Chapter 2

486 25 0
                                    

CHANYEOL'S POV

Dumeretso agad ako ng Mall upang makabili ng mga gagamitin kong ingredients sa pagluluto. Syempre,nakadisguise ako. Hindi naman ako nakilala kahit papano kasi Sunday naman at maliit lang ang tao sa Mall na pinuntahan ko.

Nang matapos ako sa grocery ay dumeretso naman ako agad sa isang flower shop. Kaso,nakilala ako nung saleslady.

Kaya naman para hindi niya ko ireveal eh binigyan ko nalang ng autograph. Bumili na rin ako ng cake sa katabing Bakery.

Nang matapos ako sa mga binili ko ay agad akong umuwi ng bahay namin. Swerte ko nalang at hindi pa umuuwi si Heira. Nagsimula akong magluto ng mga paborito niyang pagkain.

Sa loob ng isang buwan,nalaman ko na lahat ng mga favorites ni Heira. Kahit yung mga ayaw niya alam ko na rin.

Ang balak ko ay sa rooftop kami magdi-dinner. Kaya habang hinihintay ko na maluto yung mga iniluto ko ay nagbuhat mo na ako ng isang mesa at dalawa upuan paakyat ng rooftop. Kahit na pawis na pawis nako.

Okay lang. Basta masurprise ko lang ang asawa ko.

Inayos ko ang mesa at dalawang upuan. Saka ko binalikan ang mga niluluto ko. Nang maluto na ay agad ko itong inayos at dinala sa rooftop.

Inayos ko ang rooftop. Naglagay ako ng mga kandila simula sa kwarto namin hanggang sa rooftop. Oo,ganun ako kaeffort.

Habang may oras pa naman ako ay gumawa rin ako ng mga design sa rooftop. At dahil mahilig si Heira sa star. Gumupit ako ng napakaraming stars na gawa sa bond paper o color paper.

Saka ko ipinandikit sa sahig ng rooftop. At bumuo rin ako ng 'Happy 1st Motmot' gamit ang mga little stars na ginupit ko.

Ano yung motmot? Monthsary. Hehe,ang hirap kasing ispelling ng Monthsary eh. Kaya motmot nalang. Hehe..

Tumayo ako sa pinto ng rooftop. At tiningnan ang kabuuan ng rooftop. Ayos na! Ang kelangan ko nalang gawin ay mag-ayos ng sarili at salubungin si Heira.


KATE'S POV

"Heira,lasing ka na." sabi ko sa kanya. Pero ayaw pa ring magpaatinag ng isang toh at uminom pa muli ng isang baso -__- Naman eh. Ako mapapagalitan ng asawa nito.

"Heira,baka hinihintay ka na ni Chanyeol." sabi ko. Tiningnan ko ang oras.

6:20 p.m.

Magsi-six thirty na. Hays! Naman aksi tong babaeng toh eh. Kung bakit siya naglasing? Kasi naman daw hindi siya binati ni Chanyeol ng 'Happy Monthsary.'

Eh sa First Monthsary pala nilang dalawa ngayong araw at nakalimutan daw ni Chanyeol. Eh nung tinanong ko naman kanina kung ginreet niya. Wala rin naman.

Tapos kanina pa rin tawag ng tawag si Chanyeol sa kanya eh ayaw niya namang sagutin kasi nga nagtatampo tung babaitang toh.

Hay nako. Matawagan na nga si Chanyeol. Baka nag-aalala na yun ng sobra sa babaeng toh.


Calling Chanyeol...

"Hello?"

"Si Kate to."

"Kate?! Kasama mo ba si Heira? Nasan kayo? Anong nangyari sa kanya? Kamusta siya?" tuloy-tuloy na tanong niya.

"T-Teka. Oo,kasama ko siya. Nandito kami sa bahay ko. Lasing siya pero okay naman siya."

"LASING?! Bakit siya lasing? I'm going to fetch her. Okay? Ikaw munang bahala sa kanya."


Tapos pinatay niya na ang tawag. Napangiti naman ako habang tinitingnan si Heira.

"You're lucky,Heira. In just 1 month. Sa tingin ko nainlove na ang isang Idol sayo." then niligpit ko ang kalat naming pareho.

Inayos ko ng higa si Heira sa sofa saka hinintay si Chanyeol. After few minutes..may kumatok.

Binuksan ko ang pinto. Si Chanyeol.

"Asan siya?" alalang-alala ang mukha niya.

"She's silently sleeping on the sofa." saka ko siya binigyan ng daan para makapasok.

Agad niyang nilapitan si Heira and kissed her forehead. Ay shet! Kakilig tong dalawang toh >o< Hihihi.. ChanHei for the win XD

"Bakit ba siya naglasing?" tanong sakin ni Chanyeol na nakatingin pa rin kay Heira at marahang hinahaplos ang buhok.

"Kasi nakalimutan mo raw ang Monthsary ninyo at hindi mo siya ginreet." natatawang saad ko. Ang babaw naman kasi ng rason ni Heira para maglasing eh -__-

Ngumiti naman si Chanyeol habang tinitingnan si Heira.

"Insane." sabi niya habang umiiling-iling.

"Mas mabuti pa sigurong iuwi mo na siya at nang mapalitan ang damit niya. Basang-basa na kasi siya ng pawis eh." sabi ko. Nakunot noo naman ako nang mapansin kong namula si Chanyeol.

"A-Ahm.. P-Pwede bang sumama ka muna samin sa bahay?" nahihiyang tanong niya.

"Ha? Bakit naman?" takang tanong ko.

"K-Kasi...p-pwede bang ikaw na ang magbihis kay Heira?" nakayukong sabi niya na pulang-pula na ang malaking tenga niya. Owemji~ Ang kyuuuuut!

"Hahahahahaha. Yun lang ba? Sure!" sabi ko.

Binuhat ni Chanyeol si Heira pasakay ng sasakyan saka kami nagtungo papuntang mansion nila.

Nagtaka naman ako nang makarating kami sa kwarto nilang pareho. May mga natunaw kasing candles eh. Napatingin naman sakin si Chanyeol.

"Ahm,bihisan mo nalang muna si Heira. Lalabas lang ako." sabi niya tapos lumabas na siya ng kwarto. Ako naman binihisan na nga ang bruhitang naglasing.

Nang mabihisan ko si Heira ay tinawag ko na si Chanyeol. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa ngayon sa isang gilid. Inayos ni Chanyeol ng higa si Heira saka ito nilagyan ng kumot.

"Inakala niyang nakalimutan ko na First Monthsary namin ngayon. Pero ang totoo,I want to surprise her. Hindi ko naman akalain na maglalasing pala siya." biglang sabi ni Chanyeol. Ngumiti naman ako.

"Hay nako. Kung ano-ano kasi agad ang iniisip ni Heira. Tsk tsk." sabi ko. Tumawa naman si Chanyeol.

"It's okay. Next time I won't let this happen again." sabi niya saka siya tumayo.

"Ihahatid na kita pauwi." sabi niya.

"Ah hindi na. I can manage. Dala ko naman ang kotse ko. At isa pa,bantayan mo nalang si Heira. Baka magising pa yan mamaya." sabi ko.

"Okay. Take care." sabi niya saka naman ako umuwi.


CHANYEOL'S POV

Pinagmasdan ko ang natutulog na mukha ni Heira. At natawa naman ako nang bigla kong maisip ulit ang dahilan bakit siya naglasing.

"You're insane." mahinang sabi ko habang nakahiga sa tabi niya.

"Magkakasama na naman tayo ng matagal..dahil sa trabaho. Pero atleast diba? Makikita kita ng mas matagal." sabi ko sa kanya kahit alam kong natutulog siya.

I kissed her on her forehead at humiga na rin ng maayos saka natulog sa tabi ng asawa ko.


Secretly Married To An IdolWhere stories live. Discover now