Chapter 35 (Protective)

Start from the beginning
                                    

"Lakad"

"El... gabi na. medyo delikado---" humarap siya sakin at ngumiti.

"Mich di pa ganun kagabi. Pag 10pm yeah dun ako magpapanic pero wala pang 9pm kaya safe pa maglakad lakad." Sabi niya sabay kindat sakin at kinuha yung bag niyang maliit. Ewan ko ba pero parang kinakabahan ako na ewan sa kanya eh.

"Ingat ah?" di ko to kayang pigilan. Sasamahan ko na siya kaso kailangan ko pang mag aral.

"Opo mama." Inirapan ko siya at nginitian. Binuksan niya yung pinto sabay labas. Hayy. Bahala siya.

LOUIS' POV

"So?" tanong ni Avan habang nasa maliit na coffee shop kami na malapit sa campus.

"yeah sure whatever." Wala ako sa mood para pakinggan yung plano niya kung pano siya mamahalin ni Mich uli. Pano ba naman kasi:

Nabagsak ko yung test sa Accountancy

Pinahiya ako nung prof namin

Ang lakas ng tawa ni El nung time na yun

Pinoproblema ko pa yung problema ng iba.

Saya ng life.

"Tingin mo mag wowork?" sabi niya sabay inom sa kape. Tumango na lang ako tiningnan yung orasan.

10:30pm What the hell?! Parang kanina 7pm pa lang ah.

"Okay do what ever you want pero alis na ko ah? Maaga pa ko papasok bukas." Tumango siya sabay sabi ng "ingat" its been a long day.

Umalis ako sa coffee shop at pumunta patungo sa parking lot na medyo malayo sa shop.

EL'S POV

Okay kinakabahan ako. Sadyang naisipan ko lang maglakad at di ko namalayan na 10:30pm na. Damn, dapat nakinig ako kay Mich. Naglakad ako papuntang dormitory ng may na feel ako. Lumingon lingon ako sa paligid pero wala namang tao. Sobrang tahimik. Paranoid lang siguro ako?

Binilisan ko yung lakad ko at maya maya ay may humila sakin at sinandal ako sa pader. Tinakpan niya yung bibig ko at naluluha na ko.

Wait ayoko pang mamatay please. Or ma kidnap. I swear magiging good girl na ko wag lang may masamang mangyari sakin...

Of course may masamang mangyayari sayo. Sinong tangang babae ang maglalakad ng 10:30pm? Perfect. Just perfect.

"BA'T KA NAGLALAKAD NG GANITONG ORAS NA WALANG KASAMA?! GUSTO MONG MAMATAY O MAY KUMIDNAP SAYO?!" sinigawan niya ko. Wait, familiar yung boses na yun ah. Di ko masyadong Makita yung mukha niya dahil madilim. Tinanggal niya yung kamay na nasa bibig ko at nakahinga ako ng malalim. Pero may halong onting takot pa din.

"SAGOT!" Nagulat ako na natakot. Halatang galit na galit siya.

"Sorry... uhm gusto ko lang naman mapag isa at---"

"WHAT THE HELL EDI IKULONG MO SARILI MO SA ISANG KWARTO AT WAG NANG LUMABAS." Halatang galit na naiirita siya... wait yung boses na yun. Familiar na familiar.

"Eh kasi---" tinakpan niya yung bibig ko gamit yung kamay niya sabay lapit sa tenga ko.

"Shh, wag kang maingay." Bulong niya at nagka goosebumps ako dahil dun. Naguluhan ako sa sinabi niya pero naintindihan nung nakita ko na may tatlong lalaki na mukhang lasing na palakad lakad. Wow... Nung mukhang umalis na sila ay inalis na niya yung kamay niya sa bibig ko.

"Tara hatid na nga kita. Baka mamaya may mangyari pa sayo." Medyo kalma na yung boses niya kaya naman ay tumango na lang ako...

LOUIS' POV

1:30am and I'm wide awake. Great. Just great. Ba't ganito buhay kolehiyo. I can't... di ko na kaya. Biglang nag ring yung phone at nakita ko si Avan tumatawag.

"Hello?" sagot ko. Ba't gising pa din to?

"Okay natatandaan mo yung plano na sinabi ko sayo kanina nung nasa coffee shop tayo?" tanong niya.

"Oo." Hindi nakatulala lang ako habang nagkwekwento ka.

"Gagawin ko yun bukas." Wait what?

"Huh?"

"Yung plano para ma inlove siya uli sakin, Louis."

"Avan wait... wag isisra mo yung friendship niyo ni Liam at---"

"Eh diba sabi mo sakin gawin ko kung ano sa tingin mo yung tama." Oh. Kasalanan ko to.

"Avan wag please. Pag mahal mo yung isang tao, pakawalan mo na." Ma guguilty ako pag nawala si Mich kay Liam.

"Hindi Louis... pag mahal mo, ipaglaban mo." And with that, binabaan na niya ko ng phone.

Oh this is bad.

So sino kaya ang tumulong kay El? Hahaha tho I think alam niyo ata kung sino ;) Vote and comment. Also, gusto ko lang mag thankyou dahil #98 yung Better than Words sa fanfiction! Di ko aakalain na magiging number 98 siya or smth. Thank you din sa di paggigive up kahit ilang months akong di nakapag update. Thank you for the 2.7 MILLION reads <3 sml. 50 votes and 30 comments for the next chapter? Medyo onti na lang kasi yung votes and comments eh. Anyway, enjoy guysss.

-F Xxx ].



Better than words (Tagalog love story Kathniel)Where stories live. Discover now