"A Love I Could Not Forsake"

Start from the beginning
                                    

"Hindi pagmamahal ang nanumbalik sa akin kanina nang makita ko siya. Sakit yung nanaig. At yung pagkamuhi na dinulot niya sa malaking bahagi ng puso ko." Sabi ni Erine.

"Do you want to have a closure with him?" tanong ni Rhyco.

"I don't want to talk to him or see him ever, again." Tugon ni Erine.

"Because you have fears -I guess."

"I have no fear. It's just that, he's not worth my time. Not even a single second." Sabi nito.

"You will never know the power of yourself until someone hurts you badly." Nakangiting wika ni Rhyco. "And I was here to witnessed how strong you are as a woman. Nakaya mo ang lahat ng pagsubok sa buhay. Nakaya mong iwan siya ng tuluyan. Nakaya mong iluwal kahit mag-isa ang anak mo. And I commend you for that!" sumaludo pa ito kay Erine.

"I wasn't alone, Rhyco. You were here with me all the way. At kung magmamahal ulit ako, ikaw ang gusto kong piliin. Ikaw ang gusto kong mahalin." Tugon ng dalaga saka yumakap dito. Niyakap naman siya ni Kenzo ng mas mahigpit.

"Magpahinga ka na. Dito mismo sa room ni Yahnie." Sabi ni Rhyco saka inalalayan si Erine na mahiga sa malapad na kama ng anak nito. Assisting her to lay down. Naka-on na rin ang heater, dahil mas malamig na ang Winter. It's snowing outside. Sobrang kapal na rin ng fogs. Kinumutan ni Rhyco ng kapal na comforter ang dalaga saka niya pinatay ang mga ilaw at hinayaang iwang nakabukas ang dalawang lampshades sa bedside tables. "Goodnight." Tinanggal pa nito ang reading glasses ng dalaga saka inilapag sa drawer ng bedside table.

"Goodnight." Tugon ng dalagang iniawang pa ang mga braso upang yakapin si Rhyco. They hug each other tight. Hanggang sa makatulog na rin ng tuluyan si Erine. Hindi alam ni Rhyco kung ano ang mangyayari sa kanila ngayong narito na rin si Kenzo. Ayaw man niyang isipin na naiilang siya, pero kung naapektuhan si Erine, mas lalo naman siya. Himas niya sa ulo ang dalaga habang minsan pa'y naalala ang pinagdaanan nito sa nakaraan.

"Ano ba ang ginagawa mo sa sarili mo?" tanong ni Rhyco kay Erine na galit na galit noon. Ilang araw na rin kasing hindi kumakain ang dalaga. Ni hindi man lang nito magawang uminom man lang. "Pinaparusahan mo ang sarili mo? Fine! Pero, yung batang nasa sinapupunan mo?"

"Wala na akong ganang mabuhay, Rhyco. Wala na ring saysay ang mabuhay pa kung wala rin lang si Kenzo sa buhay ko. Siya -ang buhay ko." Tugon ni Erine noon sa kanya habang nakasandal ang likod nito sa likurang bahagi ng pinto.

"Yung taong iniiyakan mo ngayon? Yung taong nagpapahirap ng loob mo ngayon? Alam mo bang hindi ka man lang naaalala? Dahil masaya na siya sa ex niya kasama ng anak nila. Ano, gano'n na lang? Hahayaan mong mamatay ka sa sama ng loob habang siya masaya? Come on, Erine. Matalino ka, use your brain now." Lalong napaluha si Erine nang marinig 'yon. Lalo itong nasaktan. Lalo itong nahirapan.

"Why is it so easy for him to forget me? Why is it so easy for him to forsake me? Mukha ba akong kasumpa-sumpa?" tanong noon ni Erine saka bigla na lamang nawalan ng malay sa harap niya. Kasabay ng muling pagdurugo nito, kaya halos mabaliw na siya sa isipin kung paano ito dadalhin sa pagamutan. Para iligtas ito. Para iligtas ang sanggol sa sinapupunan nito. Sa gitna ng isang napakalakas na ulan. Sobrang bumaba din ang blood pressure ni Erine sa mga sandaling 'yon. She's mentally stressed and heart broken. Hindi kinaya ng katawan niya ang lahat, kaya nagulat silang lahat nang hindi ito magising sa loob ng 36 na oras.

"She's in a coma." Balita ng doctor na sumuri sa kay Erine noon.

"What?" di makapaniwalang tanong ni Rhyco sa doctor. "She's pregnant, doc."

"Gaano naman katagal bago magising ang aking anak?" tanong ni Marie.

"From three months to six months -perhaps. Or even years. Kapag sumapit na siya sa due date ng panganganak niya, i-c-CS na lang natin siya." Tugon ng Doctor. Hindi na alam nina Rhyco at Marie kung ano ang tamang gawin noon. Hanggang sa mag-desisyon silang dalhin sa California ang dalaga, habang iniisip na mas mapapabuti ito dito.

"MY BOSSY ASSOCIATE"Where stories live. Discover now