“Nope.”

                “Sige na…” pamimilit ko pa. Hinalikan ko sya sa pisngi.

                “Hindi mo ako madadaan sa halik , sweetie.”

                “Talaga?” sabi ko. I gave him another kiss.

                “Hindi talaga,” sagot niya.

                “Kahit i-kiss kita sa lips?” Tanong ko.

                Pinagtaasan niya lang ako ng kilay. Pero halata naman na naghihintay siyang mahalikan. So, I gave him a kiss he would crave for. After a minute…

                “So?”

                “I'll think about it. Hindi convincing ang halik mo, e. Kulang sa passion.”

                Natatawang napalo ko siya sa balikat. Napaka arte talaga ng lalaki na ito. Ang hirap i-please. “Sorry naman. Iyong nagturo kasi sa akin kung paano humalik, e, lousy kisser,” ganti ko.

                “Excuse me, misis. Ako? Lousy kisser?”

                “Bakit ikaw ba ang first kiss ko?”

                “Oo naman, I know na ako ang first kiss mo at ang only kiss mo,” mayabang na sagot niya.

                “So, iniisip mo na iyong kiss natin sa airport iyon iyong first kiss ko?”

                “Sinong may sabi na sa airport iyong first kiss natin?” Tanong niya.

                Nagtatakang napatitig ako sa kanya. “Meron ba akong hindi alam?”

                “Ganito kasi ‘yan, sweetheart,” pagsisimula niya ng kwento.

###############################################################

EIGHT YEARS AGO…

                Maingat na bumangon ako mula sa pagkakahiga sa mga binti ni Peachy. Napalalim 'ata ang tulog ko. Nakita ko si Peachy na nakapikit na rin at nakasandal ang ulo sa headrest ng sofa. Nakatulog na rin siguro dahil sa pagod.

                (@.@) Namumula nga iyong balat niya. Pero bagay naman ang tan sa kanya….

                (@,@) Hala! San nanggaling iyon? Bakit parang nagagandahan na ako sa kanya?

                Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa mga naiisip ko. Nakita na mukhang nahihirapan si Peachy sa ayos niya dahil halatang hindi komportable ang posisyon niya. Baka mangawit ang ulo niya. Kaya maingat na inangat ko ang ulo niya par asana alalayan siya upang makahiga. Kaya lang biglang gumalaw si Peachy at yumakap sa akin. Nawalan ako ng balance at napahiga sa sofa habang nasa ibabaw ko si Peachy na sinisiksik ang mukha sa may leeg ko.

                (T.T) Ang bigat naman niya!!!

                Gustuhin ko mang bumangon hindi ko magawa dahil ang hirap buhatin ni Peachy at hindi ko naman talaga siya mabubuhat.

                “Russell…” narinig kong sabi ni Peachy. Gumalaw ulit siya at tmingala pa sa akin. Halos magpantay na ang mga mukha naming. I was about to wake her up ng bigla kong nakita na ngumit siya sa akin.

Just marriedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora