Chapter 11 "all about Yoona" (choz!! hndi pa pala lahat)

Start from the beginning
                                    

Agad kong sinara ang pinto, at teka! Anong sabi ko? Mwa mwa chup chup?! Pwe! San galing yun >.< baka kung ano pa ang isipin ni Harvey, haisssh! Hayaan na nga!

Bumalik na rin ako sa pagkakahiga sa kama ko, agad ko ring binuklat ang notebook

“bat walang nakasulat?”

Inisa isa ko na lahat ng pages, wala talaga pero bakit ganun, sa bawat page may bakat ng mga letters? Hindi naman halatang pinilas o pinunit?

“niloloko ba ko ng amazonang yun?, eh wala namang nakasulat eh! >.<”

Napasabunot nanaman ako sa buhok ko

Hanggang sa napansin ko yung ballpen na nakapasok sa string ng notebook, nakapagtataka lang bakit may pindutan na maliit sa may bandang gilid nung ballpen, pinindot ko naman dala ng curiosity saktong pagpindot ko, bigla nalang umilaw yung bandang dulo ng ballpen

“at bakit naman nailaw pa to? Pauso nga naman”

Pipindutin ko n asana ulit para mamatay na yung ilaw kaso napansin kong nakatutok pala yung ilaw sa first page nung notebook .. may mga nakasulat na, tinanggal ko ulit yung ilaw pero nawala din yung mga nakasulat sa notebook kaya naman tinutok ko ulit yung ilaw ng ballpen at yun nga

May mga nakasulat nga,, kaya naman pala -_-

Magic ballpen ata to, kung hndi pa iilawan hndi mo makikita yung mga nakasulat -_- anu ba yan. Bat ba ito ang piniling ballpen ng amzonang yun??

Kaya naman para mabasa ko na yung mga nakasulat itinapat ko nalang yung ilaw sa buong page, malakas naman ang ilaw nung ballpen kaya sakop ang buong page ng notebook pag itinapat

(A/N: basahin nyo muna to : lahat ng details tungkol kay Yoona ay hula hula ko lang, wag nyong seryosohin, ok?)

Eto ang nakasulat

“hoy antipatiko! Ano bang problema mo? Bat ka ba nagagalit saken, ano bang ginawa ko??? Hndi ko alam na may pagkabipolar ka -_-

At saka bakit andami pang kaartehan, kelangan ba talagang isulat lahat ng information tungkol saken, eh kung pede naman nating sabihin nalang sa isat isa, ang arte mo talaga -_- pero dahil pinakain mo ko sa Jollibee kanina ng napagkarami palalagpasin ko muna yang pag ka bipolar mo -__-

Sisimulan ko sa mga basic information about myself,, ahmmmm Yoona Alvarez ang whole name ko. At isa lang akong dukha -_-, 15 years of age, May 30 ang birthday ko ,nakatira sa bahay, nag aaral sa Mourtner Academy, Elena Alvarez pangalan ng momsy ko at ang popsy ko naman, wala akong alam sa kanya, dahil laging umiiwas si momsy pag si popsy na ang topic,wala din akong kilalang iba pang kamag-anak so it means kami lang ni moms yang magkasama sa buhay, may nag iisa lang akong beshfren at walang iba kundi si Jessica Villena,nagtatrabaho ako sa Cake Shop ni Ma’am Antonette, masay ko sa trabaho ko kaya paniguradong magtatagal pa ko sa Cake Shop”

Momsy, popsy?? Mommy at Daddy ba ibig sabihin nun dba?

“para naman sa mga other information tungkol pa den sakin, I hate math -__- andami pa kaseng nalalaman, kelangan lagging hanapin si “x” malay mo may asawa nap ala yung “x” nayun, pede naman kasing addition,subtraction,multiplication at division nalang dba? favourite color ko ay blue,pink,violet at black,mahilig din ako sa kpop lalo na yung Girls Generation lagi akong updated sa mga songs nila ultimate crush ko si Kim Bum ang cute at ang gwapo nya kase >.<, at anime lover din ako, mahilig akong kumain, hndi ako pihikan kaya kahit tuyong isda pa yan kakainin ko, graham ang favotite dessert ko, (dessert ba ang graham, dba dessert naman yun?) mas gusto ang tubig kesa sa mga softdrinks, cookies n cream ang favourite flavour ko ng ice cream, may pagka clumsy din ako pero palaban ako (kaya nga amazona ang tawg mo saken dba? -_-, bugbugin kita dyan eh), ahmmmmm love life?? Wala eh NBSB ako short for “No Boyfriend Since Birth” pero hndi naman ako abnormal, syempre nagkakacrush din ako noh, pero over na naman siguro pag sinabi ko pa  pangalan ng mga naging crush ko -_-, ayaw ko rin sa mga taong mahahangin at antipatiko (ilag ka ah, baka kase tamaan ka ^0^),mas komportable ako sa t-shirt at jeans w/ matching rubbershoes, hndi naman kase ako tulad ng ibang babae na masyadong conscious pagdating sa pananamit, hndi rin ako nag mamake up pakiramdam ko kase ang dumi dumi ng muka ko -_- ok na sakin ang polbo”

Sadista talaga ng amazonang yun -_-

Next page na….

“ahmmmm nasa sayo nalang kung babasahin mo pa to: Palmolive ang gamit kong shampoo, safeguard sa sabon. Colgate sa toothpaste, etc……..

(A/N: wala na akong maisip eh >.<)

ZZZZZZZZZZZZZZZZzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

Hndi ko inaasahang makakatulog na pala ko -_-

(A/N: pasensya na kung sabaw ang update ko ngayon ay mali !! lagi naman pala -_-)

Accidentally Inlove w/ Mr. Antipatiko (ON-HOLD bulok na!!!)Where stories live. Discover now