CHAPTER 21

403 14 6
                                    

2 weeks after..

Dalawang linggo na rin ang nakakalipas. Ang daming nangyari. Ang daming pagbabago. Ang daming bagay ang hindi ko inaakalang mangyayari.

"Hello Arsy!" he waved at me and smiled widely. I was shocked kasi pagkabukas ko ng pintuan namin siya kaagad ang bumungad sa akin.

"Oh? Anong ginagawa mo dito?" I asked.

"Hmm.. Sabihin nalang nating in-invite ako ng mama mong maglunch dito?" si Mama? In-invite siyang mag-lunch? Ano naman ang meron? Nako naman. Si Papa kasi eh kung ano-ano ang sinasabi. Tuloy itong si Mama, mukhang pinaghahandaan na ata yung sinabi ni Papa eh matagal pa naman yun. Tyaka.. Hindi naman sila sure kung papayag ako noh.

"Ha? Bakit naman? Wala namang okasyon para iinvite ka niya diba?" biglang kumunot ang noo niya.

"Eto naman! Kailangan bang may okasyon para maimbitahan akong mag-lunch dito? Para namang ayaw mo kong makikain! Sige na nga aalis na lang ako." he pouted and then he was about to step back and walk away when I pulled his hand. Busit 'to. Ang lakas na ng loob mag-inarte.

"Oy teka nga! Ang sensi naman. Nagtatanong lang eh. Pasok na." I said as I widely opened the door to let him enter our condo. Baka itakwil ako ni Mama kapag hindi siya pinapasok.

Actually, hindi ko alam na may condo unit pala kami. Pinag-ipunan daw yun ni Papa para daw kapag gusto akong dalawin nila Mama dito ng matagal-tagal, may pag-s-stay-an sila dito sa siyudad. Hindi pa kasi fully furnished at naaayos kaya hindi pa nila naiisipang  tirhan pero napaayos na ulit ni Papa kaya eto ngayon si Mama, halos tatlong araw nang buhay Maynila ang dyosa. Si Kuya umuwi na kahapon pa kasi kailangan niya pang tulungan si Papa sa restaurant.

At dahil tatlong araw na si Mama dito, tatlong araw naring dito ako sa condo naka-stay. Nagpaalam naman ako kay Coach at madali ko naman siyang napapayag.

"Ganda ng place niyo dito ah! Ba't di ka nalang dito tumira?" he suddenly asked.

"Ay no way. Ayokong tumira dito mag-isa noh. Pupunta lang ako dito kapag andito sila Mama. Isa pa, ma-mimiss ako ng team mates ko kapag humiwalay ako sa kanila. At ganun din naman ako. Upo ka muna. Gusto mo ng juice? Kukuha kita."

"No. Don't bother. Si Tita Betchay?"

I wrinkled my forehead. "Umamin ka nga. May relasyon ba kayo ni Mama? Sa 'twing mag-uusap kasi tayo si Mama nalang palagi hinahanap mo. Sumbong ko kayo kay Papa eh! Pinagtataksilan niyo siya!" I whined. Sa pagkakaalam ko kasi malinaw naman sa aming lahat yung sinabi ni Papa. Hindi naman sinabi ni Papa na si Mama nalang muna ang ligawan niya habang hindi pa ako pwede.

"Hahaha! Baliw ka talaga Arsy. Bakit, selos ka?! Hindi pa kasi kita pwedeng ligawan ulit eh. Gusto mo na ba? Ipagpaalam nalang natin kay Tito."

"Utut mu! Ba't naman ako magseselos noh?! At tiyaka.. How sure are you na papayagan kitang manligaw ulit? Diba sabi mo nga.. Kaibigan lang? Oh, eh asan na yun?! Ha?!" ang lakas na ng loob gumanyan eh.

"Arsy.. Nagbabago ang isip ng tao. Lalo na ngayon na.. Botong boto sa akin ang family mo lalo na ang papa mo." pagyayabang niya sabay smirk.

"At ikinayabang mo naman yun? Laki agad ng ulo ah! Pero teka nga.. Ano bang gayuma ang ginamit mo kina Mama at Papa at napaamo mo sila ng ganun ganun nalang?! Lalo na kay Papa! Hindi naman yun kaagad naniniwala lalo na kapag di niya pa naman ganun kakilala."

"Aba ako pa ba?! Alam mo namang malakas ang charm ko noh!" wow ah. Napaka-confident. Great.

Magsasalita palang ako pero nag-interrupt na si Mama bigla.

"Oh Myco! Andito ka na pala?!" ay hindi Ma. Painting lang 'yan!

"Hi, Tita! Opo. Kadarating ko lang din naman." he said habang bumebeso kay Mama.

TEARDROPS ON MY GUITARWhere stories live. Discover now