Ch.1

1.5K 51 13
                                    

When two people are under the influence of the most violent, most insane, most delusive, and most transient of passions, they are required to swear that they will remain in that excited, abnormal, and exhausting condition continuously until death do them part.

 - George Bernard Shaw

CHAPTER 1

*RUSSELL*         

                “I hate you!”

                Nahihilong napabangon ako bigla ng marinig ko ang boses ni Peachy. Tinignan ko ang labas at nakita ko na mataas na ang sikat ng araw tanghali na pala. Late na naman kaming nagising.  “Good morning, mahal,” bati ko sa asawa ko. Yayakapin ko na sana siya kaya lang hinampas na niya ako ng unan.

                “I hate you! I hate you!”

                “Bakit na naman?” Hinawakan ko ang dalawang kamay niya para tumigil na siya sa kakahampas sa akin. Biglang may kalokohan akong naiisip kaya hinala ko si Peachy tsaka ko binigyan ng isang mabilis na halik sa lips at pinugpog ko sya ng halik sa buong mukha. Pero mukhang galit talaga si Peachy sa akin kaya nagpumigalas siya. Kahit na chubby siya ay nagawa ko naman na pigilan siya. Mabuti na lang at malaki na ang katawan ko. Kung katulad pa rin ako ng dati malamang na malayo na ang narating ko sang tulak pa lang niya. “I love you, Peachy…” sabi ko ng mapagod na siya.

                “Nakakainis ka. Alam mo ba kung anong oras na?” Nakaingos na tanong niya. “Ten na ng umaga at late na ako sa trabaho ko. Tinago mo na naman iyong alarm clock.”

                Natatawang sumubsob ako sa leeg niya. “'Wag ka na pumasok itatawag ko na lang kay kuya na hindi ka papasok. Nasa honeymoon stage pa naman tayo kaya maiintindihan niya 'yun.”

                “Hello?!  One year na kaya tayong kasal. Honeymoon stage pa din?” sabi niya na halatang nagpipigil lang na matawa. “Tama na nakikiliti na ako. Bumangon ka na.”

                “Ayaw ko nga. Bakit? Mahaba kaya ang honeymoon stage, mga ten years.” Sabi ko  at lalo ko pa siyang niyakap. “Kaya hindi tayo magka-baby,e, lagi ka na lang sa trabaho.”

                “Hala ako pa ngayon ang may kasalanan,” sabi niya habang tinutulak ako palayo. “Mahina ka lang talaga.” Nagmamadaling tumayo siya at dumiretso sa banyo at nag-lock.

                “Open the door, sweetie, patutunayan ko sayo na hindi ako mahina,” tawag ko habang kumakatok sa pinto ng banyo.

                “Tse!!!” Narinig kong sigaw ni Peachy.

                “Maliligo ka na ba? Sabay na tayo.” I tease her.

                “Ayoko!”

Just marriedWhere stories live. Discover now