"Look at me." Aniya

Dahan dahan kong itinaas ang aking tingin at sinalubong ang kanyang mga mata. Bumaba ang tingin niya sa aking mga labi, ganoon din ang ginawa ko. He slowly lean towards me, and finally kissed me again. He kissed me passionately this time. So slow, so soft. At sa tingin ko ay mas nakadadarang ito.

Hinawakan ng dalawang palad niya ang aking mga pisngi. Naramdaman ko ang init nito. Inilagay ko ang aking palad sa kanyang dibdib habang lumalalim muli ang kanyang mga halik.

Tumigil siya at isinandal ang kanyang noo sa aking noo. Parehas kaming kapos sa pag-hinga at halos di ko mabuksan ang aking mga mata.

"Then why your body tell me otherwise?" He said

Dumilat akong nakaawang ang bibig. I am lost for words.I guess my body betrayed me big time.

Iniwan niya akong gabing iyon ng siya lang ang laman ng isip, ni hindi ko na maalala ang date namin ni Tam. Niyakap ko ang aking unan at mariing pumikit. Hindi ko alam kung tama ba ito o mali. Mapanganib para sa akin ito dahil matagal na akong naunang nahulog sa kanya.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. It's five o'clock in the morning at nauna pa ako sa aking alarm. Ngayong araw ang punta ni Auntie sa condo, linggo at off ko ngayon. Pagtapos ko ayusin ang aking kama ay deretcho ako sa kusina para magtimpla ng kape.

Tulala ako habang humihigop ng kape sa dining. Sa harap ko ay bintana kung saan kita ang matataas na building na iilang ilaw pa lang ang nakabukas. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Muli kong naalala ang nangyari kabagi. Inilapag ko sa lamesa ang tasa at kinapa ang aking labi.

I can still feel his lips on mine.

Kinagat ko ang aking labi at muling uminom ng mainit na kape. This makes me palpitate more.

I saw my Iphone at tinignan kung may mensahe.

Wala..


Ibinaba ko iyon at huminga ng malalim. He did not even inform me kung nasaan na siya. Ipinilig ko ang aking ulo. Ayokong mabaliw.


I did my usual routine every Sunday sa condo at ng matapos iyon ay nag- grocery ako. Auntie Noemi will cook. Kaya binili ko ang mga ingredients na kailangan para sa kare-kare. Ng bumalik ako sa condo ay naabutan kong nagpapasok ng mga gamit sa katapat kong unit. Oo nga pala at may lilipat na doon. Nakita kong maingat na ipinapasok ang isang kulay brown na sofa ng dalawang unipormadong lalaki.

Ng nasa pintuan na ako ng aking unit ay nasilayan ko saglit ang babae na nakita ko rin noong una. Sinasabi niya kung saan ipupuwesto ang sofa at ang iilan pang gamit sa loob noon. Ni hindi niya ako nakita sa sobrang busy niya. Pumasok na ako sa loob at inayos ang mga pinamili sa kusina.


Nag advance reading akong muli at pumuwesto sa dining table, habang hinihintay si Auntie,  ang sabi niya before lunch ay narito na siya. I can still hear from here ang paglilipat ng gamit sa katapat na unit.

Narinig ko ang pag bukas ng pintuan at alam ko na si Auntie agad iyon dahil siya lang ang may duplicate ng susi. Tumayo ako at masayang sumalubong.

"Auntie!" Agad nawala ang ngiti ko ng makita ko kung paano niya madaling isinara at ni-lock ang pintuan. Humarap siya sa akin at kita ko ang takot sa kanyang mga mata.

"May problema ba Auntie Noemi?" Naguguluhan kong tanong.
Nilingon niya ang pintuan na para bang kita parin kami sa labas kahit nakasara naman na ito, marahan niyang hinila ang aking braso papunta sa dining.

"May lumalapit ba sayong ibang tao nitong mga nakaraang linggo?" Natataranta niyang tanong

"Wa-wala po. Bakit po? May dapat bang lumapit sa akin? At bakit?" Sunod-sunod kong tanong.

Mabigat siyang huminga at umiling


"May mga nakilala ka na ba ditong katabi mong unit?"


"Ibig mong sabihin Auntie yung bagong lipat sa tapat?" Nilingon ko ang pintuan. " Nakita ko lang yung babae pero hindi ko nakausap. Sila ata ng asawa niya ang titira diyan."


Nagkatinginan kami ni Auntie pagkatapos kong sabihin iyon. Nag-iwas din siya at pumunta sa ref para kumuha ng malamig na tubig. Nagtataka ko siyang sinundan ng tingin.


Para siyang hinahabol ng isara niya ang pintuan kanina. Nag-away nanaman ba sila ni Uncle at sinundan siya dito? Naalala ko nanaman ang matindi nilang away na nasaksihan ko. Ito ang unang Pagkakataon na makakaharap ko si Auntie pagkatapos ng insidenteng iyon.

Nag lagay ng malamig na tubig si Auntie sa baso at uminom


"Kamusta po si Uncle?" Nabitin ang pag inom ni Auntie sa tanong ko, ibinaba niya sa sink ang baso.


"Okay naman ang Uncle mo." Hindi makatinging sagot niya sa akin.


Kailangan kaya yung tamang panahon na sinasabi ni Auntie Noemi bago ko malaman ang sagot sa lahat ng mga katanungan ko? Halatang hindi ngayon dahil sa mga pa-iwas niyang sagot.


Matagal bago ako nakasagot kaya nilingon niya ako, agad naman akong ngumiti para itago ang iniisip.

"Magluluto na ako para makakain na tayo." Pag-iiba niya ng usapan.

"Mag-pahinga muna kayo Auntie, siguradong pagod ka po sa byahe."

"Sanay na ako sa byahe kaya hindi na ako napapagod."


Tumango ako at binuksan muli ni Auntie ang ref para kunin ang mga kailangan.


Na-upo ako sa dining para magbasang muli pero alam kong wala ng papasok sa utak ko. Pinapanood ko ang likuran ni Auntie habang nagluluto.

I know there is something going on. But I trust Auntie Noemi.

Beautiful DisasterWhere stories live. Discover now