Kabanata 21

13.6K 290 45
                                    

Kabanata 21
Mahabaging langit

----------

"Hi girls. Hi Beverly!"

Sabay-sabay kami ni Daphne at Beverly na napaangat ng tingin sa dumaan at kumaway kay Bev, na si Tyron.

Isa itong varsity player ng basketball dito sa Clavery. Kilala siyang point guard at kahit papaano naman ay may angkin din siyang kagwapuhan. Mukha nga lang mayabang lalo kapag nasa loob sila ng gym at nagpapractice.

"Uy! Binati ka na naman ni Tyron! Alam mo, Bev. Kung ako sayo, sasagutin ko na 'yun." ani Daphne.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Teka lang, hindi niya pwedeng sagutin agad yung tao. Kailanganin niya muna kilalanin si Tyron." Pagtutol ko.

"MJ, matagal na silang magkakilala. Elementary palang, 'tsaka malapit lang din ang bahay nila sa isat-isa. Matagal na talagang nagpapapansin 'yang si Tyron dito kay Bev, sadyang manhid lang ang babaeng 'to."

"Oy, hindi naman sa manhid ako. Ayoko naman kasi ng puro papansin at paramdam lang. Naniniwala ako sa kasabihang, action speak louder than words, pero minsan kailangan din natin marinig yung gusto nila at yung nararamdaman nila para alam natin kung umaasa lang ba tayo o hindi. Panay siya paramdam, ni hindi naman niya sinabing gusto niya ba ako. Ayoko namang mag assume no!"

"Ang sabihin mo, hirap kang alamin kung sino ang pipiliin mo sa mga lalaking nanliligaw sayo. Dami mo kayang suitors."

Tama si Daphne. Maraming manliligaw si Beverly. Siya kasi yung tipo ng babaeng gustong-gusto ng mga lalaki, mahinhin, maganda at may class. Halata pang may dugo siyang banyaga dahil sa kanyang matang naghahalong asul at gray, 'tsaka apelyido palang niya imported na.

"Kamusta nga pala yung lalaking panay ang text sayo?" Tanong pa Daphne kay Bev.

"Ah, si Daren. Ayun panay parin ang text, panay ang pambobola kaya nga hindi ko gaanong sineseryoso pag ka-text ko siya. Halatang playboy."

"Ganyan naman ang mga lalaki. Mahilig magbitaw ng mga mabubulaklak na salita sa una, pero pag nakuha na nila ang gusto nila sayo, para silang nagka-amnesia at bigla-bigla hindi ka na nila kilala." Wika ko.

Tinawanan naman ako ni Daphne sa sinabi ko.

Pinagtaasan ko naman siya ng kilay. "Anong nakakatawa?"

"Base on experience ba yan?" aniya.

"Oo, base sa experience ng mga taong nakaligid sa'kin."

"Nope. I was asking about yourself, your experience."

"Wala pa akong experience dyan no!"




"You bitch! Akala mo uurungan kita!"

Naputol ang usapan namin ng mabilis kaming mapalingon sa likuran kung saan may dalawang nag-aaway na babae. Nagsasabunutan silang dalawa.

"Si Precious ba yon?" Tanong ni Beverly habang nakatingin siya sa mga ito.

"Si Precious?"

Tumayo ako at naglakad palapit para ikilanlan ang nag-aaway. Sumunod naman sa akin si Bev at Daphne. Nagsisimula narin palibutan ng mga chismoso't chismosa ang dalawang nag-aaway. Wala man lang umaawat sa kanila dahil walang mga nagsisikilos. Para lang silang nanonood ng shooting.

"Kakalbuhin talaga kita! Hmp!" Nangigigil na sinabunutan ng naka asul na blouse ang babaeng naka kulay puting one shoulder top.

Paglapit ko ay napagtanto ko na si Precious yung naka blue, at ng makita ko yung kaaway niya ay mas nagulat ako dahil iyon yung babaeng kasama ni Isaiah ng gabing umuwi siya na lasing na lasing.

I Will Cry For You (Ashralka Heirs #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon