Chapter 1

29.5K 400 26
                                    

"There is no place like home." Inalis ni Vassyleen ang mga mata sa labas ng sasakyan at nilingon ang nagsalitang kapatid.

Hangga't maaari ay ayaw niya itong tingnan. Hindi kinakaya ng dibdib niya sa tuwing pinagmamasdan niya ang ulo nito na nakabalot ng scarf dahil sa pagkakalbo ng buhok. Nanlalalim na rin ang mga mata nito at namumutla ang bitak-bitak na mga labing hindi kayang pagtakpan ng kahit anong make up. At ang lalong nagpapadurog sa puso ni Vassyleen ay ang nangangayat nitong katawan.

Unti-unti siyang nanghihina habang pikit-matang pinagmamasdan ang nakababata at mahal na mahal niyang kapatid na si Valerie. Malayung-malayo na ito sa isang sexy at magandang modelo-na tinitilian ng mga manonood sa tuwing rumarampa sa limelight.

"Hindi ka ba masaya, Ate, na nakabalik na tayo dito sa Pilipinas?" Napapitlag si Vassyleen nang magsalita ang kapatid. Valerie's deeply sighed and sarcastically smiled. "I'm sorry for that insensitive question. Wala ka na palang panahong ngumiti simula nong pumunta tayo ng Sydney."

Kumisap siya ng dalawang beses upang pigilan ang pagtubig ng kaniyang mga mata. Tatlong taon din silang nanirahan sa Sydney. At sa loob ng mga panahong iyon ay hindi nagbago ang kung ano mang damdaming mayroon siya bago sila umalis noon dito sa Pilipinas. Pero pinilit pa rin niyang magpakatatag at magpakasaya para sa kapatid niya. Dahil ayaw na niyang dagdagan pa ang bigat ng pinagdadaanan nito bilang isang colon cancer fighter. Stage four na ang sakit ng kapatid bago nila naagapan. Dahil binalewala ni Valerie ang mga sintomas na nararamdaman nito noon. Kaya pala nangayayat ito noon at namumutla na palagi pang sumasakit ang tiyan. Sintomas pala iyon ng colon cancer na maaari daw nakuha nito sa sobrang alak at paninigarilyo.

"I shouldn't have put you on that damn situation, Ate. I've been so selfish all this time..." gumaralgal ang boses ng kapatid niya.

Maingat niyang hinawakan ang pisngi nito. "Sshhh...stop crying, okay? Huwag mo ng isipin 'yon." Naiintindihan na niya ang tinutukoy ni Valerie at hangga't maaari ay ayaw na niya iyong pag-usapan pa. Ayaw niyang paulit-ulit na maramdaman ang sakit sa kaniyang puso.

Ilang beses na noong sinubukan ni Valerie na buksan ang mapait na bahaging iyon ng kaniyang nakaraan. Pero madalas siyang umiiwas. Dahil paano niya iyon maaatim kung alam niyang may nasaktan siyang tao? At kung hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa puso niya ang sugat na siya mismong may sala.

"Tamang-tama lang pala ang pag-uwi nating ito, Ate." Nakaupo siya noon sa gilid ng kama ni Valerie habang masuyong hinahaplos ang pisngi nito. Tatlong araw na sila noon sa Pilipinas. Sa bahay na nila ito nananatili dahil nakiusap itong itigil na ang pagagamot. Pagod na pagod na daw ito sa iba't-ibang therapy at gamot na ipinapasok sa katawan. Hindi siya pumayag noong una, pero pinilit siya ng kapatid. Batid ni Vassyleen na nararamdaman na ni Valerie ang unti-unting pagpatay ng cancer cells sa katawan nito. Na tanging himala na lang ang kailangan nila upang mailigtas ang kapatid.

Pero siyempre ayaw niyang bumitaw. Hindi niya 'yon kakayanin. "N-nagugutom ka ba?" Sa halip ay tugon niya rito.

Naramdaman niya ang pagpisil nito sa palad niya at nakita niya ang nangangatal nitong mga labi. "Th-thank you for everything, Ate. Simula nong mamatay sina Mommy at Daddy ay ikaw na ang nag-alaga sa'kin. Ibinigay mo sa'kin ang lahat. To the point that you forget your own happiness...sacrificed your own life." Tuluyan ng nabasag ang boses ni Valerie. "Wala ka ng ibang inisip kundi ako...ako...ako."

Trese anyos lang si Valerie nang mamatay ang mga magulang nila. And she was sixteen-year old then. Siya ang panganay kaya naiwan sa kaniya lahat ng responsibilidad. May naiwan naman na kaunting ari-arian at pera ang mga magulang nila. Kaya wala silang naging problema sa pinansyal.

Kung dati ay iyakin siya, nagbago iyon nang mamatay ang mga magulang nila. Nagpakatatag siya para kay Valerie na noo'y na-trauma dahil sa aksidenteng kinasangkutan nila na naging dahilan ng maagang pagkamatay ng kanilang mga magulang. Pauwi na sila noon galing sa pamamasyal nang hagipin ng isang malaking truck ang kotseng minamaneho ng Daddy nila. Dead on arrival ito nang dalhin sa ospital. Samantalang nag-fifty-fifty pa ang Mommy nila-na napuruhan dahil sa pagkober nito sa kanilang magkapatid.

Unconditional Love (COMPLETED)[Published under PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon