52. Kasalanan

Magsimula sa umpisa
                                    

            "Anak punyeta ka! Akala 'ko patay ka na! Nakakaloka kang bata ka, sobra sobrang tulog na yang ginagawa mo! Pero, labyu anak! Mabuti idinalat mo pa yang mata mo! Kinabahan ako, punyeta ka talaga!" Pasigaw niyang sabi sa akin habang umiiyak pa din siya na parang bata na hindi nabigyan ng candy.


            Hindi 'ko alam kung matatawa ba ako o ano sa sinabi sa akin ni Mama, pero dahil baliw din ako kagaya ng mama 'ko, umiyak din ako habang sinuklian ang mahigpit niyang yakap. Nanay 'ko nga talaga tong babaeng 'to, parehas kaming baliw eh. "Syempre, Ma. Walang magpapaganda ng araw mo kung mawawala ako." Mahinang sambit 'ko dahil medyo nahihirapan pa din ako.


            Tumawa si Mama at lumayo sa akin. Inayos niya ang buhok 'ko at iyak pa din siya ng iyak na parang ewan, pati tuloy ako natatawa at umiiyak ngayon. "Ayos ka na ba anak? Anong nararamdaman mo ngayon? Sabihin mo punyeta ka, baka biglang sumara yang mata mo at hindi na muling dumilat!" Pabiro niyang sabi.


            Mas gumaan ang pakiramdam 'ko ngayon kung ikukumpara nung gumising ako at sila Ate Kendice ang naabutan 'ko, parang may kung ano sa pakiramdam 'ko ang bumuti ngayon.


            Mahina akong tumawa at dahan-dahang tumango sa kaniya. Hawak-hawak 'ko lang ang kamay ni Mama. Ang buong akala 'ko, hindi 'ko na ulit 'to magagawa.  Akala 'ko hindi 'ko na ulit makikita ang pamilya 'ko. "Ayos naman na, Ma'am. Medyo masakit lang ang ulo 'ko tapos medyo masakit lang katawan 'ko. Pero keri boom naman, Ma."


            Tumawa si Mama at pinunasan ang luha niya, "Mabuti naman, 'nak. Mawawala din 'yan, sabi ng doctor ganun daw talaga pero mawawala din daw 'yan. Basta magpagaling ka lang ng maayos." Inaayos niya ang buhok 'ko habang sinasabi iyon sa akin. Magtatanong na dapat ako tungkol kay Jared pero agad namang bumukas ang pinto ng kwarto, at agad kong nakita si Papa.


            Nabitawan niya yung paperbag na hawak-hawak niya at agad na tumakbo sa akin at agad akong binigyan ng isang mahigpit na yakap. Tumawa ako at yumakap din kay papa. "Nak! Salamat sa Diyos! Akala 'ko hindi na kita makikita!" Sabi niya at paulit-ulit na hinahalikan ang noo 'ko. Napatawa ako at ganoon din si Mama na inayos ang dala ni Papa. "Ayos ka lang ba, 'Nak? Anong nararamdaman mo? May masakit ba? Sabihin mo ha? Nagugutom ka ba? Anong gusto mo? Bibilhin ni Papa."


            Ngayon 'ko lang nakitang ganito si Papa, tahimik lang kasi ito si Papa at hindi din masyadong showy sa amin pero alam 'ko namang mahal na mahal kami nito. Minsan lang siya nagbabaliw-baliwan hindi katulad ni Mama na minsan lang maging normal. Kaya ngayong nakikita 'ko si Papa na ganito, hindi 'ko magawang hindi matuwa at maiyak.


            "Pa, ayos lang ako. Hindi naman ako baby!" Natatawang sabi 'ko sa kaniya. Hinawakan ni Papa ang kamay 'ko at ngumiti sa akin. Mangiyak-ngiyak siya habang nakatitig sa akin. Tumabi si Mama kay Papa at umupo sila sa gilid ng kama 'ko, madami silang sinabi tungkol sa kalagayan 'ko at kinwento simula ng makarating ako dito.


            Buong pagke-kwento ay si Papa lang ang nagsasalita dahil walang ginawa ang magaling kong Nanay kundi umiyak sa gilid ni Papa, para siyang background music habang nagkkwento si Papa.


            "Pa, si Jared? Kamusta po si Jared? Nasaan po siya? Bumisita po ba siya sa akin? Alam niya po bang nagising na ako?" Basag ang boses 'ko sa mga huling tanong 'ko. Hindi 'ko maipaliwanag ang pakiramdam 'ko habang itinatanong iyon kay Papa, parang sasabog ang puso 'ko sa kaba at hindi ' 'ko masabi sabi kung bakit. Kanina pa ako nagbabalak na itanong 'to kay Papa pero hindi 'ko magawa dahil parang nararamdam iyon ni Papa at agad niyang iniiba ang kwento.


            Nakita 'ko kung paano humigpit ang hawak ni Mama sa kamay ni Papa. At doon pa lang ay hindi na maganda ang kutob 'ko. Tumingin si Papa kay Mama na para bang may tinatanong, matagal bago bumuntong hininga si Mama at tumango kay Papa.


Courting the Fortune-tellerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon