Chapter 3: where and chaos

Comenzar desde el principio
                                    

ang ganda na sana ng pasok nya ng biglang nagtulakan yung mga tao sa likod nya na kala mo hindi sila makakapasok sa train.

kawawa naman sya at natulak tulak sya paloob dito sa train, sandali lang! wait lang papalapit na sya ng papalapit sakin and arrrrggghhhh ayan na! dumikit na yung muka ko sa dibdib nya as in dikit na dikit na!

ano bayan! parang may gusto pang pumasok ha! punong puno na yung train, siksikan na at parang may tumutulak pa sa lalaking nasa harap ko.

in fairness mabango naman si kuya kaya okay lang kaso ni hindi ako makahinga kasi yung muka ko nasa dibdib na nya.

nagside view ako pra makahinga naman ako kahit papano... ganito ba talaga sa LRT?

sinilip ko sya at kitang kita ko na naasar na yung muka nya.

yung posisyon namin ngayon para akong babaeng ayaw nyang pakawalan, yung parang prinoprotektahan nya ko sa ibang tao. nakataas yung dalawa nyang kamay at nakahawak sa side ng pinto ng train para may force sya if ever na biglang huminto yung train.

napansin siguro ng poging lalaking to na medyo nahihirapan ako kaya medyo hinihiwalay nya yung katawan nya sa muka ko pero sa tuwing gagawin nya yun agad na may tumutulak sa kanya pabalik.

alam ko na napipikon natong si Mr. pogi, siguro hindi to sanay sumakay sa mga ganitong public transpo.

tumingin ulit ako sakanya at this time nagtama ang mga mata namin.

ngumiti ako ng pilit sa kanya pero hindi nya ko pinansin tumingin lang sya sa kabilang side.

ayan na next station na! please sana maraming bumaba!

pagkahinto ng train naramdaman ko na medyo lumuwag na kasi lumalayo ng yung katawan ni mr. pogi sa muka ko. pero syempre mas gusto ko na nakadikit lang sya sakin, feeling ko kasi babae ako hahaha!

nang medyo lumuwag yung area namin tumalikod agad sya sakin, siguro nahihiya sya sakin dahil para kaming mag jowa kanina.

akala ko okay na lahat pero sa paglabas ng ibang pasahero, kasunod nun ng pagpasok pa ng mas maraming tao sa loob kaya naman napasiksik ulit si mr. pogi sakin, this time yung matipuno naman nyang likod ang dumikdik sa muka ko.

wala akong ibang naamoy kundi yung pabango nya. medyo na-aamoy ko rin yung deodorant nya haha! nahirapan ata sya or ayaw nya yung kaharap nya kaya kahit anong sikip ng train nakagawa parin sya ng paraan para humarap ulit sakin.

sa pagharap nya muli sakin dumikit nanaman sakin yung chest nya! infairness ha laki ng chest nya!

naramdaman ko this time yung tibok ng puso nya... ang bilis ng heart beat nya at nararamdaman ko narin na medyo nagpapawis narin sya gawa narin siguro ng mainit na panahon.

napansin ko na bumabakat na yung pawis nya sa damit nya isabay mo pa yung nararamdaman nyang hiya kaya siguro lalo pa syang pinagpapawisan.

"okay kalang!" pabalang nyang tanong sakin.

nagulat naman ako kasi hindi ko ineexpect na kakausapin nya ko sa kabila na parang problemado sya not to mention muka pa syang suplado.

tumango lang ako sakanya at ngumiti bilang pagsagot sakanya na okay lang ako.

feeling ko nung mga oras nayun para akong tunay na babae, sabi ko na nga ba swerte ako dito sa manila eh! kanina sa terminal, ngayon naman dito sa train! hahaha!

sa wakas andito nako sa station na bababaan ko! dyusko marami palang bumababa rito including si mr. pogi!

bago pa nga sya bumaba tinignan pa nya ako syempre tinignan ko rin sya. yung pakiramdam na feeling maganda ako haha!

ayan na andito nako! pero bakit feeling ko parang nawawala nako!?

paglabas ko ng station ng train nakakita ako ng parang mayaman na may edad na, agad ko syang pinuntahan para magtanong ng direksyon.

"hi sir! sorry po sa istorbo! pwede po ba akong magtanong?" sabi ko sa matanda sabay ngiti.

"ano yun iho?"

"pasensya na po talaga, magtatanong lang po sana ako kung pano po makarating dito?" sabi ko sabay turo ng address sa papel na hawak ko.

"oh, dyan ba? papunta rin ako dyan, gusto mo bang sumabay? mahihirapan kang sumakay rito iho." alok ng matanda.

una napaisip pako baka kasi isa nananam to sa mga modus eh hehe pero muka naman syang mayaman at ayoko narin maranasan ulit yung tulad sa train.

ngumiti ako ng malaki at nagpasalamat! sinagot naman nya ko ng ngiti rin at niyaya akong pumasok na sa sasakyan.

ang swerte ko talaga!

well, comapany! wait for me! here i come.... :)

My Crabby Boss! (BL Romance)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora