Chapter Four: Forever The Name On My Lips

76.7K 836 22
                                    

[Brent's POV]

BRENT:

"Hayy," ayun na lang ang nasabi ko habang nakadukmo ako dun sa table sa chemistry lab. Nag-iisa lang ako doon sa laboratory. Sige na ako na emo. Inumin ko kaya mga chemicals dito, para mawala na yung sakit na nararamdaman ko?

I shake the thought away.

Ang dami kong naiisip, baliw na ata ko.

Pumasok na yung Prof ko. Hindi pa ako tumitingin damang-dama ko na ang maitim na presensya niya. Buti na lang hindi niya ako pinapansin.

"BRENT!!!" nagulat naman ako sino ba iyon? Hindi ko rin kasi pinansin wala talaga ako sa mood.

"HOY MISS MIRANDA!! WAG KANG MAINGAY!!" ah si Reina pala ang tumawag sa akin.

"Sorry po." narinig ko siya sabi niya kay mam. Since wala pang tao sa lab nakapag-usap pa kami. Paano naman kasi masisimulan ni mam ang klase ng dalawa ang estudyante niya? Nagtetest kasi yung iba sa algebra. Sobrang hirap kasi nung test. Kaso ako nadalian sa exam kaya maaga akong natapos. Ako na matalino!

Binatukan niya ako ng mahina, "Oi Brent, nagdadalang tae ka nanaman."

"Ano ba? Dun ka na nga sa upuan mo. Babangasan kita jan eh."

"Ikaw nalang nga nilalapitan eh. Sa itsura mong iyan pati si kamatayan matatakot lumapit sa iyo"

"Edi mabuti matagal pa akong mabubuhay. Hindi ko naman hiniling na lapitan mo ako ah."

"Taeng tae ka nanaman. Bahala ka hindi ko sasabihin sa'yo yung course at section ni Lisa."

Napatayo ako sa upuan ko, tapos hinawakan ko siya sa balikat tapos niyugyog ko siya, "Ha? Alam mo na yung course at section niya?"

"Oo naman ako pa, registrar kaya ang nanay ng boyfriend ko rito."

"Sabihin mo sa'kin. Please!" lumuhod ako tapos  magkadikit mga palad ko.

"Tumayo ka nga diyan! Babatukan kita eh!" Sabay hatak sa collar ko, napatayo ako. Ngumiti siya. "Kaya lang may kapalit."

"Ano? Kahit ano pa yan. Bahay, lupa O kotse? Name it!" hindi naman ako masyadong desperado nito.

"Sus, hindi ko kailangan nun, marami kami nun."  kinagat niya yung hintuturo niya tapos tumingin siya pataas. Sus kala mo naman nag-iisip, eh alam ko namang about kay Billy ang kapalit. Bestfriend ko yun eh.  "Ano ba ang favorite na pagkain ni Billy? Gusto ko kasi siyang ipagluto eh."

Napaisip ako dun ah, anu nga ba? "Lahat naman kinakain nun eh."

"Lahat ba? Specific food." hindi ko alam.

"Sige aalamin ko. Tatanung ko sakanya mamaya. Sabihin mo na kasi sa akin."

Love EncountersTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang