Chapter Thirteen

2K 50 6
                                    

"Mommy, are you okay?" Tanong ni Am kay Julie na nakatayo sa gilid ng dining table.

Kasalukuyang nasa kitchen ang mag-ina. Naghahanda kasi si Julie ng merienda para sa mag-aama niya samantalang si Am ay nakaupo lang sa ibabaw ng mesa at pinapanood ang mommy niya sa paggawa ng sandwich. Si Ej ay nasa garden at naglalaro. Si Jayanne naman ay nasa kwarto pa rin ng mag-asawa kasama si Elmo na natutulog din.

"I'm okay, Sweetie. Why?"

"Are you sure?"

"Baby.. yes, I am." She smiled at him "Bakit ba?"

Bumaba si Am sa dining table at tumungtong sa upuan na nasa tabi ni Julie. He cupped his mom's cheeks. Naningkit ang mga mata niya na para bang sinusuring maigi ang mukha ng ina.

"Haha. Honey, what are you doing?" Natatawang tanong ni Julie sa anak. Binitawan niya muna ang hawak na bread knife at isang jar ng chicken spread saka pinagtuunan ng pansin si Am. Hinawakan niya ito sa beywang upang alalayan.

"Why do you keep on sniffling, Mommy? Your eyes are red. Have you been crying?" Tuluy-tuloy na tanong ng bata.

Napakagat naman ng labi si Julie. Wala talaga siyang maitatago sa batang ito. Although hindi niya naman talaga maitatago ang pamumugto ng mga mata niya. Tinagalan niya na nga ang pagstay sa loob ng kwarto matapos siyang umiyak eh. Kaso nahalata pa siya ng panganay niya.

Alam naman nating lahat ang dahilan kung bakit siya umiyak eh. Kailangan pa ba ng flashback? Syempre oo ang sagot niyo. So ito na nga...

Flashback

"Honey, say something please." Nagsusumamong sambit ni Elmo kay Julie. Ilang sandali na ang nakalipas nang sabihin niya kay Julie ang tungkol kay Stephanie ngunit hindi pa rin ito naimik.

Pareho silang nakasandal sa headboard. Nakahilig ang ulo ni Elmo sa balikat ni Julie at hawak ang mga kamay nito.

"Honey.." tawag muli ni Elmo sa asawa.

"It's okay, Elmo." Mahinang sabi ni Julie.

"It's okay? That's it?"

"Yeah. Wala naman akong magagawa." Tumayo siya at naglakad papuntang closet. "I'll just take a shower."

Inis na bumangon si Elmo saka sinundan ang asawa. "Julie, please let's talk about this." Sambit niya sa misis na nasa harap ng closet at kumukuha ng mga damit.

"I said it's okay, Elmo. Okay lang. Huwag na nating pag-usapan. Okay?" Pahayag ni Julie. Hindi niya nilingon ang lalaki dahil baka maiyak na siya.

Hinagod ni Elmo ang buhok bago tuluyang lumapit kay Julie. Hinawakan niya ito sa siko upang iharap sa kaniya. "Honey.." tawag niya. "W-wait, Julie.." Gulat siya nang makitang luha sa mga mata nito. "H-honey, w-why are you crying?" He caressed her cheeks.

Iling lang ang isinagot ni Julie saka ito nag-iwas ng tingin.

"Hon, there's no reason for you to cry. Wala rin rason para magselos ka. She's married now, Julie. May anak na si Stephanie." Pang-aalo ni Elmo.

Agad na napatingin si Julie sa lalaki. "How did you know?" Kunot-noong tanong niya.

Huminga ng malalim si Elmo bago sagutin ang tanong ng asawa. "K-kanina-"

"What? Did you hang out with her?" Bintang agad ng babae.

"Julie, ano ba yang sinasabi mo?" Inis niyang tanong. "I went there- sa office for a meeting. After that, nag-usap lang kami ni Ninong then dumiretso ako sa mall. Kaya ko nalaman na may anak na siya kasi sinabi niya yon bago umalis. She has to attend her son's school activity. And for the last time, sasabihin ko sa'yo 'to- wala kang dapat na ikaselos dahil trabaho lang ang dahilan kung bakit kami magkikita ni Stephanie. I love you and our kids and I promise-" He looked directly in her eyes. "-hindi ako gagawa ng mga bagay na makakasakit sa'yo at sa mga anak natin. Okay? Alam ko na iyan ang iniisip mo."

There You'll BeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt