Matilda

43 2 0
                                    

L lllMagkasabay silang naglalakad sa downtown papuntang sakayan. Nakagawian na nilang gawin 'yun sa tuwing inaabot sila ng gabi sa eskwela. Napatingin siya sa gawi nito. A shadow covered half of his face at may munting ngiti ang naglalaro sa labi nito. Siya kaya ang dahilan 'nun?

Napangiti na rin siya. Ahh. This is life.

Masasabing kontento na siya sa buhay bahala na't puno ng kadramahan sa bahay at paaralan basta kasama niya lang ang taong mahal.

Hindi niya 'pa' boyfriend ang kasabay dahil hindi naman nila napag usapan ang bagay patungkol dun. Pero dapat ba niyang itanong dito kung ano ba talaga ang estado nila?  

Napakamot siya sa gilid ng ulo.

"Masaya ka ba?" Narinig niya mula rito.

"Oo naman. Ikaw ba'y hindi?" napasulyap naman siya uli rito.

"Oo pero parang may kulang." Nagtaka naman siya dito. Ano kayang pinagsasabi nito?

"Mahal kita Matilda..."

RINGGGGG!

Padabog  na kinuha ni Mint ang nagiingay na Cellphone. Hindi na niya tinignan kung sino ang caller basta sinagot niya na lang 'yun kahit namamaos pa ang kaniyang tinig.

"Hello?" Parang ungol lang yun sa pandinig niya. Hah. Bahala na kung sino man ang nasa kabilang linya.

"Tita!" Si Devie ang nasa kabilang linya. Her 8 years old niece. Anak ng only big brother niya.

"What?" Padaskol na sagot naman niya rito.

"Nasa Headmaster po ako ngayon..." parang gusto niya itong kutusan kung sanay magkaharap lang sila. 

"So?" Tumihaya siya at kumunot noo. Talaga bang napanaginipan niya 'yun? Tsk! Edi Bad Omen!

"Eh... I think im in trouble." Lumiit ang boses nito halatang kabado.

"Ah... Trouble!? What?! Ano na naman ang ginawa mo?" Nahilot niya ang sinitido ng wala sa oras.

"Kasi naman tita ang salbahe ni Mary. Inaapi ako lagi kaya di na ako nakapag pigil, ginantihan ko."

"Naka naman Devs. Sana dinedma mo nalang o kayay sinumbong,pangalan pa lang talo ka na he-he Mary sa Devie. Talo nga, so pano 'yan? Tsaka kanino tong gamit mo?" Tinignan niya ang callers I'D. Di niya rin kilala.

"Kaya nga tumawag ako sa'yo tita. Pinapapunta ka ng headmaster tsaka sa kaniya rin tong phone." Napabalikwas siya ng bangon.

"Ha? Ba't ako? Ba't hindi nalang ang Mama Nene mo?" Lola niya sa mother side ang tinutukoy niya.

"'ta naman e. Alam mo naman si Mama parang laging susugod ng gyera. Ikaw nalang please?" Natawa siya sa diskripsyon nito sa abuela na totoo naman.

"Okay fine. Anong oras daw ba?" Nag inat inat na muna siya.

"Now na raw po." Nalaglag ang hawak niyang Cellphone. Pamangkin nga talaga kita! Kuu! Sarap pulbusin ang tyanak na damulag na yon. Sakit ka sa tadyang!

*****

Di ko nahanap ang aking mahiwagang notebook. Di ko rin alam kung paano at saan magsisimula. So... bigyan niyo ko ng mahiwaga nyong feedback. :>



Teenage Love Story Once AgainWhere stories live. Discover now