Spectacular: Twelve

362K 17.5K 4.4K
                                    

12.

Dumating ang Saturday at nagtext ang ibang kasama ko na kaming mga taga south nalang ang magkita kita sa gate since mas malapit sa bahay nina Charlie kesa sa school ang iba sa amin.

So here I am standing on my converse shoes at naghihintay sa magiging sundo ko. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakita ko na ang minivan nila Stephen. Ngumiti ako at kumaway.

Si Stephen, Gavin, Lawrence at ako ang taga south. Pumasok ako sa loob nang huminto ang sasakyan. Nandoon na din si Gavin sa loob. "Nasaan si Lawrence?" tanong ko.

"Hindi mo kasama?" tanong ni Stephen mula sa driver's seat.

Umiling ako. "Hindi ko siya nakita."

Tiningnan ni Stephen ang screen ng phone niya. "Wala ding text."

"Pinaka tamad magtext yon." sinabi ni Gavin na nakaupo sa likod ko. He's wearing a red and black cap that says Misfit. "Sunduin na natin. Baka nakahilata pa yon sa bahay nila." sinabi niya.

Sumang ayon naman kami ni Stephen. Nagsimulang umandar ang sasakyan. Maya maya pa naramdaman ko si Gavin na pinaglalaruan ang dulo ng nakapony tail kung buhok.

"Gavin," saway ko.

Inamoy niya ang buhok ko. "Anong shampoo mo, babes?"

I rolled my eyes. "Dove."

Ngumisi siya. "Kaya pala mabango."

Lumipas ang ilang minuto at huminto ang minivan sa isang hindi familiar na kalye. Fifteen minutes lang ito mula sa university pero ngayon lang yata ako nakapunta dito. Apartment type ang karamihan ng mga bahay at medyo madaming tao sa daan.

"Saan ba ang bahay nila dito?" tanong ko.

"Teka babes," Nabuksan ko na ang pintuan nang pigilan ako ni Gavin. "Ako na ang susundo." sinabi niya.

Tumapak ako sa labas at sumunod siya. "Sama na ako para alam ko din."

Bahagya siyang natigilan bago sumang ayon. "Sige, babes." Sumenyas kami kay Stephen na sandali lang kami. Naglakad kami sa kalye kung saan ilang bata ang nagtatakbuhan.

"Sa pinakababa sila nakatira." tinuro ni Gavin ang grayish na tatlong palapag na apartment sa likod ng medyo kinakalawang na gate.

May nakasabit na mga labahan sa railings ng dalawang terrace sa itaas at ganoon din sa labas ng first floor. Papasok na sana kami sa nakabukas na gate nang makarinig kami ng sigawan mula sa loob.

"TANGNA KA TALAGA! BUMALIK KA NGA DITO."

Pinigilan agad ako ni Gavin bago pa ako muling makahakbang. Marahan niya akong hinila palayo sa gate at pinunta sa likuran niya. Halos mapahawak ako sa mga braso niya nang marinig ang isang bote na hinagis sa gate. Ramdam ko ang pagkapira-piraso nito. Kung wala ang gate siguradong sa amin ni Gavin tatama yon.

"LAWRENCE, PUTANGNA."

Lasing ang nagsasalita, halata naman kung paano siya magsalita. Hindi man lang nagtakbuhan palayo ang mga batang naglalaro sa kalye. Para bang sanay na sanay na silang makarinig ng ganito.

Maya maya pa narinig namin ang boses ni Lawrence. "Ewan ko sayo, Pa! May pupuntahan ako. Bumili ka ng sarili mong alak."

Natigilan ako. Namalayan ko nalang na naglalakad na kami ni Gavin pabalik sa minivan. Doon ko lang namalayan na bahagyang pinagpapawisan ang mga kamay ko na mahigpit na hawak ni Gavin. Pumasok kami sa loob ng sasakyan.

"Palabas na siya." sinabi niya kay Stephen.

Napatingin sa amin si Stephen na para bang alam ang nakita namin. "Sige, start ko na."

Something SpectacularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon