Hello Again

26 1 0
                                    

Maliit talaga ang mundo.

Naisaloob nalang ni Mint. Matagal na niyang natanggap sa sarili na sooner or later ay magkakaharap uli sila. Pero hindi pa ata siya ready makaharap ito. Masyado pang sariwa ang lahat sa kaniya. Napaka atat naman ata ng tadhana para ipa alala sa kaniya ang nakaraang napaka masalimoot para sa batang bata niyang puso.

Hah. Patawa.

Pwede kayang mag excuse?

Tutal ay nasa entrada palang naman siya ng pinto. Pwedeng sabihin: "Sorry wrong room."

"Ah? Mrs?" The Headmaster spoke and surprisingly he's so young to be one. Naningkit ang mga mata niyang singkit. He looks familiar. "Come in and please sit down. Kanina ka pa namin hinihintay." San kaya niya ito nakita?

Napalunok siya. Oh well. Whatever.

"Hi. Good Afternoon I'm sorry if I'm late." Buti nalang at hindi siya nag stutter. She tried not to look towards the guy na hindi niya pinangarap na makita pa.

"Dapat lang! You already wasted our time waiting for you." Angal ng isang ginang na nakaupo sa harap ng mesa ng headmaster. Katabi nito ang isang chubby na bata. Ito marahil ang ina ng nakaaway ni Devie. Naku talaga. Mukhang mas sasabak pa 'to ng gyera kesa sa lola ni Devie e!

Ngumiti siya dito. "Like I said I'm sorry, besides hindi naman talaga ako makakarating agad dito right after na mainform ako. Kung pinag bukas niyo pa ang schedule maybe I could come on time. " Naglakad siya papunta sa bakanteng upuan na katabi lamang ng kay Devie. Tumaas ang kilay niya ng makitang nakayuko ito at parang takot na takot. Di kayay tinatakot ng matanda?

"Aba't!? Alam mo ba kung ganong purwisyong dala ng iyong anak tapos ganiyan ka pa mag salita? Kaya siguro naging ganiyan ang anak mo dahil sa klase ng pagpapalaki---"

Nahampas ni Mint sa mesa ang kamay. "For you to say something like that is so below the belt Ma'am. Hindi ako pumunta rito para mainsulto at sa sinasabi niyo ba ay may ebidensya kayo sa mga pinaparatang niyo kay Devie?"

Talagang hindi niya mapapalampas ang ginang sa mga pinagsasabi nito.

"Teka ho. Wag po tayo mag away sa harap ng mga bata." Napatayo na rin ang head master at hindi alam kung sinong uunahin na lapitan. Poor guy. Baguhan siguro.

"Hindi e! Nakita niyo naman head master kung anong nangyari sa anak ko? Puro kalmot at pasa!" Hinaklit nito patayo ang anak at piangtuturo ang mga 'kalmot at pasa'.

Noon naman sumiksik sa utak niya na maaring nasaktan din ang pamangkin niya! Nilingon niya ito at pasimpleng sinuri.

Putok ang gilid ng labi at may iilang kalmot din.

Nagngingit ngit ang kalooban niya.

Noong bata siya may nakukuha din siyang kalmot at pasa pero hindi dala sa pakikipag away kundi sa kalikutan at paglalaro. Bakit ganito na ang mga bata ngayon?

"Kaya nga ho Mrs. Ty andito po tayong lahat para mapag usapan ang nangyari at nang maayos. Hindi naman po maaayos kung idadaan po natin sa init ng ulo, di po ba?"

Natahimik si Mrs. Ty pero halatang masama pa rin ang loob. Pero bilib siya sa pasensya ng Headmaster baka namali sa pagpasok ng prospesyon? Dapat siguro sa barangay ito at inaareglo lahat ng reklamo ng mga mamamayan gamit ang swabeng boses nito.

Tumikhim ang isa pang bisita ni head master na prenteng nakaupo ito sa sofa na naka pwesto sa gilid nila, may hawak pang news paper ang timawa. Ano kayang ginagawa ng timawa sa office ng headmaster?

Sinulyapan lang din ito ng head master at tinuloy ang pagsakdal sa dalawang bata.

"So... Naitanong na po namin sa dalawang bata kung anong nangyari. Pareho pong nagkasala ang dalawa kaya pareho po silang bibigyan ng punishment."

"What!?" Halos umigting ang litid ng ginang na kaharap niya. "Bakit pati ang anak ko ay dapat parusahan? Dapat i-kickout ang batang yan!"Sabay duro pa nit okay Devie. Sumiksik naman sa gilid niya ang pamangkin.

"Ma'am please, wag naman po natin-"

"Fine. I want to see the CCTV footage from their classroom." Napatanga ang Headmaster kay Mint. Natameme naman ang ginang na naghaharumintado. "Kung nauna nga si Devie sa gulong 'to, ako na mismo ang lilipat sa kaniya sa ibang school pero kung napatunayan kong ang 'mabait' mong anak ang nanguna I want her out of this academy and I'll file a complaint against you. Child abuse."

Pag ganito kasosyal ang school sigurado si Mint na bawat kilos ay naka record. Napansin niya yun kanina. Bawat sulok ata ng classroom na nadadaanan niya may CCTV. The perks of pang mayaman na school. Daming arte.

" Wag naman po natin iabot pa sa demandahan mga Ma'am." Huling huli niya ang head master sa pagpunas ng pawis.

Pati siya basa na ang kili-kili. Na e-stress pati split ends niya. Ito na nga bang sinasabi niya, gulo at sakit sa ulo ang madadatnan niya sa "Trouble" ng pamangkin.

"Pag batiin nalang po natin ang mga bata saka hindi naman po gaanong mabigat ang punishment nila. Mag e-extend lang po ng 1 hour ang stay nila dito sa academy every afternoon for 1 month."

"Whatever! Let's just end it here! Wala namang kwenta ang lahat!"

Dinedma nalang ng Headmaster ang ginang. "Okay girls mag sorry na kayo sa isa't isa and make up." Ngumiti ang headmaster. Napilitan ang dalawang bata na magkamay at magsorry.

Tumayo ang ginang ganun din ang head master kaya tumayo na rin siya. Ano ba ang gagawin niya? Kakamayan ang ginang o ang head master at mamamaalam? What? Sana may hand book para sa mga ganito.

"Makakarating 'to sa asawa ko Mr. Doran." May pinahihiwatig ang ginang. Tumingin ito sa kaniya na naghahamon saka nag martsa habang hila-hila ang anak at walang lingon na lumabas.

"Parang bata..."bulong niya.

Napabuntong hininga ang headmaster. "Delubyo." Tumawa pa ito.

"Ah. Salamat po pala Sir..." Binasa niya ang pangalan na nakalagay sa maliit na naka kwadradong salamin sa ibabaw ng mesa nito Jed E. Doran.

Jed...

JED!? Namilog ang mata niya sa nabasa. Nananaginip ba siya?

"Ikaw si Jed?" Di makapaniwalang bulalas niya.

"Ha? Oo. Eh, Pasensya na Mrs. err hindi ko nga pala naitanong ang pangalan niyo." Napakamot pa ito sa ulo. Akalain niyo 'yon? Sinong mag aakala na magiging head master ang isang Jed?

"Hello Matilda. Long time no see." Nanigas siya sa kinatatayuan ng marinig ang buong-buo na boses nito. Pumitik agad ang puso niya. Biglang tumibok ng mabilis. Shit.

"Matilda? As in si Mint na maldita noong high school?" Si Jed uli ang napabulalas. Umikot ito at lumapit sa kaniya."Wow, ang tagal nating di nagkita. Akalain mong dito pa tayo nakapag abot!" Tumawa ito at walang sabing niyakap siya.

Biglang na conscious si Mint. Hindi pa rin nagbabago ang loko-loko, feeling close kahit matagal tagal na rin na di sila nagkita.

"Magkakilala kayo?" Sumabad ang punot dulo ng lahat.

"Anak mo?" Agad pumako ang tingin nito sa bubwit.

"Magkamukha lang po kami pero Tita ko po siya." Pagmamalaki ng bubwit. Ngumiti si Mint dahil totoo naman. Sa kaniya ata pinaglihi ang tiyanak dahil sa tuwing magkasama sila mas napagkakamalan silang magnanay kesa sa totoo nitong nanay.

"Ahh! Oo nga naman! Oy Claizen, Pare di mo yayakapin si Mint? Matagal tagal na din na di kayo nagkita di ba?"

Mawawalan ata siya ng malay pero bago yun masasakal niya muna si Jed!

********

HAHA! Napahaba. Ewan.


Teenage Love Story Once AgainOnde histórias criam vida. Descubra agora