A Game Called 'PIMD'

18 0 0
                                        

Nica's PoV

Nakahilata pako sa aking kama at nag lalaro ng PIMD ko ng tawagin na ako ni mudra para kumain.

Ano ba yan!naglalaro pa ako,istorbo.Tss.

By the way, I am Nica Venice Triff.Filipino-american,14 years of age at nag-aaral sa pampublikong eskwelahan dito sa tagaytay. At adik sa larong PIMD.

"Nica abay bilis-bilisan mo sa pag aayos at baka dumating na si Joyce"sagot sakin ni mama.Wala na akong nagawa kaya tumigil na ako sa pag lalaro at binilisan ang pagkain ko.

"Ano bang lagi mong ginagawa at hindi mo mabitawan iyang cellphone mo??"tanong pa sakin ni mama.

Tapos na ako mag-ayos at inaantay ko nalang naman si Joyce. Kaya nag laro muna ako ng PIMD.

Napaka usisera ni mama,haistt.

"Maa..naglalaro lang ako"sagot ko pa kay mama ng hindi inaalis ang tingin sa cellphone ko.

"Siguraduhin mo lang na naglalaro ka lang dahil pag nalaman kong boyfriend yang inaatupag mo naku...."sabi ulit sakin ni mama. Napangiti naman ako

"Maa...ano ba naman yan,kung ano-ano iniisip niyo diyan lam niyo namang hanggang crush lang ako"sagot ko naman ng nakangiti.

Sana nga pinapansin ako ng crush ko. First crush ko pa yun. Tss.

"Sus! E saan ba napupunta ang crush? diba't sa like tapos mahal hanggang sa ayun boyfriend".aniya pa atsaka nagwalis.

Mas madami pang alam si mama tungkol sa mga ganun kesa sa akin.

"Mama hayaan niyo at mag ma-madre na lamang ako para sa ikatatahimik niyo"

Tinigil ko na ang paglalaro at tinignan na lamang si mama. Taas kilay naman akong tinignan ni mama at tinigil ang pagwawalis.

"Ayy naku anak,mag boyfriend kana at ipakilala sakin. Wag na wag ka lang mag madre at baka mas maging banal kapa sa akin"nanlalaki pang mata na sabi sakin ni mama. Napatawa naman ako sa reaksiyon niya.


"talaga ma pede nako mag boyfriend,sige ma..intayin niyo mamaya magdadala ako wala ng bawian ha?"

"NICAAAA"

"Joke lang ma..alis na nga ako anjan na si Joyce..bye bye muah.."sabi ko at hinalikan si mama sa pisnge bago umalis..

***at school***

"bye na joyce kita nalang ulit tayo bukas sabay ako mamaya kay na Veronica e"at nagpaalam nako kay joyce.Magkaiba kami ng section ni joyce kaya naghihiwalay kami dito sa hallway...

Hayyy makikita ko na naman si crush ko ansaya-saya.

Pagdating ko sa room wala pang masyadong students.Kaya gora lang PIMD ulet haha...

*1 notif. Recieved*

Aba bago to ahh...may notif. ulit ako haha....pag ka open ko..

__TheEnigmaticPrince__ started following you.Follow him/her back to chat privately and be Bestfriends.

In-open ko yung profile niya..hhmmm okay naman kaya finallow back ko.

Muntik na kaming nagkapareho ng UN haha..
__Ms.Enigmatic__ kase yung akin.

*someone message you*

Binasa ko yung message.

Hi

A Game Called 'PIMD'(one shot)Where stories live. Discover now