Author's note!

25.3K 782 123
                                    

Hi there! This is Nowhere Gray!

Ahooo!! Magsisimula na naman ako ng panibagong kwento. At since mahilig ako sa Fantasy naisipan kong gumawa ng sarili kong mundo (straight at mainit-init pa galing sa aking imahinasyon!) kung saan pwede kong ilagay yung mga bagay na gusto kong makita. Although I'm not sure kung meron ngang magbabasa nito, okay na rin dahil sa tuwing nagsusulat at nagbabasa ako ng Fantasy with fantastic Fantasy world feeling ko nakakapunta rin ako sa lugar na yun.

So I will just enjoy everything and I mean Everything! Para sulit iisipin ko na rin na isa akong nilalang sa world na yon haha!

Anyway, this story is not entirely written in Tagalog. Gustuhin ko mang isulat siya sa purong tagalog may mga words na masiyadong mahaba kapag nai-translate na sa wika natin. But the lines and their language are in tagalog, makakabasa ka siguro ng English words pero bibihira lang. I love tagalog and I'm having fun playing with words! But don't worry dahil hindi naman makata ang salita dito. Kumbaga non formal tagalog siya or in other words modern Filipino.

May kasama ring words na gawagawa ko lang gaya na lang sa mga cursing, chants at iba pa pero konti lang naman.

The story is written in third person. Matagal akong nag-isip bago nag decide na gawin na lang siyang third person para hindi papalit palit ng Point of view. Aside from that Book by book ang pagsusulat ko ng story na 'to kaya mahaba ang bawat chapters. By chapters naman ang update nito. Pero kapag sinipag baka 10 chapters na ang update.

As for the characters in this story, medyo kakaiba lang ang names nila. Obsess kasi ako sa out of this world names! Haha! Siguro masasabi mong may pagka cliche ang flow ng sto

ry niya pero mahuhulaan mo ba ang mga twists dito? Kung kaya mo sige! Hinahamon kita de joke lang!

I will tell you dear reader na hayaan mo lang na gumana ang imahinasyon mo, malay mo magkita tayo (^O^) at bigyan kita ng omnipotent orb lol!

I accept criticism pero hwag naman sobra ha? Baka mamaya niyan ma disheartened ako at mapatay ang isa sa main character. Kung may pagkakapareho man 'to sa ibang story na nabasa mo na, malamang kinopya ko yung kanila HAHAHA siyempre hindi no. Hindi naman maiiwasan na may makapareho but I would appreciate it kung hindi niyo iko-compare ang story na 'to sa iba.

Medyo hindi kasi yun maganda sa pakiramdam.

And lastly don't forget to vote. Di bale ng walang comment, hindi naman palaging may masasabi ka sa isang chapter at nandyan naman si Wattpad para magbilang ng views. ^_^

Especial thanks kay Yoshiro_hoshi! Sa kanya kasi ako nagtanong kung pa'no magsulat ng Fantasy. Medyo hindi ko pa kasi gamay ang pasikot-sikot sa mundo ng fantasya. Kasama rin sa inspiration ko ang Tales of Galfia ni kennethjohnfernando. I swear! Lagi kong inaabangan yung mga fight scenes sa story na yun!

If ever may time kayo, try niyong basahin yung mga gawa nila. I'm sure matutuwa kayo.

Yun lang po.

Happy reading and enjoy!

Nowhere Gray.

Nowhere Gray

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Published February 2016

QUINRA [Volume 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon