PAASA

537 15 3
                                    

Nasaktan ako ng sobra. Pero hindi mo alam.

Ayokong ipaalam sayo na nasaktan ako dahil wala ka namang pake.

Ayokong ipaalam sayo na umasa ako dahil baka pagtawanan mo lang ako, baka kaawaan mo lang ako.

May mga feelings talaga na dapat kinikimkim nalang.

Pero hindi naman ako aasa kung hindi mo sinabing "Gusto" mo ako diba?

Bakit ganon? Ang dali lang sayong paasahin ako?

Natuwa ka ba? Masaya ka na ba?

Akala ko ikaw na. Landian lang pala ang lahat.

Sorry ha? Sineryoso ko, player palang ako, Coach ka na pala.

Kung pwede ko lang ibalik ang oras edi sana una palang lumayo na ako sayo.

Gustong gusto kitang sumbatan pero hindi ko magawa.

Wala akong lakas ng loob para sabihin ko sayo lahat ng hinaing ko, lahat ng sakit na pinaramdam mo sakin.

Lahat, lahat.

Pero wala eh.

May bago ka na pala? May girlfriend ka na.

Bakit? Ano lang ba ako? Option mo lang nun?

For your information hindi ako tiniis ng nanay ko ng 9months para maging option mo lang!

Napakagaling mo noh? Congratulations! Nagwagi ka sa pagwasak sa puso ko.

Kasalanan ko rin naman eh. Kasalanan kong hinayaan ko ang sarili ko na mahulog sa isang tulad mo.

Hinayaan ko ang sarili kong umasa sa mga sinasabi mo.

Bakit kasi ako masyadong nagke-care sayo?

"Ang hirap masanay sa isang taong pinaramdam sayo na espesyal ka, kaya nung nawala sila hindi mo na alam kung paano uli magsisimula"

Yung gabi gabi nalang akong umiiyak kakaisip kung saan ba ako nagkamali?

Bakit hindi ka nakuntento sa pagmamahal na ipinaramdam ko sayo?

Araw araw kitang naiisip. Araw araw kitang namimiss.

Di man lang natin natupad yung mga promises nating dalawa.

Maybe we were just caught up at the moment that's why we told promises that we both know that's going to be broken.

Akala ko kasi iba ka sa kanila eh. Akala ko ikaw na yung lalaking magpapatunay sakin na may Forever nga.

Nakakatawa diba? Ang dami kong imahinasyon na pinanghawakan ha-ha-ha.

Ang hirap maging masaya, lalo na kung yung dating nagpapasaya sayo ay hawak na ng iba.

Alam kong masaya ka na. Pero heto ako, malungkot.

Namimiss kita.

Namimiss ko na yung Dating tayo.

I admit, i really miss how things used to be but i've already accepted the fact that things have changed.

Isa itong magandang lesson sa buhay ko.

Ang wag basta bastang magtiwala sa isang tao.

Na dapat mas pinaniniwalaan mo muna ang sarli mo bago sila.

Na wag kang masyadong maging concern sa isang tao kahit hindi naman dapat.

Na wag gawing priority ang mga taong ginagawa lang tayong option.

At higit sa lahat ay wag basta bastang umasa at masanay sa mga bagay dahil hindi mo alam kung hanggang kailan lang ito.

Wag kang magalala, pagod na ako. Wala nang mangungulit sayo.Wala nang magmamahal sayo dahil sinayang mo lang ang pagmamahal na ibinigay ko sayo. 


PAASA (Unsaid Feelings)Where stories live. Discover now