10. For real

74.9K 1.6K 250
                                    

“Hindi si Gene ang tatay ng anak ko. Ikaw!”

Jacinto was staring at Lexy. Pilit niyang itinatanong sa kanyang sarili kung paano nangyari iyon. Paano na siya ang naging ama ng anak ng kaibigan niya? Inaamin naman niya na mula nang maamoy niya si Lexy noon ay naisip na niya na may posibilidad na ito ang babaeng nakasama niya, but how and why didn’t she tell him?

“Gene, salamat, bukas na lang tayo mag-usap…” Naulinigan niyang wika ni Lexy kay Gene matapos nitong ihatid sa may pinto ang lalaking iyon. He was just sitting on the couch, observing her at mukhang wala itong balak na kausapin siya, pero hindi pwede iyon.l He needed answers.

“Umuwi ka na.”  Wika nito sa kanya nang harapin siya. Nanlaki ang mga mata niya. Umuwi?

“Hah!” He said. “Hindi ako uuwi hangga’t hindi ka nagpapaliwanag sa akin!” Sigaw niya dito. “How the hell did that happen?!” He asked.

“At ako pa! Ikaw ang may kasalanan nito! You could’ve just pulled it out but no! You had to come inside me, tapos ngayon nagagalit ka!”

“Hindi ko naman alam na ikaw iyon!” Sigaw niya dito. “At isa pa, anong ginagawa mo sa kwarto ko nang nakahubad?! I thought na ikaw tuloy si Anne!” Sigaw siya nang sigaw. Hindi niya alam kung paano niya pakikitunguhan si Lexy ngayon na alam na niya na ito pala talaga ang mystery woman niya. Lexy’s cheeks turned red, he was waiting for her answer, at ikinabigla niya ang mga katagang lumabas sa bibig nito.

“I thought ikaw si Gene!”

Napanganga siya. Parang gusto na naman niyang habulin si Gene at birahan. Ganoon na ba kaseryoso ang mga ito? That Alexis was willing to give Gene her everything? Tapos nagkamali lang pala ito, she might be so disappointed right now.

“You could’ve told me!” Sigaw pa rin niya. “Para pala akong tanga na sabi nang sabi sa’yo. I asked you pa nga kung hahanapin ko pa iyong babaeng iyon and you told me not to look! God! I feel so stupid!” Nasabunutan niya ang kanyang sarili. “Ginawa mo akong tanga! I was looking for you for months! Siguro tawa ka nang tawa habang mukha akong tanga kakahanap sa’yo nasa harapan lang pala kita!” He yelled. “Now I got you pregnant pero si Gene pa rin ang inaaalala mo!”

“Eh anong gusto mo?! Akala mo ba gusto ko ito!” Natigilan siya nang marinig niyang humikbi si Alexis. “Kung ikaw naguguluhan ka, mas lalo naman ako! Natatakot nga ako eh!”

He sighed. Bigla ay napangiwi siya, agad niyang hinatak si Alexi para yakapin. Kahit masakita ang katawan niya mula sa natamong bugbog kay Gene, niyakap niya ng mahigpit si Alexis, he wanted to take her pain away.

“I’m sorry…” Sabi niya kay Alexis. Hindi naman niya sinasadya na masigawan ito. He was just so surprised. The idea of having this baby with Alexis scares the hell out of him. Paano na ngayon? Inaalala niya si Alexis pero mas inaalala niya ang pagkakaibigan nila. Paano na ang friendship nila? He wanted so much to save their relationship, ayaw niyang mawala si Alexis pero hindi naman pwedeng walang magbago sa pagitan niya at nito ngayon. He got her pregnant, for crying out loud!

“Hindi… hindi na tayo pwedeng maging magkaibigan ngayon…” Humihikbing sabi nito sa kanya. Lalong humigpit ang yakap niya dito. Hindi pwede, hindi siya papayag na mawala si Lexy sa buhay niya – lalo na ngayon. He wanted her in his life and he couldn’t imagine his life without her in it. Kailangan niya si Alexis sa buhay niya. Alexis balances everything in his life, she was his gravity at alam niya na kapag nawala ito sa kanya, lulutang ang lahat sa buhay niya.

“I won’t let that happen.” He said to her. “I need you in my life!” He exclaimed. After so many years, ngayon lang siya muling nakaramdam ng takot. Hindi niya hahayaang mawala si Lexy.

The JC chronicles (PUBLISHED - PINK AND PURPLE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon