4th part

174 2 0
                                    

      Kinabukasan, maaga akong nagising upang maghanda. May pupuntahan daw kami ni Mama. Habang naglalakad ako pababang hagdan, nadatnan kong pinapagalitan ni mama ang driver namin.

"10:00?! Ang tagal naman. Anong oras palang oh? Dalawang oras mo pa kami paghihintayin."

Rinig na rinig ang pagrereklamo ni mama hanggang sa second floor ng bahay mula sa living room. Habang ito namang si Manong sinasalubong ng pagpapaliwanag ang ang salitang binibitawan ni mama.

"Ma! Tama na 'yan. Hindi naman kasalanan ni manong na masiraan ang sasakyan eh."

Napatigil silang dalawa at sabay na napatitig sa akin ng ilang sandali.

"Ma'am! Ok na po." Sigaw mula sa labas ng isang trabahador.

"Thank God! Buti naman." Bulyaw ni mama

     Naglakad na kaming tatlo patungo sa garahe. Habang papalapit kami sa sasakyan, humingi ako ng paumanhin kay Manong sa nangyari nang pabulong.

      Matanda na sya. Mga around 50-60 ang kanyang gulang. Hindi ko alam pero ngayon ko lang sya nakita. Bago atang hire.

       Umalis na kami. I sat at the back seat while mama beside  manong.

      We stopped at a convenient store. May bibilhin daw si mama at si manong naman nagpakalayo muna, magyoyosi daw. I stayed inside the car with no one. At dahil tanghaling tapat at sobrang init, itinutok ko ang nakafull blast na AC sa akin.

      Dahil sa sobrang bored na ako, I grabbed my phone, put on my earphones and played anything on my iPod with a bag of chips on my side.

        Mag ti thirty minutes na, wala pa din si mama. Until, I noticed a kid staring at me from a distance. He's wearing yellow shirt, shorts, and a cap. He's about 4-5 meters away.
       "Nasaan ba ang mga magulang nito? Napaka irresponsible naman." Bulong ko sa sarili.
          Ilang minuto na ang lumipas, hindi pa rin umaalis ang tingin nito sa akin. Too bad, I don't have any coins with me. Kinuha ko nalang ang chips sa tabi ko pointed it and mouthed if he wants. Umiling sya at bahagyang hinawakan ang kanyang tiyan na parang sinasabing 'busog pa ako'.


      [bugsh!]


"Manong naman eh! Nanggugulat ka." Andyan na pala sya. Tapos na atang mamili si mama.

"Anong ginagawa mo dyan sa tsitsirya?"

"Ah. Ito ba? Inaalok ko lang po yung pulubi. Baka gusto nya eh."

"Hahahahahaha!"

"Bakit po Manong?"

"Ano ka ba naman? Tinted iyang salamin. Kahit anong gawin mo dito walang makakakita sayo sa labas."

"Ha?!! Eh.. Na- Nakita ko yung bata. Sumagot sya!" Paanong? Titingnan ko pa sana yung bata pero wala na sya.

        Simula noon hanggang makarating kami sa destinasyon namin, hindi ako nagsasalita at tila ba'y naninigas ako sa sobrang takot at kaba.

      Nasa Mitra's ranch kami. Naalala ko tuloy nung masaya kami nila Yasmin at Patty na nagba bonding sa Tagaytay.

"It's like a small Tagaytay." I told mom

"Yes dear. Haven't been here before huh?"

I nodded.

Umupo kami sa isang cottage facing the scenery. Mula sa kinauupan namin, natatanaw ang malawak na dagat at ang city. Inilatag na rin namin ang dala dala naming mga baong pagkain na niluto niya.

     "Lakad lakad muna ako Ma." I told her

    Habang naglalakad ako naalala ko na naman yung bata.

Ghost HuntingNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ