Chapter 22: The transferee (Part Two)

3 1 1
                                    

Neil's POV

After the incident between me, Sophie and Erin, I dont know what feelings I felt when I saw again Erin after soooo long years. Mad? Yes! Galit ako sa kanya. Galit ako dahil sa panloloko niya sa akin. Galit ako dahil pinaasa niya ako at Galit ako dahil minahal ko siya kahit walang kasiguraduhang sasagutin niya ako.

International student ako pero karamihan ng subject ko ay kaklase ko sina Sophie. Parang college! On the way na ako sa sunod na klase ko kaso sa kamalas-malasan, nakabunggo ako. I mean, nagbungguan kami. Syempre hindi ko alam kung sino talaga ang unang bumunggo. Tinignan ko kung sino yung nabangga ko o binangga ako pero hindi ko kilala ang isang to.





"Ano ba! Hindi mo kasi tinitignan dinaraanan mo eh! Putek! Late na ako. "

"S-sorry po . sorry po" -paumanhin niya

"Sa susunod kasi, wag mong gawing playground ito para tumakbo ka."

"L-late na po kasi ako sa klase ko ee. Pasensya po ulit"





Atlast, tumingin na sya sa akin. Hmm. Paano ko ba siya i-describe? Uhmm. Uhmm. One word can describe her...













NERD!






"Ahm. Sige po. Una na po ako sa inyo. Sorry po ulit"


Nagsimula na syang maglakad pero pagdating nya sa may gilid ko, hinawakan ko ang kamay niya para mapaharap sya sa akin.


"Ah bakit? May kailangan ka po ba? Late na po kasi ako sa klase ko kaya kung pwede po, bitawan niyo na ako"


"Sinong may sabing ganun nalang yun? Sorry is not enough, baby"




Tumaas ang isang kilay niya at sabay sabing, "excuse me? Im not baby. Ikaw ba ang tatay ko para tawagin akong baby? Yuck! At isa pa, hindi ko naman sinasadyang mabunggo ka. At kung alam mo na may makakabunggo sana sayo, eh di sana tumabi ka! Bwisit to! "






Ngayon lang ako nakakita ng isang nerd na mataray.. Sounds interesting huh!



"Eh alam mo naman pala na male-late ka na, hindi ka pa pumasok ng maaga. Use your common sense"

"Mister, baka may isa pa akong klase bago ang klase ko dito. Ang layo ng building na pinanggalingan ko. Pwede ba, paalisin mo na ako at sobrang late na ako. Naiintindihan mo?"





Late na nga lang, nagtataray pa? Pwede niya naman akong huwag pansinin nalang di ba? Pero syempre hindi naman ako papayag na hindi niya ako pansinin. Aba! Sa gwapo kong ito, iindyanin na niya? Kick my ass!


"Late ka na kaya panindigan mo na ang pagka-late mo, Miss. Masyado kang studious para attend-an mo pa yang klase mo. If I know, boring subject yan." I gave him a playful smirk.


"Huwag mo akong itulad sayo na hindi pumapasok. Tyaka, di ba, ikaw yung transferee. Kabago-bago mo dito hindi ka na aattend ng klase mo. My ghad!"



Akmang aalis na naman siya ng hinablot ko ulit braso niya sabay sabing, "Let's Go!"  Habang kinakaladkad ko sya, panay ang reklamo niya. Ang sakit na nga ng tainga ko dahil salita sya ng salita. Hindi nalang sya magpasalamat dahil may isang gwapong hinihila siya. Pakipot pa ito eh!






"ANO BA! BITAWAN MO NGA AKO. KIDNAPPING NA TONG GINAGAWA MO AH. MAY KLASE PA AKO! ANO BA! SABING BITAWAN MO NA AKO EH! PAG HINDI MO AKO BINITAWAN, MAWAWALAN KA NG GENERATION! ANO BA! "




Paulit-ulit nya na yan sinasabi kaso hindi ko pa rin siya binibitawan.



"ISA!"















"DALAWA!"












"AYAW MO TALAGA AKONG BITAWAN? HETO SAYO"













Sisipain niya na sana ako kaso nakailag ako. One point sa gwapong tulad ko.






"Sumama ka nalang sa akin at tumahimik ka. Naririndi na ako sa boses mo ah. Isang salita pa na marinig ko sayo, bubusalan na kita ng papel jan sa bunganga mo!"




Oh eh di natahimik ka ring nilalang ka! Nerd na mataray na maingay. Wow! Just wow! Pagdating namin sa may parking lot, binuksan ko ang passenger seat ng sasakyan ko(pinadala ko sa isang driver nina Sophie).

"Sasakay ka o sasakay ka? Mamili ka!"- tanong ko sa kanya

"Tanga ka ba? Nagbigay ka pa ng choice! Bwisit!" Sabay pasok sa sasakyan ko. Pakipot talaga to!




Mabilis akong umikot para pumunta sa driver's seat at in-start ko ng paandarin ang sasakyan ko. Balak kong mag-escape kasama ang babaeng to. Tinamad na akong pumasok ee.



"San mo ba ako dadalhin huh? Kung mag-eescape ka ng klase mo, sana di mo nalang ako dinamay!"


"Eh sa gusto kitang idamay ee! Tumahimik ka!"









Kinausap ko ang guard na palabasin kami at pumayag naman yung guard kasi kilala nga nila ako. Itinungo ko ang sasakyan ko papuntang park. I miss my childhood life.



"Isinama mo lang ako para pumunta sa isang..... PARK? O c'mon, uuwi na ako. Bahala ka jan"- sabi niya




"STAY! Dont ever move again or else, I kill you!"-panakot ko sa kanya. Tumahimik sya. Naglakad kami papuntang swing at dun kami umupo.


"Sorry for this day. Sorry kung kinaladkad kita at isinama pa rito. Masyado lang akong na-bored sa school kanina. Uhm.. By the way, I'm Neil and you are?" -binasag ko na ang katahimikan sa pagitan namin.



"Clyza Rynn.. Rynn nalang.. Apology accepted"







My Sophisticated Bitch GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon