[8] Closer with E.X.O

18 0 0
                                    

[8] CLOSER WITH E.X.O

Isang linggo na rin mahigit nang magpunta ang EXO sa Pinas. At sa mga araw na yun ay unti-unti ko silang nakikilala, at unti-unti akong napapalapit sa kanila.

"Ang daya-daya mo girl! Kinalimutan mo na kami." pabiro akong sinabunutan ni Kate.

"Hindi ka man lang mag-share sa 'min ng kaganapan. Huhu." birong iyak ni Leana.

Oo nga pala, simula rin nang makilala ko ang E.X.O, palagi na akong kasama nila kung nasaan man sila. Para iwas daw ata sa issue? Hays, ewan. Kaya ito, nagtatampo ngayon yung dalawa.

"Sorry na. Saka hindi ko naman kayo nakakalimutan noh. Marami lang kasing ginagawang activity ang grupo nila kaya ayun, pati ako damay dahil sa issue na 'yon." depensa at paliwanag ko.

"Kamusta ka na?" tanong ni Steven.

Napangiti ako ng makita ko ulit siya. Dati pinapangarap ko siya at sobrang saya ko pagnakikita siya. Ngayon, parang normal na kaibigan na lang siya para sa 'kin. Pero, crush ko pa rin naman siya.

"Okay lang. Medyo nasasanay na rin ako'ng kasama sila." nakangiti kong sagot.

"Mukha nga. Napanood namin yung interview mo nang nakaraan. Sanay ka na sa pagsagot, mala-showbiz na talaga. Great pretender. Haha." sabi niya at cool na tumawa.

Parang may mali sa sinabi niya.

"Hahaha. alam mo girl, na-miss ka niyan. Lagi kang hinahanap sa'min." pangbubuking ni Kate.

Sinusundo kasi agad ako ng service van nila pagtapos na ang klase ko, kaya hindi ko na sila nakakabonding. Pati nga si mommy nagtataka, pero hala, go lang siya. Baka isa na daw sa kanila mapangasawa ko. As if naman na mangyari 'yon.

"Ayiie~ nami-miss siya, oh." siniko-siko ako ni Leana sa tagiliran. "Mukhang magbubunga na pangarap mo. Sa susunod liligawan ka na ng prince charming mo." pabulong niyang sabi.

"Yeah. Yeah. Ang lucky mo this year ah. Ano ba ang chinese zodiac sign mo?" bulong na tanong ni Kate.

"Anong pinag-uusapan niyo?"

Sabay-sabay kaming napatingin kay Steven.

"Ah, Wala. Girl things." palusot ko na lang.

"Tama! Girl things." hinawakan ako ni Leana sa balikat habang taas-baba ang kilay niya.

Tinignan ko siya ng masama. If i know, crush din naman niya si Steven.

"Gano'n ba? Hmm. Mimi, pwede kang maayang kumain? Ilang araw na rin tayong hindi nakakapag-bonding."

"Naks! Da moves ang prinsipe. This must be love! Haha."

"Huh?" napakunot ng noo si Steven sa sinigaw ni Kate.

"Ah, kasi Steven matagal ng asdfghjkl--" tinakpan ko agad ang bibig ni Kate.

"Matagal ng ano?"

"Haha. Wala. Ang gusto niyang sabihin, matagal ko ng gustong kumain ng... kwek-kwek. Haha. Matagal na rin kasi nang makakain ako ng street foods." sabi ko saka inalis ang kamay sa bibig ni Kate.

"Sakto. Tara sa park? I'm sure maraming nagtitinda do'n. Tara girls, my treat." sabi ni Steven at naglakad na.

"Treat? Malamang magkano lang naman 'yon."

"Shh!" sita ko kay Leana sa pambabara niya kay Steven.

Sumunod na rin kami kay Steven na maglakad.

"Girl, bakit hindi mo pa sinabi? Ayun na eh. Saka, obvious naman na may gusto siya sayo." bulong ulit ni Kate.

"No, Kate. 'Wag na. Kasi... i think i started to like someone else."

My Boyfriend is a Kpop (FanFic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon