1.0

256 15 4
                                    

April 2015

Kung makikipagtitigan kaya ako sa buwan, sino kaya ang mananalo? Sinong niloko ko? Para namang posible yun? Sana sa buwan nalang ako nakatira. Siguro mas masaya roon. Siguro walang mga gago roon.

"Anong balak mong gawin sa buwan? Ang sama ng tingin mo sa kanya, ah!" Biglang nawala ang katahimikan sa veranda dahil sa sabaterong boses na yun. Ihagis ko kaya siya papuntang buwan?

"Gaano kalakas na force at anong speed kaya ang kailangan ko para maihagis kita papuntang moon?" Hinarap ko ang sabatero.

"Bakit ako ang tinatanong mo, di ba ikaw ang engineer na ngayon?" Ngumiti pa siya. Lalong sumingkit ang mga mata niya. Walang pinagbago. Pareho pa rin ang ngiti niya. Parang noong mga bata pa kami. Natawa nalang ako sabay kibit balikat. At tumingin uli sa buwan.

Tumabi siya sa akin. Humawak din siya sa grills ng terrace. Gaya-gaya talaga itong isang 'to. "So, kumusta na, Maria Belle?"

"Mabel nalang, Karlos Francisco."

"Uy, Karl Francis lang po ang pangalan ko. Huwag mo nang dagdagan."

Tumawa pa siya. Tiningnan ko siya. Buti pa siya. Parang wala siyang problema. Parang sobrang carefree lang sa buhay. "Ang saya mo rin, no!"

"Ganyan ba ang mga bitter? Ayaw maging masaya ang ibang tayo dahil malungkot sila?"

"What makes you think that I'm sad?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Una, hindi mo ipagpapalit ang tawanan sa loob at ang malupit na boses ni Jay habang kumakanta ng Love Me Like You Do para lang makipagtitigan sa buwan kung masaya ka." he said na para bang siguradong-sigurado.

"Wrong! Kung malungkot ako, hindi ba mas dapat na nasa loob ako at nakikipagtawanan sa kanila sabay inom ng alak para mas lalong ma-drown ang sadness ko?" maarte kong sagot.

"Iyan ang una mong ginawa. Iyan talaga ang balak mo. Kaya ka nga andito di'ba? Kahit na dati hindi mo naman talaga pinapansin ang mga biglaang invitations ng get together na ganito. Pumunta ka rito dahil akala mo ma-dra-drown yang sadness mo." Inartehan din n'ya ang huling sentence niya.

"So, are you saying na pumunta lang ako rito para sa panandaliang saya? Hindi ba pwedeng curious lang ako sa mga buhay buhay ng mga dati nating classmates? Hindi ba pwedeng na-miss ko lang kayo?" I stared at him.

"Curious, pwede. Na-miss, I doubt it." He stared back.

"Ikaw, bakit ka andito?"

"Bored!" he smiled.

"And lonely?" I added.

"Not really," huminto siya tila nag-iisip nang malalim, "just bored."

"I doubt it," I smiled.

"Gaya gaya!" he laughed.

"Do you think kaya rin andito ang iba dahil malungkot sila? At iyong mga hindi naka-attend ay 'yung mga masasaya?"

He just shrugged. "Kanya kanya tayong rason kung bakit andito tayo. Ganun din siguro ang mga hindi naka-attend. Si Melissa, kaya niya in-organize ito dahil nag-break na naman sila ng on/off boyfriend niya. Kapag nagkabalikan na naman sila, asahan mong walang mag-oorganize ng mga ganito dahil busy siya sa lalaking 'yon. Si Jay, gusto lang talagang sumikat sa pagkanta 'yan."

I laughed. "Alam mo, I never imagined this. I mean, noong mga bata tayo, many years ago, napaka idealistic ko. Akala ko kapag professionals na tayong lahat, sosyal na tayo. Hindi ko inakala na parang inuman noong college lang pala ang magiging mga reunion natin. Bakit ganito pa rin tayo? Kahit may mga nurse, engineer at kung anu-ano pang nakakabit sa pangalan natin ngayon, wala pa rin palang pinagbago, para pa rin tayong mga bata."

At a Crossroad Where stories live. Discover now