CHAPTER 30

295 12 6
                                    

Game Day.

Jeron's POV

"Huy, Thomas! Baka naman gusto mong ayusin 'yung mukha mo diyan? Gusot na gusot oh!" kantyaw ni Gabby kay Thomas.

Hindi naman nagsalita 'yung isa at itinuon lang ang atensyon sa may bintana.

Andito ang buong team sa bus. Papunta kami ng Araneta Coleseum dahil ngayon ang first game day ng Lady Spikers kalaban ang syempre, Lady Eagles.

"Tumahimik ka na nga lang diyan Reyes. Kita mo na ngang wala sa mood 'yung tao." pagbabawal naman ni Kib.

"Eto na nga tatahimik na oh." Gabby.

"Kumusta na ba 'yang si Thomas? Move-on na ba?" bulong naman sa akin ng katabi kong si AVO.

Madalas kong seatmate sa bus ay si Thomas. Pero simula nung araw na ma-broken hearted siya kay Arra, at umamin sa kanya ng totoong feelings niya ang best friend niyang si Ara, palaging gusto nalang niyang mapag-isa. Katulad ngayon, mag-isa lang niya sa upuan. Wala kahit isa sa amin ang tumatabi sa kanya dahil alam din naman nila kung ano ang pinagdadaanan niya.

Sa totoo lang, ni hindi na nga namin nakakausap ng maayos 'yan eh. Palagi nalang tahimik at umuuwing lasing tuwing gabi. Hindi naman namin mapagbawalan. Masyadong matigas ang ulo eh.

"Sa itsura niyang 'yan, tingin mo naka-move-on na siya?" sarcastic kong sagot kay AVO.

"Tsk. Tsk. Binigay kasi ang lahat sa unang pag-ibig eh. Walang tinira sa sarili. Ayan tuloy."

"Ganun talaga. Mahal eh. Wala siyang laban dun. Isa pa, hindi lang naman dahil sa broken-hearted siya kung bakit 'yan ganyan. Pinoproblema din kasi niya 'yung isa pang Ara na best friend niya."

"Haay. There has been a lot of things happening these past few days. And those are really shocking. Really.." iiling iling na sabi niya. Ako naman hindi nalang nagsalita.

Shocking nga ang mga naging pangyayari lately. Hindi ko rin kasi aakalain na mangyayari ang mga 'yun eh. Lalo na 'yung panlolokong ginawa ni San Agustin kay Thomas. Akala ko pa naman matinong tao 'yun. Hanggang sa una lang pala eh.

Tapos 'yung ginawa ding pag-amin ni Ara.. Hindi ko rin aakalaing sasabihin na niya. Pero mabuti narin siguro 'yun kasi kahit papaano, nakagaan 'yun sa loob niya. Kung nakagaan nga talaga sa kanya.

Haaaay.

Kung si Ara naman ang tatanungin niyo ngayon, ayun.. Simula nung huli silang mag-usap ni Thomas, hindi na niya ito kinausap. Kaya isa pa 'yun sa nagpapabigat ng kalooban ng kaibigan ko ngayon.

He's actually asking for Mika's help at sa ibang bullies din para makapag-usap sila, ang kaso wala din namang magawa si Mika dahil nag-reresist talaga si Ara.

Araneta.

"Uy, okay ka lang?" tinapik ko si Thomas sa may braso niya kasi parang natulala na siya pagpasok namin ng araneta eh.

Nung tignan ko kung ano ba 'yung nakita niya, ayun.. Si Ara na masayang nakikipag-usap kay Myco.

"Thomas.."

"Ipinagpalit na niya ko paps.. Hindi na talaga ako ang best friend niya.. Hindi na ako.." malungkot nitong sabi sabay yuko. Maluha-luha narin ang mga mata niya.

Naaawa na ko sa kanya.

"Ano ka ba, 'wag mo ngang sabihin 'yan. Ikaw parin ang best friend niya, at sure ako diyan. Hayaan mo nalang muna siya sa ngayon.. Pero sigurado naman na in the end magkakaayos pa kayo eh." pagpapalubag loob ko sa kanya.

"Paano kung hindi na maayos? Paano kung ayaw na talaga niya? Hindi ko kayang pati siya mawala sa akin paps.. Hindi ko kaya.."

Ngayon ko lang nakita si Thomas na nagkaganito. When it comes to his feelings kahit na nasasaktan na siya, he never showed any weakness. Ayaw niyang may nakakakita sa kanyang umiiyak o naaapektuhan. Pero sa ipinapakita niya ngayong emosyon dahil sa nasasaktan siya sa naging sitwasyon nila ni Ara, ipinakita niya kung gaano din siya ka-fragile.

TEARDROPS ON MY GUITARजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें