Chapter 1: Wet Dreams (SAMPLE CHAPTER)

156K 900 105
                                    

CHAPTER 2:

"JOY! Joy, saglit naman oh! Hintayin mo ako, ihahatid na kita pauwi!" Paghabol ni Andrew sa kanya. Ang makulit niyang manliligaw na simula pa noong unang taon nila sa kolehiyo ay nanliligaw na sa kanya. Parehas na Masscom ang kurso nila kaya naman hindi siya makawala rito. Magkaklase kasi sila kaya nakakadikit ito sa kanya.

"Ano ba, Andrew?! 'Di'ba sabi ko ayaw ko namang magpahatid? Bakit ba ang kulit-kulit mo?!" nababanas na sigaw na niya rito.

Para namang nagtampo ito dahil ngumusong bigla na parang bata.

"Tatlong taon na akong nanliligaw sa'yo pero 'di mo pa rin ako sinasagot. Palagi mo rin akong tinatakasan kapag ihahatid na kita. Ni hindi pa nga ako nakakarating sa bahay ninyo. Bakit, Joy? Ayaw mo ba talaga sa akin?" pagda-drama nito. Nairita tuloy siya.

"At ilang beses ko bang sabihin na ayaw ko nga? Ang kulit-kulit mo Andrew! Hindi ko kailangan ng boyfriend! At ipaayos mo nga iyang mga mata mo! Andami-daming magagandang babae pagkatapos sa akin ka nagkakagusto!" pagtataray niya. Hindi kasi siya makapaniwala na napakatiyaga nito kahit na halos supalpalin na niya ito pero pinagpipilitan pa rin nito ang sarili sa kanya. Gwapo ito at yummy. Hinahabol ng mga babae pero sa katulad niya lang itong nerd nagkagusto?

"Para mo namang sinabing panget ka, Joy. Para sa akin ikaw nga ang pinakagandang babae sa buong mundo eh. Papakasalan kita kahit ngayon na. Mahal na mahal kita, ang ligaya ko'y ikaw."

"Yak! Ako ang baduy sa ating dalawa pero mas baduy ka pang magsalita! Magpagawa ka na nga ng salamin! Anong maganda sa akin ha? Ni hindi na nga ako nagsusuklay at nanlilimahid palagi pagkatapos maganda pa rin? Bulag ka talaga! Tabi nga!" Tinabig pa niya ito at hindi na ito nakasunod.

Sumakay na siya ng sasakyan at inihatid na siya ng driver pauwi sa malaking bahay nila.

Hinubad niya ang salamin, ang wig na pang-bruha at nagpalit ng sexy na damit at doon ay lumabas na ang tunay niyang ganda na hindi nakita kahit kailanman ng mga kaklase niya sa school.

Nagtingin siya ng mga machong lalaking hubad sa internet pero hindi mawala sa isip niya si Andrew. Nag-aalala siya sa mga paglapit-lapit nito sa kanya. Sa tagal ng panahon ay hindi pa rin siya sinusukuan nito. Natatakot siya na mapalapit dito dahil baka malaman nito ang sikreto niya. Na siya si Ligaya sa internet.

Bukod doon ay hindi siya naniniwala na may gusto talaga ito sa kanya. Kahit nga ang sarili niya pinandidirihan niya kapag nasa anyong nerd siya eh, ito pa kaya?

Nagpapanggap siyang nerd dahil ayaw niyang mapalapit sa ibang tao. Mas gusto niya na mag-isa lang siya.

Mukhang pera siguro si Andrew kaya hanggang ngayon ay nagpapanggap na may gusto sa akin. Mayaman kasi ako habang siya naman ay scholar lang sa school. Hinding-hindi ako magpapaloko sa kanya, aniya sa isip.

Gumawa na lang ulit siya ng bagong kwento sa sarili niyang website na ang title ay 'Ang Kama Ni Ligaya...'

Weird pero habang nagtitipa siya ng kwento ay na-imagine niya ang sarili na si Andrew ang 'kaulayaw.'

Agad na nadala si Joy sa nasa imahinasyon niya...

MAHIMBING na raw ang tulog niya ng mga oras na iyon... Ngunit naalimpungatan siya nang maramdaman na may mainit na dila ang naglalaro sa kanyang pagkababae. Nanlaki ang mga mata niya nang makita sa pagitan ng mga hita niya si Andrew.

"Anong ginagawa mo rito? Paano kang nakapasok?" galit na sita niya.

"Please Joy? Pagbigyan mo na ako. Matagal ko nang gustong gawin 'to sa'yo," pagsusumamo ni Andrew. Maamong-maamo ang mukha nito na parang nagpapabili ng 'bibingka' sa nanay nito.

The Queen Of Erotica (Publised Under Dreame App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon