At the beginning.

72 4 8
                                    

Nagmamadali akong pumunta sa school kase late na naman ako. Hay nako. Bakit ba ang tamad ng katawan ko sa umaga. Ginising ako ng nanay ko ng 5:30. Eh yung pasok namin 7 so nagextend ako ng 30 minutes kaya 6 na. Eh ang bagal ko pa naman kumain. Kaya ayun. Nandito ako. Nakikipag-agawan ng masasakyang jeep sa mga kasama kong mga late. May nakita pa nga akong taong may bakat ng toothpaste. Kadiri naman to.

At ngayon, nakadating na ko sa school. Dumiretso sa director's office kase kailangan kong mag sign in para sa community involvement kase pag nakasobra na ako ng tatlong late, kailangan ko nang maparusahan.

Habang hinihintay ko yung ibibigay sakin na card, may nakita akong kaklase ko. Di ko siya close. Pero bakit ganun? May sugat siya sa mukha. Siguro nakipag-away to.

"First time mo?" tanong ko.

"Dafuck?!" sinagot niya ko. Galit. Anong problema nito. Ay mali. Baka ibang first time naisip niya.

"Dito. Dito sa office. Unang beses mo palang?" tanong ko.

"No." sabay iwas sakin.

"Pangalan mo?" tuwang tuwa akong tanungin siya bakit ba. Hahaha.

"Yamada. Yamada Ryosuke." sagot niya. Wow. Ang ganda ng pangalan niya.

"Chinen Yuri. Kaklase mo ko. Nakikita kita dun sa dulo ng klase." kwento ko.

Nagkwento lang ako ng kung ano ano sa kanya. Mukha naman siyang nakikinig eh. Kahit na nagsusulat siya sa notebook niyang maliit. Ganto talaga ako guys. Sarreh. Ang daldal ko. Lalo na sa mga strangers. Baliktad diba? Kase mas mabilis makipagkwentuhan sa kanila kase di nila ako nahuhusgahan. Wow naman. Hahaha.

Pagkatapos nun. Bumalik na ko sa class at siya nagcutting. Wala naman akong karapatang pigilan siya so pinabayaan ko na.

Dito sa school, isa ako sa mga active or sabihin na nating famous. Malay ko ba sa mga taong to. Dapat nga diba nanggigigil sila sa mukha ko kase ang daldal ko. Tapos di naman ako ganun ka tangkad. 160 cm nga lang yung height ko eh. Ay oo nga pala. Nakalimutan kong magpakilala. Chinen Yuri nga pala. At your service. Ay dejk. Pero ito nga ako. Si Chinen Yuri. Maliit lang ako. So wag mag-expect. Di ako nagkakagirlfriend pero may nakukursunudahan akong babae sa ibang class. Di ko alam kung kilala niyo siya pero siya ay si Fujiko Kojima. Crush ko siya last year pa. Dancer siya. Ako naman vocalist sa banda namin na N.I.C.H. Mga first letter yun ng mga pangalan namin. Kasama ko sa banda si Nakajima Yuto, Inoo Kei at Hikaru Yaotome. Si Hikaru yung sa base, si Inoo sa piano at si Yuto sa drums. At ako naman, sa boses yass. Dati pa kaming nasa banda at mag fo-four years na. Lagi kaming nagpeperform sa mga battle of the bands. Kung minsan talo pero madalas panalo kase sarili naming composition yung ginagamit namin. Tapos iba ibang genre pa tinutugtog namin kahit sinasabing banda kami.

Pagkatapos nung pagkikita namin ni Yamada dun sa office, di ko na siya nakita. Di na siya pumapasok. Di ko medyo pansin yung sarili niya dito sa school. Kung ipapadescribe mo siya, parang walang may pake sa kanya dito kundi yung guidance.

Palapit na ng palapit yung battle of the bands at kailangan na namin magpractice. Gagamitin naming kanta yung Dash na sinulat ni yuto. (A/N: Search niyo Dash by Nakajima Yuto. Pramis maganda. Naging favorite ko yun omg.) At habang papunta sa may room namin, nakita ko si Fujiko. Nagliligpit siya ng mga papel sa sahig na parang nahulog.

At The Beginning | YamachiiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon