those songs with calm and relaxing genre. Maybe I want my music so loud I couldn't hear my life crashing on the background. And I really like this song.

"Alam mo yong song, babes?"

Gusto ko sanang sabihin na hindi ko gusto na tinatawag niya ako ng ganoon pero bigla siyang nagsalita.

"It Ends Tonight by The All-American Rejects." nakangising sabi niya. I made a mental note to search that song later.

Hindi niya inalis ang headset sa tenga ko kahit na natapos na ang kanta at may sumunod na bago. Naglean siya sa sandalan ng sofa habang nasa tabi ko at tumingala sa kisame at pumikit. Matutulog ba siya?

Hinayaan ko lang siya. Nanatili ako sa pagbabasa ng mga articles at cut outs habang pareho naming pinakikingan ang iisang kanta.

If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me
And just forget the world?

Napalingon ako sa katabi ko. Sumabay kasi siya sa huling sentence ng kanta. Akala ko ba tulog siya? Unti unti siyang dumilat habang nakasandal parin ang ulo sa sofa at ngumisi sa akin. Natigilan ako.

"Nandito na ang pagkain mga hampaslupa!"

Marahas na bumukas ang pinto dahilan para bigla akong lumingon dito at mahulog ang headset na nasa tenga ko. Pumasok sa loob si Pia at Stephen.

"Oh? Nasaan na si Rhea at ang balasubas na si Lawrence?" tanong ni Pia na nilapag sa mesa ang dalang mga pagkain.

Umayos ako ng upo. Ganoon parin ang position ni Gavin na tila ba tinatamad ng gumalaw.

"Nandyan lang si Lawrence. Nainip siguro sa kahihintay sa inyo." sagot ni Gavin. "Si babes Rhea pumunta saglit sa admin."

Tumango naman si Pia. Kadalasan si Charlie at Gavin ang wala nang ganitong oras dahil may klase sila. But I doubt kung pumapasok ba ng maayos itong si Gavin.

Something SpectacularWhere stories live. Discover now