Lunch Break

20 0 0
                                    

"Hahahahahha," tawang-tawa si Ann sa video na pinapanuod niya. "Annnnn, ano ba tumatalsik yung kanin mula sa bunganga mong balahura, wag ka nga tumawa pag puno yang bibig mo." Asar na wika ni Ely. "assdfghjklzxcvbnm, hahaahhahaah," ang sagot ni Ann sa kaibigan. "Anooo? Panget ka? Matagal na namin alam yan." Nang-aasar na sabi ni Molly kay Ann. Pilit nilunok ni Ann ang kinakain at nagsalita, "nakakatawa kasi 'tong video na pinapanuod ko, kaya ako natatawa." "Malamang, alangan namang maiiyak ka niyan." Patawang sagot ni Molly sa kanya. "Hay naku, panuorin mo kasi, baka isa ka sa mga pinagtatawanan ko dito," ang sagot ng kaibigan. "Bakit? ano ba yan?," nagtatakang tanong ni Elyu sabay lapit sa mesa ni Ann at nakinuod. "Eto yung mga pranks na ginagawa nila sa mga tao sa internet, particularly sa Omegle," bigay impormasyon ni Ann sa mga kaibigan. Nanlaking-mata na lumapit si Molly kay mesa ni Ann at sinilip ang monitor nito. Nakita niya ang mga nakakatawang gimik ng mga hinayupak na nag-upload ng video sa mga taong naghahanap ng kausap sa internet. Mayroong nagbihis babae at saglit na nakipag-usap sa isang lalaki at dagling hinila ang wig na suot at humagalpak ng tawa. Ang kawawang lalaki naman ay nabigla at biglang napamura at nawala sa linya.

"Hay nako, kawawa naman kaming naghahanap ng forever sa internet, lagi na lang napagtitripan," ang malungkot na sabi ni Molly. Kagaya ng mga taong yun, si Molly ay adik din sa internet. Lahat na yata ng dating site, meeting site, parasite, at kung ano-ano pang may site ay sinubukan na niya. Sign up nang sign up, at sa dami na ng sites na yun na iba-ibang pasword, ayon, nakalimutan na niya. Madami naman siyang nakikilala, yun nga lang, maginoo lang sa una pero medyo bastos din pala.

"Alam mo Molly, hindi naman kasi totoo yang mga nasa internet na yan, iba diyan scammer, iba naman naghahanap lang ng signal," wika ni Ely. "Huh? Signal? Pano sila nakakapag internet kung naghahanap palang sila ng signal?," ang takang-taka na tanong ng isip-bata na si Ann. "Hay nako Ann, ang slow mo talaga, naghahanap ng signal kasi diba sa Omegle may cam to cam diyan, eh diba minsan nagugulat ka nalang yung kausap mo hawak na yung matigas niyang antena," ang sagot ni Molly sabay tawa. "Antena?," nagtataka padin na tanong ni Ann. "Ann, yung antena na tinutukoy ni Molly eh yung *tot ng mga lalaki. yung ano, ung *tot," ang eksplenasyon ni Ely. "Tot? Anong Tot? Yung ngipin? Yung tooth?," isip-batang tanong ulit ng kaibigan. "Hahahahhaa, " sabay na tawa ng dalawa. "Tanong mo nalang si Christian kung ano yung tot, baka ipakita pa niya sayo nang maliwanagan ka," suhestiyon ni Molly kay Ann. "Nako Ma'am, wag niyo ko idamay diyan sa mga tot na yan, alam ko na yan," ang nangingiting wika ng janitor na si Christian na naglilinis nang panahong iyon. "Sige nga, ano yung tot ng mga lalaki Christian?," hamon ni Molly. "Eh di yung tunog ng telepono nyo Ma'am pag binababa na ng kausap mo sa kabilang linya, di ba *tot *tot *tot yun," ang sagot ni Christian. "Hahahahahahaha," humagalpak na sa tawa ang dalawa at si Ann naman at Christian ay nagtatakang nagtinginan na lamang.

Si Molly ay bumalik na sa kanya mesa at tinapos na ang pagkain. Natatawa pa rin siya sa sagot ng mga ka-opisina. Habang ngumunguya ay napapaisip siya, paano kaya kung siya ang napagtripan ng mga nang-paprank na yun. Iniisip palang niya ay kumukulo na ang dugo niya, nagkukuyom ang kamao at handang sumigaw ng, "DARNA".

"Ay Darna na may pitong paa!!!!!," ang nagulantang na wika ni Ely at napa-ubo dahil napasukan ng tubig ang ilong niya. "Ano bang Darna yan, Molly?," tanong ni Ana. "Ha? Ehhh. Wala naisip ko lang kasi yung prank na pinanuod mo," sagot ni Molly habang nakamot ng ulo. "Ayyy, si Ma'am, gustong siya na ang gumanap bilang Darna dahil hindi pwede si Angel Locsin," ang sabad naman ni Christian na noo'y paalis na. "Hoy Christian, lumayas ka na nga dito, bat ka ba naglilinis habang lunch break? Uso din kumain oy," ang pangtataboy na wika ni Molly at lumabas na si Christian na natatawa lang.

Tinapos na ni Molly ang pagkain at nagpatuloy na sa trabaho matapos iyon. Ngunit napapaisip parin siya, kailan kaya niya mahahanap si Mr. Right at kakantahan ito ng: "Ekaw na ba se Mester Rayt, ekaw na ba lab ob may layp?" hayyyy, hanggang pangarap nalang ba yun? Madami na din naman siyang naging kaibigan sa internet, may babae, may lalaki, may bakla, may tomboy, pero wala se mester rayt sa mga yun. Ipinilig nalang niya ang ulo at nagpatuloy sa trabaho.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Nov 25, 2015 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Inday Meets DodongDonde viven las historias. Descúbrelo ahora