The End (ONESHOT)

4.9K 173 54
                                    

Copyright 2013 © Yeppeun

The End | One Shot Story

FACEBOOK GROUP: http://www.facebook.com/groups/IstoryaheNiBlesie

•••

Hindi ako mag-sasawang titigan sya, ang mga ngiti sa labi nya hindi pilit o plastik isang natural na ngiti lang, ngiti na nag papangiti rin sa ibang tao. Ang boses nya parang isang musika, musika na hindi nakaka-sawang pakinggan.

"Ma, nasaan ka na? Bakit hindi kita na aamoy?" sigaw nya habang sumisinghot-singhot pa. Nakita kong patakbo ang mama nya sa kinaroroonan nya at inalalayan syang mag-lakad.

Hindi ako mag-sasawang pagmasdan sya sa malayo, hindi ako mag-sasawang titigan ang maganda nyang muka sa malayo.

Hangga't may mga mata pa ako.

Hindi sya 'yung babaeng may arte sa katawan, hindi sya 'yung babae na puro disenyo ang muka. Natural lang ang ganda nya. Isang beses ko lang sya naka-usap ewan ko ba pakiramdam ko kasi sa tuwing lalapit ako sa kanya, sa tuwing tatawagin ko ang pangalan nya, sa tuwing hahawakan ko ang kamay nya para alalayan sya, sa tuwing kakausapin ko sya... Nakakaramdam ako ng hiya. Hindi ko alam kung bakit, wala naman dapat akong ikahiya, pero nahihiya pa rin ako sa kanya.

Hiya ba? O baka torpe lang ako talaga?

Minsan pumunta ako sa bahay nila, kinamusta ko lang sya tutal naman malapit lang ang bahay ko sa bahay nya, tinanong ko kung natatandaan pa ba nya ako. Baka kasi nakalimutan na nya ako.

"Ashley kamusta ka na?" tanong ko sa kanya noon habang nasa labas sya ng bahay nila.

Diretso lang ang tingin nya sa malayo habang naka-ngiti. "Derrick, ikaw ba 'yan? Ayos naman ako." pakiramdam ko na wala ang hiya ko noon, para bang na buhayan ang loob ko kasi hindi ko inaasahan na kilala pa pala nya ako. Kahit isang beses lang nya ako nakilala, kahit isang beses ko lang sya kinausap noon.

 
"Naalala mo pa pala ako. Haha, nakakatuwa naman. Buti naman at ayos ka lang, 'yung tuhod mo? May sugat pa ba?" hindi ko alam kung napaka-O.A ko 'nung araw na 'yun, sa pagkaka-alam ko kasi dalawang buwan maka-lipas 'nung unang araw nya ako nakilala, matagal ko na syang nakilala pero dahil nga na hihiya ako hindi ako maka-lapit sa kanya, kahit na malapit lang ang bahay namin sa isa't-isa.

Noong araw na unang beses nya ako nakilala, nag-lalakad sya noon pauwi sa bahay nila wala syang kasama isang mahabang stick lang ang hawak nya, ginagamit nya 'yun para malaman kung may tao o bagay ba na nasa harap nya. Nasa labas ako ng bahay 'nun tinitignan sya sa malayo, pinapanood syang mag-lakad. Pero nakita kong bigla syang nadapa, hindi nya alam na may bato pala sa dinadaanan nya. Wala na akong na gawa parang bigla na lang nagkaroon ng pag-iisip 'yung katawan ko para puntahan at alalayan sya.

Doon nya ako unang beses nakilala.

"Uhm.. Okay naman ako, sabi ni mama may peklat daw ang tuhod ko. Derrick pwede ba mag-tanong?" kinabahan ako sa sinabi nya, naka-tayo lang ako sa gilid nya habang tinititigan ang muka nya, ang sarap palang titigan sa malapitan.

 

"Ano 'yun?"

 

"Anong kulay ba ang dugo?" parang medyo na dissapoint ako sa tanong nya, inaasahan ko kasi na mag tatanong sya kung single ba ako o taken na. Pero bakit naman nya 'yon itatanong?

The End (ONESHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon