Kinabukasan ay maaga akong nagising para makapasok. Nakakapanibago na pagkagising ko nasa kwarto ko ulit ako. Parang bigla akong nasanay na sa Alegria ako at walang ginagawa.

Pagkatapos kong maligo, kumain, at magbihis ay dumiretso na ako sa trabaho. Kinontact ako ni Karl kahapon na ngayon daw ilalagay ang billboard kaya tinawagan ko siya habang nasa taxi ako.

"Nakabalik ka na?" tanong niya.

"Oo naman! Patungo na ako sa trabaho. Kumusta? Anong oras daw ilalagay? Kinakabahan ako!"

"Kita mo naman 'yong final edits 'di ba? Ang ganda kaya!"

"First time ko 'to, e. Alam mo na... 'Tsaka di ko nakita ang final edits. Hindi ko nabuksan ang email ad ko kahapon. Ngayon pa, pagdating ko sa trabaho."

"Okay. Tingnan mo para 'di ka na kabahan. Later?" tanong niya.

Tumawa ako. "Sige... pupunta ako sa spa n'yo. Doon na tayo magkita."

"Okay..."

Pagkabukas ng elevator patungo sa opisina ay tulala pa ako. Pero nakuha ni Duke ang atensyon ko. Nakatayo siya sa isang cubicle na tapat ng pintuan. He's wearing a black coat and tie at may malaking palumpong ng mga pulang rosas siyang dala.

Nalaglag ang panga ko. What's this for?

Unti unting umangat ang labi ko. Tinulak ko ang transparent door. Tumuwid siya sa pagkakatayo. Kitang kita ko ang pag tingin ng ibang empleyado.

"Welcome back!" ani Duke.

Mas lalo akong nangiti. Tinanggap ko ang mga rosas. "Salamat! Nag abala ka pa."

"Of course..." Ginala niya ang kanyang paningin mula ulo hanggang paa. "I'm glad nothing changed..."

"Isang linggo lang naman, Duke!" tumawa ako.

"Kahit na. Some things change real fast..."

Tiningnan kong mabuti ang suot niya. Mukhang may meeting siya ngayon, a?

"May meeting ka?" tanong ko.

"Yup. Babalik ako before lunch. Let's eat together?"

"Uh... Okay!"

Sinamahan niya ako patungo sa aking opisina. Walang mga papel sa aking lamesa. Ibig sabihin, habang wala ako ay talagang walang binigay na trabaho. Nilingon ko siya.

"Wala bang paper works? What about the second interview?" tanong ko.

"Huwag mo na munang isipin iyon..."

Nilapag ko ang mga rosas sa aking lamesa. Hindi pwedeng ganoon. Ayaw kong may favoritism sa work. Ano na lang ang sasabihin ng HR Manager?

"Duke, hindi pwedeng ganoon. Iyong nirereview kong mga tao, asan na?"

"The second interview will be this coming Friday."

Second interview? Kung nasaan si Felicity? Oh my God!

"Uh, pwede rin namang sa review na lang ako since nainterview ko na itong mga applicants."

"Hmmm. Okay. If that's what you want then I won't put you in the panel."

Huminga ako ng malalim. Ayaw ko mang gumagamit siya ng kanyang awtoridad para mas mapadali ang trabaho ko, gusto ko naman ang desisyon niyang ito. I want to detach.

"May kilala kasi ako sa mga applicants kaya mas mabuting huwag ako ang mag interview."

"Oh? Sige... sige..."

Umupo ako sa aking swivel chair. Nakatayo si Duke sa aking harapan. His tux is quiet intimidating. His dark eyes sent shivers down my spine. Ang paninitig niya sa akin ay may ibang pinapahiwatig.

Baka Sakali 3 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon