3.0

98 9 6
                                    

"I ... " huminga pa ako malalim.

"You?" Pinilit niyang palakihin ang mga mata niya pero nagmukha lang siyang tanga.

"I need to go to the restroom. But I need another cup of americano. Pa-order naman."

Tumawa siya nang mahina, "You and your tactics to delay things. Sige ... go."

Tiningnan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. I smiled at myself. I had my usual everyday make-up. Simple but alluring enough. Inayos ko ang bagong kulay kong buhok. Rich auburn. Madaming nagsabi na bagay na bagay ko ang kulay na 'to. Sinong mag-aakala na may problema ako. No one from work noticed. I see them every day pero ni isa sa kanila walang nagsabi na mukha akong may problema. Anong nakita ni Karl? Paano n'ya nalaman?

Medyo mabagal ang paglakad ko pabalik sa table namin. Ready na ba akong mag-share ng mga iniisip ko? And of all people, tama bang kay Karl ko sabihin ang mga 'to?

Naamoy ko na ang kape sa mesa namin. Bagong refill din ang cup niya.

"May iba ka pa bang baon na delaying tactic?"

"What makes you think na matutulungan mo ako?"

"I don't know ... experience?"

"So inaamin mo na enough ang experience mo?"

"Hindi ako expert pero I think I have had enough. Pwede nang paghugutan ng advice."

"Alam mo bang sinumpa ko nahinding hindi na ako uli hihingi ng tulong sa'yo?"

Medyo kumunot ang noo niya. Takang-taka siya sa sinabi ko. "Kailan kita tinulungan noon?"

"Grade 6, noong nagpa-sign ako kay Brian."

Saktong umiinom siya sa kape niya. Medyo natalsikan pa ang kamay ko ng kapeng galing sa bunganga niya. "What?" he finally said.

"Yuck, kadiri yung laway mo!" sabi ko. Kumuha ako ng sandamakmak na tissue at madiing pinunasan ang kamay ko. Naglabas pa ako ng sanitizer.

"Sobra ka naman. Wala namang nakamamatay na virus ang laway ko. Hindi rin 'yan acid kaya hindi magkakabutas ang maganda at malambot mong kamay." May himing ng kunwaring tampo ang boses niya.

"Still ... I just have to be safe. Baka kung saan galing ..." Ooopps! I really have to control my mouth.

"Continue your sentence ..."

"No need. Really." Umiwas na ako ng tingin. I really have to be careful with my words.

"Don't worry I brush my teeth three times a day. And FYI, this mouth has not kissed anyone or anything and has not gone anywhere for many months now."

My eyes widened. "F-U, Karl. I don't need to hear any details. Please spare me!"

He just laughed heartily. "So, about Brian. Let's go back to your crush Brian. Hindi ba tinulungan naman kita with Brian. Sabi mo, let him sign. And he signed. See, I'm really good at helping you. And, why bring this up ... that was way back in 6th grade."

"Yah! You helped me. He signed. Pero inover-power mo naman ang signature niya. Parang maliit na langgam ang kanya at elepante ang sa'yo!"

"As far as I can remember, I just did what you asked me to do. Hindi ko na kasalanan na maliit pala ang sa kanya at ga-higante ang akin."

I burst into laughter. Holy shit. That really sounded differently! After a few seconds na-realize din ni Karl ang tinatawan ko at nakitawa na rin siya.

"So at least, you're lucky dahil hindi siya ang nakatuluyan mo."

"Gago!" Binato ko nga ng isang kumpol na tissue.

At a Crossroad Where stories live. Discover now