Iniwan namin ang mga bagahe sa sala at sumunod sa dining, nasabi ko na ba ipinagdala ako ni Megan ng mga gamit? Well, ipinagdala nya ko ng mga gamit na gamit nya hindi na raw kasi sya nakapunta sa bahay since biglaan itong naging plano.

Umupo kami sa tapat ng isang long table, nasa gitna ako ni Xed at Zeke, nasa gitna naman ni Justin at Xed si Meg then yung iba. Andaming pagkain halos di namin naubos, panay seafoods halos kaya ang sarap ng kain namin.

After ng dinner nagtipon-tipon muna kami sa sala "Merong limang guestroom dito, pumili nalang kayo ng gusto nyong kwarto don. Katukin nyo nalang ako sa kwarto ko pag may kaylangan kayo, first door sa right wing makaakyat ng hagdan. Mauna na ko. Ge!" paalam ni Xed pero di pa sya nakakatungtong sa hagdan ng magsalita si Kelvin

"Where's the fun in that? Come on pare, let's divide the five rooms. There should be a partner, 1 boy and 1 girl per room." suhestyon ni Kevin, makulit din talaga kasi silang dalwa ni James. Parang si Xed at Zeke lang din, si Justin kasi tahimik talaga pero masaya namang kasama, naalala ko lang NUNG nagkakamabutihan kami.

"Bahala kayo bata matutulog na ako." tutuloy na sana sya sa paglalakad pero inakbayan naman sya this time ni James

"Anung matutulog? Mamaya ka pa matutulog pag nakapag-assign na ng partners per room. Wala kang ligtas unggoy, kasama ka rito." hinigit nya si Xed pabalik ng sofa

Nagbulungan si james at Kelvin then nagtawanan ng malakas, napailing nalang si Justin sa kanila "Oy mga kalokohan nyo ha, wag lang kayo magkakamali" usal ni boyfriend

Tinignan sya ng dalwa at binigyan ng thumbs-up "Here it comes..." pinukpok ni Kelvin yung center table para makagawa ng parang drum roll na sound "Si ako at si Aliaza ang magkasama" then tumingin sya kay Aliaza at kinindatan ito, kinilig naman ang lola nyo

"Tapos si ako at si Kim naman." sabi naman ni James "Si Zeke at si Luna" dagdag pa nya, napasimangot naman ako

"That is bullsh*t!" galit na sabi ni Zeke

"Easy pare, wala namang masama sa room arrangement natin na yan kung wala din masamang gagawin. Diba?"

"Ewan ko sanyo!" tinaasan nya ng middle finger yung dalwa then nilapit nya yung bibig nya sa tainga ko dahila para magtaasan ang mga balahibo ko "Wag kang mag-alalal baby, wala akong gagawing masama. Promise. Dito na lang ako tutulog sa sofa, gamit ko lang ang doon." tinaas pa nya yung right arm nya, yung parang nanunumpa

Naaawa man akong dito sya matulog sa labas hindi ko parin sya pipigilan. Mas gusto ko na yun kaysa naman hindi ako matigil sa kaiisip. May tiwala ako sa mahal ko, dun sa babae wala. Sa ganda ba naman nya na yan, tignan mo nga ang lagkit na agad ng titig sa boyfriend KO. Tumago nalang ako sa kanya as a sign na agree ako.

"Then si Xed at Megan ang magkasama sa isang kwarto, and syempre yung natira si Justin at Sam." patuloy na sabi ni Kelvin

"Sh*t" rinig kong sabi ni Zeke

Hinawakan ko yung kamay nya na nakaakbay sakin "Gusto mo dito nalang din ako sa sala matulog?" bulong ko din sa kanya

Ginulo nya ang buhok ko "Ano ka ba hindi pede yon. At saka may tiwala naman ako sanyong dalwa ni Justin. May mahal kana at may nagugustuhan na sya kaya kahit papano panatag na ako dun. Basta ba magpromise ka rin sakin na lalayo ka sa kahit anong temptasyon edi walang problema."

Sinuntok ko sya ng marahan sa left shoulder nya "Ikaw talaga alam mo namang walang ganun don eh. Pero sige para sa ikakapanatag mo. I promise na lalayo ako sa kahit anong temptation doon sa kwarto. Happy?"

Pinisil nya yung magkabila kong pisngi "Very." the kissed me on my right cheek

Sandali pa'y nagsimula na kaming mag-akayatan sa mga kwarto namin na naka-assign. And when will you say awkward? You'll say that when you're in a situation like this, iisa yung kama at hindi pa king size. Yung tipong tama lang talaga para makahiga ang dalwang tao ng komportable. Mayaman sina Xed diba? Bakit naman hindi pa nila sa pagbili ng kama na ilalagay sa kwarto na to ipinagyabang ang kayamanan nila.

Casanova's CinderellaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt