The Fake Love: Act 03

0 0 0
                                    

My Fake Love
©theforbiddenprincess
All Rights Reserved, 2015

Act 03-Maxine

Pumasok ako sa school nang early dahil tumawag si Kara at gustong magpasamang maglibot ng campus---which I find very interesting.

Ang totoo kasi niyan, ni minsan sa buong apat na taon ko rito sa TU ay hindi ko nalibot ito---for once. Bakit? Sabihin na nating medyo malawak ang seven hectares para libutin ng isang araw.

"Max!" Pinanood ko kung papaanong bumaba si Kara sa kanyang motor or bike at naglakad papunta saakin. "Late na ba ako?"

"De. Three minutes pa lang gale ako rito, nagkasunod lang tayo." Tumango ito. "So, sa'n mo gustong mauna?"

"Ewan, ikaw, sa'n mo ba gusto? Medyo nalalakihan kasi ako sa school na ito. Mas malaki pa ata ang TU sa UP eh." Sinabi mo pa. "Siguro unahin na natin ang college natin. Hindi man natin aminin pero dun sa part lang kung saan tayo nagkaklase every year ang napupuntahan natin, kaya di natin masyadong na-appreciate ang school." Tumango ako saka kami naglakad papunta sa CLA.

Habang naglalakad ay panay ang kwentuhan naming dalawa---more like siya ang taga-kwento at ako ang taga-kinig---tungkol sa buhay.

Ikinuwento niya rin saakin ang panahon na kung saan gusto nang maghiwalay nang parent's niya pero hindi nila nagawa dahil naglayas siya, tapos naramdaman na lang daw nila na bumalik yung spark nila sa isa't-isa kaya nagkabati sila.

Meron din daw mga oras kung saan napagkakamalan siya ng kuya niya na girlfriend nito at nahahalikan siya sa labi, kapag raw kasi nalalasing ito ay hindi na nito nakikita kung sino ang nasa paligid kaya't lagi raw itong napapahamak.

Nakwento niya rin saakin yung mga oras na nasaksihan niya kung papaanong nakikipag-halikan ang ex-boyfriend niya sa kaibigan niya, at ang tangi raw sagot ng lalake ay akala niya ay siya iyon at nagpadala sa siya damdamin. Somewhat ay relate ako sa part na ito.

Isinalaysay niya rin saakin ang mga science book na nabasa na niya at ang mga paborito niya sa mga ito. Nalaman ko na gusto niyang pag-aralan ang pag-iisip nang isang tao kaya't nag-take siya ng online course na siyang tine-take nito tuwing alas-dyes ng lunes, miyerkules, at biyernes.

Halos tatlong college na rin ang napuntahan namin at ngayon nga ay naririto kami ngayon sa College of Business Administration nang matanong ako nito. "Max, ayos ka na ba?"

Napatingin ako sakanya habang pinagpatuloy nito ang sinasabi. "Alam ko ang totoong nangyari, Max. Alam mong nandoon ako, ngunit pinili kong 'wag lumapit dahil alam kong magagalit ka."

Nagpatuloy kami sa paglalakad. "Sa totoo lang, gusto kong magalit. Alam ng dyos kung gaano ko kagustong saktan ang mga taong sumira sa imahe ko pati narin ang nga taong naniniwala sa mga simple ng salita na wala na nang basehan, wala pang katotohanan. Pero what's the point? Ano pang mapapala ko kapag magalit ako at batuhin ko sila isa-isa ng bangko, mapapagod lang ako at lalabas pa na guilty ako. Kaya tama na sigurong manahimik ako at hayaang humupa ang tsismis. Makaka-bawi rin ako sa kakaibang paraan." Sabi ko.

"Sabagay, may point ka rin naman doon."

Habang naglalakad kami ay naririnig namin ang pag-pigil ng tili ng ilan sa mga kababaihan at ang mga pagtsi-tsismis nito. Grabe naman ang dakilang tsismosa ng CBA, tinalbugan pa ata ang CLA eh.

"...Si Augustus."
"Oo...kasabay ko nga ito kanina..."
"... bagong salta rito..."

Ganyan ang naririnig namin ni Kara habang naglalakad kami sa hallway ng CBA. Puro patungkol sa bagong saltang estudyante na gwapo ang naririnig namin. Wala naman akong pakealam sa mga kalalakihan dahil may tatlong lalake na sa buhay ko pero alam kong itong si Kara ay meron.

"Sino kaya ang pinaguusapan nila?"

Binalingan ko ito. "Tanong mo daw."

Napausog naman ito papunta saakin. "Eeh nahihiya ako." Anito habang nagpipigil ng kilig. Sus, nahiya pa.

"August!" Napalingon kami sa likuran ng may babaeng nagtawag ng buwan sa likod namin habang tumatakbo sa aming direksyon. "Augustus!" Tumakbo ito padaan saamin at nagtungo sa harapan namin na kung saan ay may nakatayong isang lalake na may magandang mukha na pinapalibutan ng kababaihan at masayang nagki-kwentuhan rito. Tumigil ang babae sa harapan ng nagkukumpulan na mga babae ang nakisiksik upang makapunta sa kung saan ang binata.

"Tama!" Napalingon naman ako kay Kara ng malakas na nagsalita ito. Napatingin na rin ang ilang tao sa gawi namin. "Maxine, diba Augustus rin yung pangalan ng crush mo? Ano nga ulit iyon..." tatakpan ko na sana ang bibig nito ngunit huli na nang maisigaw niya na ang pangalan ng 'imaginary crush' ko. "Alam ko na! Augustus Levine Tan diba?" Inosenteng tanong nito saakin. Napahawak ako sa ulo ko habang nipo-proseso ko ang nangyayari nang makaramdam ako na para bang biglang tumahimik ang paligid. Napalingon ako sa harapan at namataan ko ang hindi lang isa, kundi lahat ng kababaihan sa harapan maging ang mga tao sa paligid na nakatingin ngayon sa direksyon ko, marahil ay nag-aabang sa susunod kong gagawin.

Napunta ang kanilang tingin sa taong nagbasag ng katahimikan nang mag-lakad ito papunta sa direksyon namin ni Kara. Iilan sakanila ay napasinghap, yung iba ay nagsimula nang mag-tsismis, at ang iba ay mas pinili ang manahimik at inaantay ang susunod na mangyayari.

Ngitian ako ng taong nasa harapan na namin. Ngayon ko lang napansin na makapal ang mga kilay nito at mapupula ang mga labi. Binalingan nito si Kara saka nag-salita.

"You're looking for me, Miss?"

***

Aria's Message: Expect that I'll update two to three chapters of this book before the year ends! Love lots and sorry sa pag-aantay minna ^ω^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 16, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon