" Can we start now ? o mamaya na lang ?. I forgot to say class na ang next subject nyo ay wala kaya pwede nating magamit iyon."
" Ngayon na sir !! maganda magsimula na." sabi ni jerome , ang syota ni kathy. Alam kong kasabwat sya ni kathy. Hindi naman siya yung tipong nananakita ng babae.
" Ok , mag-suot na kayo ng p.e at pumunta doon sa gym. Ihahanda ko lang ang gamit para makapagsimula na. Goodbye class ." ng makaalis na si sir ay agad na nagsitayuan ang mga kaklase ko. Excited ? Tumayo na rin ako at kinausap si april. Nakasimangot kasi siya .
" Ok lang yan best , experience din to." sabi ko. Ngumiti na lang sya sa akin. Alam kong napipilitan lang sya maglaro , pati rin naman ako ayaw eh.
" Excuse." sabi ni adrian. Nakaharang pala ako sa daan kaya inusog ko yung upuan ko para makadaan sya. Nakakahiya.
" Tara best magpalit na tayo."
" Sige. " sabi ko. Agad kaming umalis ng klase at pumunta sa locker room.
" This is going to be fun !! ." sabi ni xiara. Agad silang nakabihis kaya agad rin silang umalis. Nakangiti pa sa akin si kathy ng nakakaloko kaya hindi ko na lang sya pinansin.
" Dito na ko best ." sabi ni april. Sa kabila pa kasi yung locker nya kaya dumiretso agad sya doon. Nasa dulo naman ang locker ko kaya naglakad narin ako. Wala ng tao dito sa locker room kaya rinig ko ang bawat paglakad ng aking paa. Ewan ko pero kinakabahan ako.Ng nasa tapat na ako ng locker ko ay agad kong itong binuksan. Pagbukas ko palang nito ay may lumabas na papel.
Agad ko namang pinulot ang papel at binuklat.
If I drink, I die. If i eat, I am fine. What am I?
Ah ? hindi ko alam kong sino ang nagsulat nito. Pero halatang hindi prank ito. Ang mas kinagulat ko ay namatay ang ilaw ng room na'to at kasabay nung ang pagtakbo ng isang tao. Mabilis ang pagtakbo na naririnig ko kaya mas minabuti ko munang tumigil sa kinatatayuan ko para hindi ako makagawa ng kahit na ano na ingay.
" Aaaaah !!!" naring kong sigaw ni april kaya mas lalo akong natakot.
" Best nasaan ka !! ." dagdag pa niya. Alam kong natatakot sya ngayon dahil sa namatay ang ilaw.
" Nandito ako sa harap ng locker ko!!!" sigaw ko. Maya-maya ay umilaw narin kaya nakahinga ako ng maluwag. Agad ko naman nakita si april na papunta sa direksyon ko. Agad nya akong niyakap , pero halata sa kanya na galit.
" Putek !! kung sino ang nagtrip sa atin , sana makarma." sabi nya.
" Wait lang best , may nakita akong papel sa locker ko. Take a look at this."
" If I drink, I die. If i eat, I am fine. What am I?" sabi ni april. Alam kong naguguluhan din sya, kahit ako rin ay naguguluhan. Pero kung babasahin mo ang riddle ay parang may ibang meaning. Kung iinumin mo ay mamatay pero pagkinain ay ok lang? huh ? parang ang gulo. Wait !! parang get's kona.
" A fire ." sabi ko. Nakakunot na tumingin sa akin si april.
" Bakit Fire ? ." tanong nya.
-----*-----*------*
Ipagpapatuloy .............................
A/n : Tig kalahati muna ang update , kasi kulang sa oras. Para na rin mabilis ang update kaya tig kalahati :D
YOU ARE READING
Class Number (UNEDITED)
HorrorPaano kung ang last name mo ang mismong dahilan ng pagkamatay mo ? . Makayanan mo kaya?. Sino ba ang killer ? Bkit nya ito ginagawa ? Naghihiganti para saan ?
CN #6 Part 1 of 2 Riddle
Start from the beginning
