Chapter Twenty-five

1.2K 59 11
                                    

"Stupid Elmo. How could you be this shit?!" Pagalit ni Elmo sa sarili saka nahampas ang mesa.

Tumayo siya at inayos ang sarili. He needs to talk to Steph. Kailangan niyang ipa-DNA test si Marcus. Ayaw man niyang gawin ito pero mas iniisip niya si Julie at ang mga anak nila. Kailangan niyang makasigurado kung totoo ba na ang dahilan kung bakit nasasaktan ang asawa niya ngayon ay kaniya.

"Bakit ngayon mo lang naisip 'to?" He asked himself.

Habang naglalakad papunta sa opisina ni Steph ay nag-iisip na siya kung paano sasabihin kay Steph ang gusto niyang mangyari. Alam niyang masasaktan ito, pero hindi naman masama kung maninigurado siya diba? Ayaw niyang pumasan ng problema na hindi naman sa kaniya.

Saglit siyang nanatiling nakatayo sa harap ng opisina ng dating kasintahan saka napagpasyahan na kumatok. Ngunit hindi pa man niya iyon nagagawa ay narinig niya na ang boses ni Marcus na humihikbi.

"M-mommy, is he mad at me? Did I do something that made him mad? P-pwede po ba samahan mo po ako kay Daddy? I just want to say sorry."

"Baby, daddy's not mad. Busy lang talaga siya kaya hindi ka niya maaasikaso. Nagkaroon lang din ng problem sa ginagawa niya sa office kaya ka niya nasigawan. Forget about it, okay? Pupunta ulit tayo sa kaniya mamaya." Rinig niyang paliwanag ni Steph.

"M-mommy.." He heard him sobbed. "I have a question.."

"What is it?"

Hindi na muna pumasok si Elmo sa loob ng opisina. Ginusto niya pang makinig sa usapan ng mag-ina.

"Do you still remember the first time I asked you about my dad? You said my dad's name is Mark po diba? And then I saw a picture of you and Daddy Elmo.." Unti-unting kumakabog ang dibdib ni Elmo sa naririnig niya. "Sinabi mo din po siya ang real dad ko. When daddy and I met at the principal's office, you were mad at me because I called him daddy in front of Tita Julie and Am. Sinabi mo po na hindi siya ang real dad ko po. Then all of a sudden, pinakilala mo po siya ulit sa akin as my real daddy. I can't understand, Mommy. Why do you have to do that?"

Nakuyom ang palad ni Elmo dahil sa mga sinabi ni Marcus kay Steph. Hinintay niya ang sasabihin ni Stephanie pero hindi naman ito nakasagot agad sa anak. Tingin niya ay gusto lang talaga ni Stephanie na ipaako sa kaniya si Marcus. Ngayon tuloy ay nagdadalawang isip siya kung dapat ba ay sabihin niya pa sa dating kasintahan niya na ipa-DNA test si Marcus dahil baka hindi naman ito pumayag.

Saka niya naisip ang hinihinging pabor ni Steph sa kaniya. 'Yung ipinakikiusap nito na magstay muna sa kaniya si Marcus for this weekend. Maybe he can use that opportunity para ipa-DNA test ang bata. Ngayon pa lamang ay sigurado na siya na hindi niya anak si Marcus pero gusto niya pa rin makasigurado para tigilan na siya ni Steph.

Bigla niya nalang binuksan ang pinto at hindi na siya nagulat nang makitang agad na napatayo si Stephanie sa couch kung saan ito nakaupo kasama ang anak. Kita niya ang pamumutla ng dalaga.

"Moe! K-kanina ka pa?" Nauutal na tanong ni Steph sa kaniya.

Iling lamang ang isinagot niya at umasta na parang walang narinig kanina. "Marcus, where do you wanna go on weekend?" Nakangiting tanong niya sa bata saka ito nilapitan.

"H-hindi ka po galit?" Malungkot na tanong ni Marcus.

"Of course not. Marami lang talaga akong ginagawa. Sorry kung nasigawan kita ha."

"It's okay, Dad." Ngiti ni Marcus saka yumakap kay Elmo.

"Steph, can I stay at your place on weekend? Ako nalang ang magbabantay kay Marcus habang wala ka." He offered.

There You'll BeWhere stories live. Discover now