Uwian

19 0 0
                                    

"Uwian na naman. Exercise time ko na naman to," patawang sabi ni Molly. "Hahahahaha. Mag-eexercise na naman si Molly," sabad ni Ann, ang kaibigan ni Molly na may natatanging hilig sa tawa, na kahit maliit na bagay na hindi naman nakakatawa ay kinahuhumalingan. "Ano ka ba Ann, palibhasa kasi di ka tinutubuan ng taba, ewan ko ba kung tao ka ba talaga o batang manniquen na binalutan ng balat," ika ni Molly. "Hahahahaha, palibhasa malaki yang tiyan mo," ang nakakamatay na tawang sabi ni Ann. "Tara na nga Ely, tara na at makipagbabulan sa mga jeep," ang wika ni Molly habang hinihila na palabas ng opisina anv kaibigang si Ely.

Ang pakikipaghabulan sa mga jeep ang exercise ni Molly, habol dito, habol doon, abang ng jeep na may bumababa at uunahan lang ng mga barakong lalaki sa pag upo. Kung kailangan makipagsiksikan kahit kalahati lang ng kabilang pisngi ng puwet ang makaupo, papatusin na, makauwi lang. Babaratin ang pamasahe, iisiping estudyante naman kaya pwede na ang 6 pesos sa dalawang kilometrong layo, galit pa pag hiningian ng drayber ng dagdag. Yan si Molly, matipid sa lahat ng bagay maliban sa pagkain at sa kanyang mga alaga.
"Elyyyyy, ditooo, may bababa, bilisan mo, sumingit ka, ako na bahala sa sarili ko," sigaw ni Molly sa kaibigan. "Ehhhh, ayaw ko jan, di tayo kasya," ang reklamo ng kaibigan. "Hay nako, bukas pa tayo makakauwi kung kelan papasok na ang iba kung puro ka ganyan." ang badtrip na wika niya. "Maglakad nalang tayo sa unahan baka meron dun," suhestiyon ni Ely. "Kanina pa tayo lakad ng lakad Ely, nakaabot na tayo sa road to forever, hindi na 6 pesos bayad dito, mambabarat na naman ako sa drayber neto," iritang wika niya. "Molly naman, alam mo naman na hindi ako katulad mong nakikipagsiksikan sa jeep," ang sagot ni Ely. "Wow ha, pero sa boyfriend mo sanay ka isiksik ang sarili mo," wika ni Molly at siya ay nabatukan ng kaibigan. "Yan ka na naman sa hugot mo eh, manahimik ka na nga, tara na sumakay na tayo at may bumaba na," naiinis na sagot ni Ely.

Ganyan talaga silang magkakaibigan, prangkahan kung prangkahan. At totoo naman na pinagsisiksikan ni Ely and sarili niya sa jowa nyang si Stephen. Matagal na magkarelasyon ang dalawa. Mahigit anim na taon na. Anim na taon ng away-bati, murahan at lambingan, inisan at ka-sweetan. Kahit ilang ulit na niloko ni Stephen si Ely, andiyan padin si Ely, madyo pabebe minsan pero papatawarin din ang "Baby" niya. At si Ann naman, siya ang pinakamatandang-bata sa grupo. Matanda dahil matanda na talaga siya kumpara sa dalawa. Bata, dahil si Molly at Ely ang laging nagtuturo sa kanya ng mga dapat niyang gawin.

"Wag ka magsalita, naka-mute ka," ang pabirong sabi ni Molly kay Ely nung makita ang kaibigan na may sinasabi, di niya ito marinig dahil sa ingay ng sasakyang inip na inip sa.mahabang pila ng sasakyan sa highway at maliban dun ay naka earphones siya at kasalukuyang nakikinig sa kantang "Face Down" ng The Red Jumpsuit Apparatus. Biglang hinila ni Ely ang earphones niya at sinabing "gisingin mo ako pag malapit na tayo." "Aba, ano ako? Yaya mo? Gumising ka mag-isa mo, pagkagising mo wala na ako," ang tawa tawang sabi ni Molly. Ngunit nagkunwari nang tulog si Ely at alam naman niyang hindi gagawin ng kaibigan yun.

"Ely, punasan mo laway mo, pag may nagtanong saken di ko sasabihing magkakilala tayo dahil dyan sa tulo-laway mo," ang nang iinis na wika ni Molly. "Umm. Ano ba Molly, naantok pa ko eh." ang papungas pungas na wika ng kaibigan. "Dito na tayo, gumising ka na at sa wakas after ng 123748488402821 years andito na tayo sa sakayan ng bus."

Matapos ang halos dalawang oras na byahe sa bus ay nakarating na ng bahay si Molly, kahit ihing-ihi na ay dumiretso muna si Molly sa alaga niyang mga kuneho. "Moo Moo, Mon Mon, andito na si Mommy." At ang mga kuneho ay nagmamadaling lumapit sa pinto ng pink na kulungan para batiin ang kanilang Mommy Molly. Sa ganoong paraan, masaya na si Molly. Makitang malulusog at masasaya ang mga alaga ay sapat na sa kanya.

Inday Meets DodongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon