Habang nilalaklak ang de kanto ay bumalik na naman ang pag-iisip ko sa mga nangyari.

"Bakit ba kasi iiyak-iyak ka? Ano ka, shunga?" bulyaw ko sa sarili bago isubo ang malaking chicharon. Naramdaman ko na naman ang pagdalos ng mga luha sa pisngi ko. Jongina. Bakit para akong tanga?

Sa sobrang pagka-desperada ay nilaklak ko nang diretsahan ang de kanto, bottom's up. Masakit sa lalamunan pero kinaya ko. Nang maubos ko ay napangiti ako nang mapait. Hindi pa rin kasi natitigil ang pagtulo ng luha ko. Kaya naman tumayo ulit ako para bumili.

"Isa pa nga pong de k--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil may isang kamay na pumigil sa 'kin sa pag-abot ng pera sa tindera. Nang tingnan ko ang kung sino mang kampon ni Satanas na pumipigil sa 'kin para maghappy-happy ay natigilan ako.

"B-Biboy?" Para akong tinakasan ng dugo sa katawan. Bakit ngayon pa? Bakit kung kelan para akong sinalanta ng bagyo.

"Heartbroken ka ba, ate? Sino ba nagpapaiyak sa 'yo? Ba't ka nagkakaganyan? Sabihin mo sa 'kin at ako mismo ang papatay sa demonyong 'yan," galit na galit na turan ni Biboy. Kung cartoon character lang 'to, malamang ay may lumalabas ng usok sa dalawang tainga niya.

Tinawanan ko na lang sabay pasimpleng pahid sa mga luha ko ago tuluyang tingnan siya sa mata. "Grabe pawis, init kasi," palusot ko pa sabay halakhak pa nang pagkalakas-lakas. Pisti. Tanginumin. Bakit ang epic failed ko na?

"Naku naman, ate. Sabihin mo na kasi, e." Hinawakan niya ang kamay ko at yinugyog naman ang kaliwang balikat ko na para bang kaya no'ng sagutin ang tanong na kahit ako ay 'di ko masagot.

Tinawanan ko na lang siya at inalis ang pagkakahawak niya sa 'kin. Nagsimula na 'kong maglakad pero mukhang tinamaan ata ako ng de kanto dahil nakaramdam ako ng pagkahilo habang pasuray-suray na naglakad sa kalsada.

"Ate, ingat naman!" Narinig ko ang sigaw ni Biboy. Biglang tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Jongina, kailan ba 'to titigil. Humor ang kwento ko, bakit ba nagdra-drama na ako? Sa sobrang inis ay dire-diretso na akong dumaan sa kalsada. Pero hindi ko inaasahan ang isang humaharurot na jeep. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, hindi na ako nakatakbo. Para akong timang na nasemento sa kinatatayuan ko. 'Yong tama ng de kanto, biglang naglaho. Napalitan ng sobrang kaba. Wala akong ibang nagawa, kundi ang ipikit ang mga mata ko. Huli na ang lahat. Wala na kong nararamdaman, nagsimula nang magmanhid ang buo kong katawan sa sobrang takot. Halos mabingi na rin ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko.

Pero sa pagmulat ng mata ko, nakita ko na lang ang sarili kong nakakulong sa bisig niya. Buhay pa ako? Nasagip ako ni Biboy. Do'n lang ako nakahinga nang malalim. Pero jongina. Jongina talaga.

"Ate, ate. Okay ka lang ba? Ate! 'Wag ka namang magbibiro ng ganyan," tarantang sigaw ni Biboy habang yinuyugyog ako.

"Hi...hindi ma...makahi...nga," patigil-tigil na sambit ko habang sinusubukang habulin ang paghinga.

Walang ano-ano ay naramdaman ko na lang ang pagbuhat sa 'kin ni Biboy. Hindi ko alam kung saan siya pupunta.

"Ate, 'wag ka munang matulog. Ate naman, e."

Napailing ako kahit nahihirapan. Unti-unti na rin kasing bumibigat ang talukap ng mga mata ko. Hanggang sa 'di ko nalabanan pa at tuluyan nang magdilim ang paningin ko.

PAGGISING ko, bumungad sa 'kin ang natutulog na mukha ni Biboy. Nakitabi pala ang mokong sa kama ko. Itutulak ko sana pero nakita ko ang nakakabit na dextrose sa 'kin. Do'n ko napagtanto kung saan niya ako dinala. Ospital.

Gusto ko sana siyang gisingin kaso mas gusto ko na lang tingnan ang mukha niya. Mahaba ang pilik-mata, matangos ilong, mamula-mula ang labi, gulo-gulo ang buhok. Ang amo kasi tingnan pero halatang chick boy. 'Yong gano'ng itsurahin. Pumuti na rin siya ngayon, mukha na nga siyang anak ng Kano. Sa halos isang taon kong pagkakakilala sa kanya, hindi ko maipagkakaila na naging close ko na rin ang loko. Walang ala-alangan. Doon nga siya sa bahay namin nagbakasyon, e. Kilala na rin siya ni Mama at wala siyang angal sa tuwing madadatnan niya kami sa bahay kasama si Biboy. At ang nakakaloko pa, Mama rin ang tawag niya kay Mama.

"Matutunaw ako niyan, ate."

Halos masamid ako matapos marinig ang sinambit ng loko. Tumingin na lang ako sa ceiling ng ospital. "Pinagsasasabi mo?" patay-malisyang sagot ko sa kanya.

"Sa tinagal-tagal nating magkakilala, ate. Hindi mo pa nasabi sa 'kin na may asthma ka," malungkot na anas ni Blake. Wala na ang ngiti sa labi niya kanina.

Nginitian ko lang siya. "Ba't ko sasabihin?"

Bumuntong-hininga siya at muling tumingin sa 'kin sabay pisil sa kamay ko. "Wala man akong ginagawang matino kapag kasama ka, may pakialam ako sa 'yo. Mahalaga ka sa 'kin, ate. Para na kitang tunay na ate."

Hindi ko maintindihan pero parang mas masakit pa 'yon kaysa ang pagkabagsak namin kanina sa tabi ng kalsada. Sinubukan kong pigilan ang pagtulo ng luha. Hindi maaari. Ngumiti ako nang pagkalawak-lawak sabay beltok sa ulo niya, dahilan para tumigil siya sa pagtitig sa mukha ko.

"Drama mo, tol. Ang lakas ko, 'no! 'Di naman ako mamamatay."

Tumawa pa ako nang pagkalakas-lakas para ikubli ang nagbabadyang pagtulo ng luha. Ge pa, oo, jongina. Kaya ko 'to. Hindi ako iiyak. Hindi talaga.

--

Author's Note: Ate-zoned na po siya sa wakas! Hahahahaha. Emeged. Hindi kasi ito 'yong plano. Pero sigi na nga. 'Di ko alam kung bakit ako nadala ng kwento rito. Anyhow, gusto kong pasalamatan ang nagbigay ng suggestion sa comment box. Sa 'yo ko ide-dedicate ang chapter na ito since naging connected sa suggestion mo ang takbo ng chapter.

Maraming salamat sa sumusuporta. At dahil sunod-sunod ako mag-update, ako naman ulit magde-demand. Please, labas na po mga silent readers. Hahaha

20 comments from different readers before the next update.

Ciao! :*



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 21, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AteWhere stories live. Discover now